Pagkatapos ng masaya naming tanghalianni Camaro kasama ang mga taga-alaga ng kanilang pananim at hayop ay naglakad lakad kami rito sa taniman ng mga Grapes.Ganoon nalamang kaganda ang mga bunga,alagang alaga talaga.
"Ang dami niyong tanim noh,hindi talaga kayo mawawalan ng pera."saad ko.Habang tumatagal ay parami ng parami ang kumukuha sakanila bilang supplier,lalo na mga sikat at kilalang restaurant at hotel,hindi lang dito sa Del valiente.Idagdag pa yung iba pa nilang negosyo,Grabe!
"Hindi naman lahat ng perang nakukuha namin sa mga negosyo namin ay napupunta lahat saamin,nag do-donate kami lalo na sa mga orphanage at mga paaralan,may kinukuha rin kaming scholar."Kwento niya.
Nabanggit nga saakin nila Mommy't daddy na marami silang tinutulungan,hindi nga raw sila makapaniwala na natuto naraw ang Don Grei na tumulong sa kapwa,noon kasi ay masyadong sakim sa pera ang Don,lahat raw ng mga tauhan nito ay inaalipin,wala raw sa ugali nito ang pagiging maawain.
"Hindi naman ba labag sa kalooban ng Don na marami kayong tinutulungan?"hindi ko naiwasang tanungin iyon.
"Dati hindi,ngayon ay natututo narin siyang tumulong,ilang taon narin ang nakalipas simula nung nangyareng kasakiman niya sa Montesano ay may nakita narin kaming magkakapatid na pagbabago sakanya,siguro ay dahil narin iyon kay Kuya Dragomir.Ang nakakatanda kong kapatid ang naging dahilan ng pagbabago niya"pagkekwento pa niya.Kahanga hanga talaga ang Señorito Laviente Dragomir,na kaya niyang baguhin ang pag uugali ng kanyang ama.
"Ang bait talaga ng Señorito Dragomir,kahanga hanga talaga siya.Masuwerte si Mariposa't mayroon sakanyang nagmamahal na napakabait at matulungin na Ginoo.Ganoon nalamang din niya kamahal ng sobra si Mariposa,kung ituring niya kasi si Mariposa ay para bang mundo niya na."Saad ko habang nakatingin sa kawalan.Nakakainggit,Kailan kaya rin dadating ang saakin? "Sana dumating din yung panahaon na may darating sa buhay ko na isang ginoong mamahalin ako ng totoo,iyong mararamdaman ko talaga na mahal na mahal niya ako,iyong hindi siya magsasawang mahalin ako araw araw."Ang sarap lang sa pakiramdam na may isang lalakeng nagmamahal sa'yo ng totoo,iyong tipong pag sambit palang niya ng 'I Love you' saakin ay ramdam na ramdam ng puso ko na totoo ito.
"Ibig mo bang sabihin,hindi pa ako ang lalakeng para sa'yo,Swan?"kaagad akong natigil sa paglalakad at nabalik sa realidad nang magsalita siya,saka ko lang din narealize ang mga sinabi ko kanina,dala kasi ng emosyong nararamdaman ko ay nasabi ko ang lahat ng iyon.
"Hi-hindi naman sa'ganon,Camaro.Hindi lang natin sigurado kung ang taong pag aari natin ngayon ay tatagal nga sa piling natin o pag aari pa natin sa darating na panahon."paliwanag ko kahit na hindi talaga iyon ang totoong rason ko.
"Pa'no mo nasasabi 'yan,Swan?Engage na nga tayo hindi ba?itong mga singsing na suot natin ay patunay lang na magiging akin ka at magiging sayo ako habang buhay."Aniya.Hindi ko naiwasang mapatitig sakanya.Sana nga Camaro,sana nga tayo nalang talagang dalawa habang buhay. "Hindi ako papayag na may mag ari pa sa'yong iba,Swan.Ako lang,ako lang dapat.Tanging ang apelyido ko lang ang karapat dapat na idugtong sa pangalan mo.Magiging Grei ka,Swan.Magiging Grei ka lang."Umawang ang bibig ko matapos niyang sabihin ang mga iyon,bawat kalabog ng puso ko ay pakiramdam ko'y paunti unting nawawasak ang dibdib ko dahil sa lakas at bilis nito.
"Love..."Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman ang palad niya sa magkabilang pisnge ko.
Hinawakan ko ito't tipid na ngumiti."Sigurado ka bang papakasalan mo ako,Camaro?"alam kong minsan ko ng natanong ito ngunit gusto ko paring ulit ulitin sakanya,dahil ayoko siyang mag sisi sa huli.
"Oo naman,Swan."Aniya.
"Pag isipan mo ngunang mabuti,Camaro.Wag kang mag desisyon kaagad,siguraduhin mo muna dahil ayokong magsisi ka sa huli."
BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...