Its already Monday!Start na nga ng hell week naming mga Shs,pagdating ko sa room ay inaasahan ko ng magkakadistansya na ang mga upuan namin.Pagkaalis ni Camaro ay naupo na kaagad ako,Hindi na ako nag sayang pa ng oras para makipagdaldalan kila Serrah,ginamit ko na lamang ang natitirang oras para balikan ang mga ni-review ko sa unang subject na ite-test namin,mas mabuti ng i-review ko ulit,just in case na baka may makalimutan ako.
Maya maya pa'y dumating na ang magbabantay saamin,si Ma'am Minchin,ang matandang dalagang lecturer rito.Oo,Minchin ang pangalan niya bagay na bagay sakanya dahil magka-ugalo sila ni Miss Minchin.Kaagad na nagsi-tahimik na ang mga kaklase ko't nagsibalik na sa kani-kanilang upuan."Keep your books and reviewer and put your bag here in the front,wala akong makikitang kahit anong gamit sa arm chair maliban sa ballpen at correction tape."Ang lagi niyang linya sa tuwing mag E-exam.
Dali dali naman naming nilagay ang mga bag sa unahan,malinis naman ang sahig kaya pinatong nalang namin dito ang mga bag,pagkatapos ay nagsibalik muli kami sa kanya kanya naming upuan."Cheating is not allowed!Malalaki na kayo kaya dapat alam niyo na ang number one rule na'yan every Examination."Isa pa sa nakakasawa ng linya niya.Paulit ulit nalang,Haist.
Ilang saglit pa'y sa wakas ay natapos narin siya sa kakadaldal.Isa isa niya ng binigay saamin ang test paper at sabay sabay na pinasagutan.Panay ang libot niya habang sumasagot kami,sa kabila ng katandaan niya'y hindi man lang siya napapagod maglakad ng pabalik balik hanggang sa matapos namin ang dalawang subject,C.L at Creative Writing.
"Ang hirap pala kapag may fiance kang masyadong concern sa grades niya."Utas ni camaro na nasa may kanang gilid ko ang ulo, pinagmamasdan akong binabasa ang reviewer ko para sa susunod na subject(Practical Research) after nitong snack break.
Natawa naman ako."Kunting tiis lang,Matatapos rin 'to."Saad ko habang nasa reviewer parin ang tingin.
Narito kami sa soccer field,nakaupo sa ilalim ng puno.Napapagitnaan ako ng kanyang mga hita at nakukulong ako ng kanyang mga bisig,nakasandig siya sa puno habang ako naman ay nakasandig sa kanyang dibdib habang nag re-review.
"Ayoko lang talagang maging red flag sa'yo kaya tinitiis ko talaga,Swan."Aniya.
Awtomatiko naman akong napangiti saka nilingon siya ng bahagya."Hayaan mo babawi ako sayo pagkatapos nitong quarterly."saad ko.
"Talaga?"nabubuhayang tanong niya.
"Oo nga."tumatango ako.
Sa tuwa'y nanggigigil niya akong niyakap."Kung sana may powers lang ako para pabilisin ang oras ginawa ko na,Swan.Atat na atat na akong lambingin ka."Aniya.Napangiti nalamang ako dala ng kilig.
Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa sumapit ang araw ng Friday,ang huling araw ng Quarterly Examination,higit pa saakin ang tuwang nararamdaman ni Camaro ngayon dahil last day nalang ito ng hell week at pagkatapos ay pwede niya na akong kulit kulitin at lambing lambingin.Masasabi ko na hindi naman ganoon kahirap ang mga question sa Exam,kung nag aral ka talaga at nakinig sa lesson ay makukuha mo kaagad ang sagot.Buti nalang talaga wala kaming Subject na Math dahil sa subject na'to ako nahihirapan.
"Sa wakas!Tapos na ang exam!"Sinalubong kaagad ako ni camaro ng mahigpit na yakap pagkalabas ko ng room.Nagsilungunan tuloy saamin ang mga studyante rito.
"Tuwang tuwa kanaman."binatukan ko siya.
"Syempre,ilang araw ka saking inagaw ng mga libro mo."Aniya.Grabe sa word na 'inagaw',e' wala namang isip ang mga libro."Akin na ang bag mo,ako na ang magdadala."kinuha niya sa balikat ko ang saklay saklay kong pink na tote bag saka sinaklay sa balikat niya."Pati i-"
"Ako na,tumbler lang naman 'to,hindi naman mabigat."Giit ko sabay layo sakanya ng bitbit kong aquflask.
"Tch,kahit papel pa 'yang dala dala mo o eraser,hindi parin kita pagbibitbitin.Kapag kasama mo ako,lahat ng dala dala mo ako mag bubuhat,mabigat man 'yan o hindi."pagmamatigas niya sabay agaw sa kamay ko ng pixie dust kong aqua flask.Tigas talaga ng ulo ng pilyong 'to,kahit ano ano pang pinagsasabi.
BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...