Laviente Dragomir Grei Punto De VistaBakas na bakas ang lungkot sa mga mata ng kapatid ko habang pinagmamasdan ko siyang nilalaklak ang isang bote ng alak.Nakakatatlo na siyang bote,pang apat na itong iniinom niya.Pinapahinto ko na siya ngunit sinisinghalan niya ako.Alam kong ibinubuhos niya dito ang lungkot at sakit na nararamdaman niya.Gano'n naman ang mga lalake hindi ba?kapag nasaktan,magpapakalasing.
Nasasaktan ako para sa kapatid ko.Naramdaman ko na rin ang ganyang sitwasyon at kalagayan niya.Hindi ko siya masisisi kung bakit siya ngayon nagpapakalasing ng sobra.Ngunit bukas na ang kasal,kaya kailangan ko siyang pigilan na makarami ng inom.Paniguradong iinit nanaman ang ulo ng aking ama.
"Camaro,umuwi na tayo."Pag aaya ko.Dito kami dumeretso sa club corner.Nakiusap siya saakin na dito kami pumunta't huwag na ngunang umuwi.
Wala siyang kabuhay buhay ngayon,bagsak ang mga balikat niya't balot na balot ng lungkot ang mga mata't mukha niya.Naroroon ako sa may puno no'n,nasaksihan ko kung paano siya magmakaawa kay Swan na huwag siyang iwan.Narinig ko lahat ang mga salitang binitawan nila sa isa't isa.Nasasaktan ako na makita siyang umiiyak habang nag mamakaawa sa babaeng mahal niya,dahil bukod sa kapatid ko siya ay dahil narin sa gano'n rin ako kay Mariposa noon.Kaya maging ako ay nahihirapan at nasasaktan para sakanya.
Niloko pa siya ng mga pinagkakatiwalaan niyang kaibigan,inakala niya na totoo ang mga taong nasa paligid niya.Dahil sa mga panlolokong ginawa ng mga taong 'yon ay nagawa niyang kamuhian ang babaeng mahal niya.Hindi pa siya magawang pakinggan ni Ama,hirap na hirap na nga siya'y mas lalo pa siyang pinahirapan.Ang masaklap pa dito ay nalaman ko na magkakaroon pala sana sila ng anak ni Swan,ngunit sa kasamaang palad ay namatay rin kaagad nang hindi man lang niya nalalaman.At ngayon ay iniwan pa siya ng babaeng mahal niya,ang tanging pinanghahawakan niya ngayon.
Paano kung totoo nga ang sinasabi niya?paano kung wala talagang nangyare sakanila ni Amorie at niloloko lang kami ng babaeng 'yon?Nagawa niya na ngang lokohin si Amorie noon,paano pa ka ngayon?Sana nga totoo ang sinasabi niyang wala sakanilang nangyare ni Amorie,Sana lumabas ang totoo nang sa gano'n ay hindi matuloy ang kasal.Kahit ako,gustomg gusto kong makasal si Swan kay Camaro,Siya ang babaeng gusto ko para sa kapatid ko at wala ng iba.Mahal na mahal niya si Camaro at alam kong mas mamahalin niya pa ang kapatid ko ngbuong buo.Unang kita ko palang noon kay Swan alam ko ng mamahalin siya ng sobra ng kapatid ko,bukod sa maganda siya ay may mabuti rin siyang kalooban,kaya hindi ako magtataka kung ba't patay na patay ang kapatid ko sakanya.Sana hindi pa talaga huli ang lahat para sainyong dalawa ni Camaro,Swan.
"Wala na kaming pag asa ni Swan,kuya."Lasing na aniya habang akay akay ko papuntang cotse.Sana nga meron pa,Camaro.
Dahan dahan ko siyang inihiga sa upuang nasa likod.Pagkatapos ay sinarado ang cotse.Saka tumungo na sa driver seat.Habang nagmamaneho ako ay paulit ulit niyang tinatawag si Swan.
"Swan,Mahal ko!"
Bakas sa tinig niya ang sakit na nararamdaman niya.Buti nalang ay tulog na siya nang dumating kami sa Mansion ni Ama.Tinulungan ako ng mga gwardya ni Ama na iakyat si Camaro sa Kwarto.Oo,ako ang gumawa ng paraan para mailabas si Camaro dito nang hindi nalalaman ni AmaHinigitan ko ang perang binayad ni ama sakanila nang sa gano'n ay pumayag sila,at mukhang nasiyahan naman sila laki ng perang iniabot sakanila dahil pumayag kaagad sila.
Kinaumagahan ay hindi ko na hinintay pang si ama ang pumunta sa kwarto ni Camaro para gising siya,ako kaagad ang pumunta sa kapatid ko't nag asikaso.Dahil kung si ama ay paniguradong magtataka siya dahil sa amoy alak si Camaro.Walang imik na nagising si Camaro,wala parin siyang kabuhay buhay,bagsak parin ang mga balikat at balot na balot parin ng lungkot ang mukha't mga mata niya.Labag man sa kalooban niya ang gagawin niyang desisyon ngayon ay wala na siyang nagawa kundi ang kumilos nalang at ihanda ang sarili sa magaganap na kasal ngayon.
BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...