Señorito 36:Camaro Punto De Vista

453 15 0
                                    

Binalitaan ko kaagad si Drago na nalaman ko na ang pangalan ng babaeng 'yon.Sinabi ko narin sakanya ang pangalan.At good news,kilala raw ni Mariposa ang babaenf tinutukoy ko dahil minsan ng nabanggit ni Mariposa sakanya ang pangalang Swan.Kapatid raw iyon ng kaibigan ni Mariposa,Si Flavio.Tuwang tuwa ako ng araw na malaman ko ang pangalan niya na halos ay mag-diwang ako sa sobrang tuwa.

Nagtanong tanong pa ako tungkol kay Swan at napag alaman kong nag aaral siya sa mababang paaralan ng Valeriana.Kaya namam atat na atat na akong mag dismissal dahil plano namin ngayon nila Aige na pumunta sa Mababang paaralan ng Valeriana.

"Bagal mo naman,Aerhon.Atat na atat na'tong si Maro."ani aige sa kaibigan naming mabagal kumilos.

"Eto na eto na.Pag babae talaga,ganadong ganado ka Maro."sinaklay na ni Aerhon ang isang strap ng bag niya sakanyang balikat saka naglakad na palapit saamin ni Aige.

Ngumisi ako."Ngayon lang akong ginanahan ng ganito,Aerhon."giit ko.Na-kwento ko na sakanila ang tungkol don kay Swan,kung pa'no't saan ko siya nakita at kung ano ang mga naramdaman ko ng araw na nakita ko siya.Hindi ko mapigilang hindi i-kwento,masyado akong kinikilig,kapag sinekreto ko lang kasi baka sumabog na ako sa sobrang kilig at panigurado namang mahahalata nila na inlove ako,dahil kilalang kilala nila ako't kabisadong kabisado nila ako kapag may nagugustuhan akong isang babae.

"Hi amorie!"bati ni Aige sa babaeng nakasalubong namin,si Amorie.

Yakap yakap nito ang dalawang libro."Hi."ginawaran niya ng tipid na ngiti si Aige.Hindi rin nagtagal ay nilipat niya ang tingin saakin."Ma-magandang hapon,Camaro."nahihiyang bati nito saakin saka ginawaran ako ng kakaibang ngiti.Sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin ay kakaibang ngiti ang laging sumisilay sakanyang labi,kung ngitian niya ang ibang lalake ay tipid lang samantalang pagdating saakin ay hindi,medyo kakaiba parang may something na hindi ko maipaliwanag.Ayoko namang mag isip ng iba,ayokong mag assume pero iba talaga ang dating saakin.

"Magandang hapon rin."Tipid na ngiti ang ginawad ko sakanya."Tara na!"inis ng aya ko kila aige dahil baka hindi na namin maabutan si Swan roon sa iskwelahan nila.

"Ano bang gagawin natin don,Maro?"tanong ni aerhon habang nasa biyahe kami papunta sa mababang paaralan ng valeriana.

"Gusto ko lang siyang makita,'yon lang."Saad ko habang minamaneho itong sports car ko.

"Bakit hindi mo pa kasi subukang lapitan,hindi yung hanggang tingin ka lang."Komento ni Aerhon.

"Tch,naduduwag nga ako."pagrarason ko.

"Sa dami ng mga naging babae mo ngayon ka pa naduwag?e' sa tuwing nagkakagusto ka sa isang babae sa motel mo kaagad dinadala tapos ngayon naduduwag ka?"sabat naman ni aige na umiling iling pa.Kahit naman ako hindi ko alam kung ba't naduduwag ako sa babaeng 'yon e' hindi ko naman ugali ang maduwag sa isang babae,sa buong buhay ko ngayon lang ako na-torpe ng ganito.

Oo dinalada ko nga sila sa Motel pero hanggang pakikipag landi lang ako,pero ang makipag-s*x sakanila ay hindi ko ginawa.Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko dahil sa dami ng babaeng nakalandian ko niisa sakanila ay wala ginustong ikama.Kahit ano pang pang aakit ng mga nakalandian ko noon saakin ay hindi nadadala ang alaga ko.Para bang may ibang gustong pasukan 'tong alaga ko.Sayang lang ng mga perang binayad ko sa Motel.

"We're here."excited at natutuwang saad ko saka tinigil ang sasakyan rito sa gilid ng daan na medyo may kalayuan sa gate ng mababaang paaralan ng Valeriana.

"Sabihin niyo sa'kin kung nakita niyo na."Utos ko kila aige na ngayon ay bumababa ng sasakyan suot suot ang shades nila tulad ko.Sumandig sila sa gilid nitong sports car ko paharap sa gate nitong iskwelahan.Marami ng studyanteng nagsisi-labasan,mukhang dismissal narin nila.Saktong sakto ang pagdating namin.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon