Señorito 3

951 30 7
                                    

"Alam mo namang may Fiance kang maghahatid sayo pauwi,magpapahatid ka pa sa iba!"

Bulyaw niyang sermon saakin pagkarating namin sa pinarkan niya ng kanyang motorsiklo.Nag i-igting ang panga niya't nanlilisik ang mga mata sa galit.Malay ko bang gusto niya akong ihatid pauwi?Kung sinabi niya sana edi hindi na ako papayag na magpahatid pa kay Archeus,tuloy ay nadamay pa ang kaibigan ko.

"Sino ba saming dalawa ang fiance mo ,yung archeus bang 'yon o ako?!Sagot!"halos mabasag na ang eardrums ko sa kakabulyaw niya saakin.Serrah lang ang peg?Pwede namang manermon ng mahinahon,kailangan talaga idaan sa pabulyaw?"Ano?!Sasagot ka o mag wawala ako dito?!"paninindak niya.

"Ikaw!Ikaw ang fiance ko!"Pabulyaw kong tugon dahil pag hindi ako sumagot paniguradong magwawala talaga siya.Pero ang sarap lang sa feeling na isigaw na siya ang Fiance ko.Pero wag na,maraming magagalit.

"Kung gano'n bat ka sa archeus na 'yon magpapahatid?!Ako ba siya?!Siya ba si Camaro?!Ha,Swan?!"nakapamaywang na bulyaw pa niya.Ayaw paawat!

Anong oras ba siya titigil sa kakabulyaw?Hindi pa ba sumasakit 'yang lalamunan niya?Ako na itong nahihirapan sakanya e'.Tsaka ba't ba sobra ang galit niya na magpapahatid ako kay Archeus?e' sa pagkakaalam ko wala siyang pakealam saakin.

"Pwede bang tigilan mo na ang kakabulyaw saakin?Pwede mo naman akong sermonan ng mahinahon,makikinig naman ako."saad ko.

Napasabunot siya buhok niya't nagpakawala ng buntong hininga sabay lingon sa ibang dereksyon."Fine,I'm sorry."naging mahinahon na ang tinig niya,napawi narin ang masamang awra sa mukha niya.Nilampasan niya na ako't tumungo sakanyang motorsiklong nasa likod ko.

"Tch!"Agad niya akong hinila paharap sakanya't isinuot saakin ang helmet."Sa susunod na makita ko pang magpahatid o kahit magpasundo ka sa Archeus na'yon,lahat ng sasakyang nakapark rito sisirain ko."galit parin na aniya habang sinusuot saakin ang helmet.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti dala ng kilig na ipinaparamdam niya saakin ngayon.Imbes na matakot ako sa pagbabanta niyang iyon bagkus ay kinilig pa ako.Kinikilig ako na malamang ayaw niyang magpahatid at magpasundo ako sa ibabang lalake.

"Sakay"aniya na ikinabalik ko sa wisyo.Nakaangkas na pala siya motor niya't nakasuot na ng helmet,sa kilig ay hindi ko man lang napansin.Humawak ako sa matitigas niyang braso saka umangkas na.

"Ayos na"saad ko.

"Yakap"utos niya.Awtomatiko akong natigilan.A-ano daw?Yakap?"Didn't you hear me?Ang sabi ko yakap!"pagalit niya ng utos.Pero ba't niya ako inuutusang yumakap sakanya kung pwede namang humawak lang ako sa braso niya para hindi mahulog?gusto niya ba talagang yakapin ko siya?"Kailangan ko pa bang paharurutin 'tong motorsiklo para yumakap ka sa'kin?!"

Napalunok ako."O-oo na,Ya-yakap na."nauutal na tugon ko saka dahan dahang ipinulupot ang dalawa kong braso sa may tiyan niya.Kaunti nalang ay aatakihin na ako rito sa kilig,Ano bang trip niya't pinapakilig niya ako ngayon?Nakakainis!

Maya maya pa'y pinaandar niya na ang motorsiklo.Nakakamangha lang na hindi na kagaya ng kaninang umaga ang pagpapatakbo niya ng motor,dahan dahan na't maingat,hindi tulad ng kanina na para bang libo libong zombie ang naghahabol saamin.

"Good afternoon po."Magalang na bati niya kila Mommy't daddy pagkababa niya ng motor sabay mano.Narito na kami sa Mansion,saktong pagdating namin ay naabutan namin sila daddy rito sa labas.

"Good afternoon rin,Iho."Bati rin sakanya nila Mommy.Ganoon nalamang kaganda ang ngiti ni Mommy na makita niya kaming magkasama ni Camaro.Magtataka pa ba ako?e' gustong gusto nila si camaro para sa'kin.

"Natutuwa ako na inihatid mo rito ang Anak ko."Nakangiting wika ni Daddy sakanya.Same lang naman tayo,Daddy.Kinikilig pa nga ako hanggang ngayon.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon