Señorito 48:INTRAMURALS

469 16 0
                                    

Sa huli ay napagpasyahan niyang idala nalamang ako sa Mansion niya't doon magpalipas ng ilang oras.Iuuwi niya nalang daw ako sa Mansion namin kapag gabi na.Sa tagal banaman ng hindi ko pagpunta sakanyang mansion,sa wakas ay muli ko itong masisilayan ngayon,Medyo naeexcite nga ako dahil makakapunta ulit ako do'n.Sino banaman ang hindi maeexcite na makapunta sa Kaharian ng pangatlong prinsepe ng mga Grei?

Ngunit ang excite na nararamdaman ko ay kaagad na naglaho nang biglang sumalpak sa utak ko ang mga masasakit na alaala ng gabing iyon pagpasok ko sa Mansion niya.Iyong mga masasakit na mga salitang binitawan niya saakin maging ang pagkaladkad niya't pagtulak saakin,lahat ng iyon ay muli kong naalala,at muli ring nanumbalik ang sakit sa dibdib ko.

"Love..."

."Tangina, anong gusto mong isipin ko?Ha?Sa totoo lang nung una palang ayoko na sa'yo',nandidiri na ako sayo simula pa ng malaman ko ang tungkol sainyo ni Seymour.Hindi ko alam kung ba't pinatulan mo ang tarantadong 'yon."

"Akala mo ba hindi kita nahuli noon na hinahayaan mong hawak hawakan ka't halik halikan ng Whore na'yon,pero putangina lang hindi ko alam kung pano kita natiis sa kabila ng nakakadiri mong pagkatao."

Tila kinumyos ang puso ko sa huling katagang sinabi niya.Ang sakit sakit mong magsalita,Camaro.Durog na durog na ako."Hindi mo alam kung ano ang totoong nangyare ng gabing 'yon,Camaro."

"Huwag ka ng magmalinis,Swan.Ba't hindi mo nalang aminin sa sarili mo na talagang Malandi ka,Nakakadiri kang babae.Pati nga kaibigan mo,nilalandi mo diba?"

"Wala akong nilalandi Camaro"

"Talaga lang,Swan?E' nung mga oras na wala kayo ni Archeus,Asan kayo?Nasa motel naglalampungan,tama ba ako?"

"Hindi 'yan totoo,Camaro."

"Ano?Nasarapan ka ba?Ha?Swan?"We fucked many times pero hindi ka pa nakuntento dahil nakikipag sex ka pa sa kaibigan mo,baka nga hindi lang sa kaibigan mo pati na sa iba pang lalake."

"Hindi ako ganyang babae,Camaro.Malinis ako,hindi ko magagawa 'yan."

"Tangina,hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung ba't mas pinili kong siputin ka sa engagement kesa sa ipaglaban ang babaeng totoong mahal ko,hindi ko rin alam kung ba't hinayaan ko ang sarili kong mahalin ang isang babaeng tulad mo!."Nandidiri ako sa sarili ko!"singhal pa niya.

"Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo!"

"Love"Kaagad akong nabalik sa realidad nang tawagin ako ni Camaro't maramdaman ang mga palad niya sa magkabilang pisnge ko."Are you okay,Love?"bakas ang pag aalala sa boses niya ngunit hindi ako nakasagot agad,bagkus ay napatitig lang ako sakanya."Love?Tinatanong kita?"tanong pa niya,noon ko lang narealize na umiiyak na pala ako,marami na palang luha ang bumabagsak sa pisnge ko.

"Pa-pasensya na"nag iwas ako ng tingin sakanya't inalis ang mga palad niya sa pisnge ko."ma-may naalala lang kasi ako."saad ko habang pinapunasan ang mga luha ko.

"Love..."muli niyang hinawakan ang pisnge ko't deretsong tinitigan ang nanunubig kong mga mata."I'm sorry..."paanas sa wika niya.Mukhang nakuha niya kaagad ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.Hindi ko naibuka kaagad ang bibig ko,bagkus ay nanatili akong nakatitig sa mga mata niya hanggang sa dahan dahan na akong napababa ng tingin at napayakap sakanya.Ang sakit parin pala kapag naaalala ko ang mga masasakit na pangyayareng iyon,kahit na ayos na kaming dalawa ni Camaro."I'm so sorry,Love..."at mahigpit niya akong niyakap.

"Asan ka ba,Frennie?!Halos malibot ko na ang buong Uni kakahanap sayo,where are you ba kasi?nasa mars kana ba?hindi kita mahagilap.I'm so tired na."Arte arte talaga ng babaeng 'toh!

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon