Señorito 27:ACQUIANTANCE PARTY

442 17 0
                                    

Pagkatapos ng dance performance namin ay nagpaalam nguna ako kila Serrah na pupunta lang akong C.r para magpalit ulit,isusuot ko ulit yung Cami Dress ko.Ngunit habang naglalakad ako rito sa Hallway ay bigla nalamang na may humablot saakin papasok sa isang Room.Mabilis nitong sinara ang pinto saka mariin akong idiniin sa pader.

Lalabanan ko na sana para makawala ako sa taong ito't makalabas mula sa room na 'to nang bigla akong matigilan sa gulat."Ca-camaro?!"nanlalaki ang mga mata ko habang natitigilang napatitig sakanya.

Gumapang ang panibagong kaba sa dibdib ko nang biglang dumilim ang awra niya."Nagseselos ako,Swan.At the same time ay nagagalit rin ako."Madiing saad niya habang palipat lipat ang tingin sa mga mata ko.

"Halos magwala ako sa selos habang pinapanood kang tuwang tuwa na pinapanood sumayaw ang archeus na'yon, puring puri mo pa siya kesa sa'kin.Hindi mo man lang nga ako nagawang i-cheer nung ako ang sumasayaw sa stage,pero sa lintek na archeus na'yon nagawa mo"umigting ang panga niya."At nagagalit pa ako dahil sa suot mong 'yan,kitang kita ang mga balat mo,Swan!At kung pa'no ka sumayaw kanina ang mas nag painit ng ulo ko.Kung alam mo lang na pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit na gustong gusto na kitang hablutin pababa ng stage."halos mapadaing ako sa sakit sa tuwing humihigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ng dalawang kamay ko habang nagsasalita.Ramdam na ramdam ko ang nagbabagang galit na nararamdaman niya.

Hindi ko naman chineer si Archeus para pagselosin siya.Nagawa ko yun dahil kaibigan ko si Archeus,gusto ko siyang i-cheer at bilang kaibigan gusto ko palakasin ang loob niya.Aaminin kong hindi ko nagawang i-cheer si Camaro nung una dahil natulala na kaagad ako sakanya nung mga oras na sumasayaw na siya,hindi ko nagawa pang ibuka ang bibig ko dahil mas ginusto ng puso ko na titigan siyang sumasayaw.

"Pa-pasensya na..."iyon lamang ang salitang lumabas sa bibig ko sabay baba ng tingin.

"Pero mahal kita..."biglang naging mahinahon ang boses niya dahilan para muling mapaangat ang tingin ko sakanya.Nakaramdam ako ng pagkabigla nang makitang naglaho na sa mukha niya ang kaninang madalim niyang awra.

"Ayoko kitang awayin,ayokong may mabitiwan akong mga salitang ikakasakit mo."Dagdag niya.Saglit niya akong tinitigan,maya maya pa'y bumuntong hininga siya saka ako dahan dahang niyakap.

Pagkatapos kong magbihis ay magkasama na kami ni Camaro na bumalik kila Serrah.Naghanap kami ng table na para saaming dalawa lang,gusto niya raw kasi akong masolo.Inaya niya naman akong kumuha ng makakain dahil nagugutom na raw siya.Vegetables salad at corn soup lang ang kinuha ko,siya itong medyo maraming kinuha.Gutom na gutom na raw siya,kasi naman hindi nguna nag meryenda bago kami umalis.

Kanya kanyang inaya't kinuha ng mga lalake ang mga babaeng nais nilang isayaw nang biglang naging romantiko ang kanta."Boys,this is your chance to dance the girl you love."kinikilig na saad ni kirtz na naroroon ulit sa stage.

Kumpas by moira dela torre-Now playing.

"Can i dance you?"Napatitig ako sa nakalahad na kamay ni Camaro.Ilang saglit pa'y dahan dahan kong inangat ang tingin sakanya.May nakaukit na ngiti sa labi niya habang hinihintay ang sagot ko.

Ngumiti ako."Oo naman."Pagpayag ko sabay tanggap ng nakalahad niyang kamay.

Dinala niya ako sa pinakagitna,pagkatapos ay siya mismo ang nagpulupot ng dalawa kong braso sa batok niya.Nakaramdam naman ako ng gulat nang higitin niya ang bewang ko dahilan para mas lalo akong mapalapit sakanya.Hindi ko naman maiwasang mailang habang sinasayaw niya ako dahil sa paraan ng pagtitig niya saakin,masyadong kakaiba.Ibang iba sa paraan ng pagtitig niya noon saakin,hindi ako sanay.

"Are you still mad at me?"Tanong ko nang sa gano'n ay maputol ang kakaibang pakiramdam na namumuo sa pagitan ng pagtitigan namin sa isa't isa.

"Yes,but it doesn't mean i don't love you anymore."seryosong aniya.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon