Araw ng Huwebes ngayon,kaya naman puspusan na ang pagpa-practice naming shs para sa big Event na gaganapin bukas.Maging ang mga Scb officers ay busy narin sa pag aayos at pagde-design ng stage.Inanunsyo narin ng leader naming si Graciele ang magiging outfit namin sa sayaw pati na ang props na gagamitin.
Black combats boots,black skirt at black backless zip Up halter top saaming mga girls.Kinakabahan nga ako dahil paniguradong magagalit si Camaro sa suot naming 'to,masyadong kasibg kita ang balat.Black longsleeve na polo,pants at combat boots rin na black ang sa boys.
"Water break nguna tayo,Guys."Utas ni Graciele.Handito ulit kami sa gym,but this time kasama na ang mga classmate namin.
Naalala ko na hindi ko pala nadala yung tumbler ko,kaya kinailangan ko pang bumalik sa room para kunin,nauuhaw narin kasi ako."Taas nguna ako,kunin ko lang tumbler ko."paalam ko kila Graciele.Nagsi-tango naman sila.
Habang pataas ako ay naririnig ko ang tilian ng mga kakabaihan sa building ng Gass students at nanggagaling ito sa room nila Camaro.Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman napagtanto ko nalang na tinatahak ko na pala ang hagdan papuntang Room nila.
Bumulaga saakin ang mga kababaihang nakasilip sa bintana't pintuan ng room nila Camaro,panay ang tili nila,ang sakit sa tainga idagdag mo pa yung tugtog.Dala ng pagtataka kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga haliparot na ito ay sumilip rin ako,at ganoon nalamang ang gulat ko nang makitang walang saplot sa pangtaas si Camaro habang sumasayaw,kaya nakabalandra ang abs nito't mga muscles sa braso't likod.Masyadong pasikat ang pilyong 'to!
Hindi ko naiwasang makaramdam ng pagkainis nang makitang kinuhunan ng mga haliparot na ito ng video si Camaro.Ang lalandi! Para ko tuloy gustong sugurin si Camaro't bihisan ng damit.Ang pilyo kasing to!Kailangan ba talaga nakahubad habang sunasayaw?Naiinitan ba siya?E' may aircon naman ah!
"Lo-love?"Bumalatay ang gulat sa mukha ni camaro nang mahagip ako ng mga mata niya,awtomatiko rin siyang napahinto sa pagsasayaw.Napalingon naman saakin ang mga babaeng narito pati na ang mga kaklase niya.Ginawaran ko siya ng ngiti sa kabila ng pagkainis na nararamdaman."Sandali lang,Dre'."paalam niya sa mga tropa niya saka lumabas para lumapit saakin.
"Anong ginagawa mo dito,Love?"medyo kinakabahang tanong niya.Dapat lang na kabahan siya!Masyado niyang pinapasikat 'yang Abs niya sa mga babae.
"Sinilip ka"saad ko."Kailangan ba dapat nakahubad habang nag pa-practice?"Sarkastikong tanong ko,hindi ko napigilan ang inis na nararamdaman ko.Hindi ko alam kung bakit naiinis ako,gayong wala naman dapat akong pagkainisan dahil lang sa kita ang abs niya't muscles.
Humagikhik siya."kalma,Love.Hanggang tingin lang naman sila,sayong sayo 'tong abs ko."Ngingisi ngising aniya.
"Ba't ka nga kasi nakahubad?"salubong ang kilay na tanong ko.
bumuntong hininga siya."Natapon kasi yung tubig ni Aige sa polo ko pati sando ko nabasa kaya hinubad ko nguna para patuyuin."paliwanag niya.Base sa tono ng boses niya't ekpresyon ng mukha niya'y nagsasabi siya ng totoo.
"Okay.Sige na,balik kana do'n,pupunta na ako sa room namin."paalam ko.
"You're not mad,Aren't you?"Tanong niya.
Umiling iling ako."Hindi naman."Pero naiinis ako!Nangangati ang dila ko na sabihan siya na magsaplot na dahil panay tingin sa abs niya ang mga haliparot na narito.Nakakainit ng ulo."Pasok na,kailangan ko narin kasing bumalik do'n sa gym.Baka hinahanap na ako nila Graciele."Saad ko.
Ngumuso siya."Hindi ka talaga galit,Love?"Pag uulit niya pang tanong.
Humagikhik ako."Hindi nga."saad ko."Tch."Lumapit ako sakanya't ginawaran siya ng halik sa labi.Wala akong pakealam kung marami mang nakakita sa ginawa kong ito,mamatay sila sa galit at inggit.
BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...