Señorito 33

578 20 1
                                    

Ilang araw rin ang lumipas hanggang sa sumapit na nga ang araw kung kailan kaarawan na ni Camaro.7:30 na ng gabi't abala na ako sa paghahanda ng aking sarili.Napagpasyahan kong pumunta roon,ngunit hindi naman ako magtatagal nais ko lang na ibigay itong regalo ko kay Camaro. Simpleng dress na kulay itim ang sinuot ko na tinernuhan ko ng kulay silver na sandals.Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng kaunting make up.

"Magtatagal ka ba?"tanong ni Archeus habang nagmamaneho.

"Hindi,ibibigay ko lang itong regalo ko."Saad ko.Hindi rin naman niya ako gugustuhing magtagal do'n dahil ayaw niya nga ako makita hindi ba?ang importante ay maibigay ko lang itong regalo ko sakanya.

Pagdating namin sa Grei Hotel ay nakita ko kaagad ang mga sasakyan ng mga Grei maging ang motorsiklo ni Camaro.Bigla kong naalala iyong mga araw na sabay kaming pumunta ng school at umuwi,'yang motorsiklo na'yan ay laging kasama naming dalawa kahit saan kami magpunta.

"Swan"Awtomatiko akong nabalik sa realidad nang tawagin ako ni Archeus.Do'n ko lang napagtantong natulala na pala ako habang nakatitig sa motorsiklo ni Camaro.

"Pa-pasensya na,may sinasabi ka ba?"tanong ko.

"Hindi na kita sasamahan sa loob,hihintayin nalang kita dito."aniya.

"sige"pagtango ko."mabilis lang naman ako."

Nagpaiwan nga si Archeus habang ako ay naglalakad na papasok ng Grei Hotel.Sinalubong ako ng isa sa mga empleyado rito sa Hotel na nag ngangalang Thea,ginuide ako nito papunta sa Restaurant nitong Hotel kung saan naroroon daw ang Don at mga Señorito.Pagkapasok namin ay iniwan na ako ni Miss Thea,nakita ko kaagad ang Don Grei na kausap ang isa sa mga bisita habang ang mga Señorito ay nakikipag usap at nakikipag tawanan sa kanilang mga kaibigan,napansin ko na hindi naman gano'n karami ang bisita ni Camaro mukhang pili lang ang inimbitahan nila at karamihan sa mga inimbita ng Don Grei ay ang mga dumalo rin sa Engagement namin ni Camaro,kaya pamilyar sila saakin.

Ang Señorito Dragomir kaagad ang sumalubong saakin,siya kasi itong unang nakapansin saakin."Magandang gabi,Señorito."Magalang at nakangiting wika ko.

"Magandang gabu rin.Buti naisipan mong pumunta,halika kumain ka nguna."Pag aya sa'kin ng Señorito na tinanggihan ko naman.

"Hindi na,Señorito.Hindi naman talaga kasi ako magtatagal rito,gusto ko lang ibigay itong regalo kay Camaro."Paliwanag ko,napatingin naman siya bagay na dala dala ko.

Nagpakawala siya ng buntong hininga."Buo na nga talaga ang desisyon mo."aniya,tipid na ngiti lang ang naging tugon ko.

"Asan nga pala siya,Señorito?"lumilinga linga sa paligid na tanong ko.Napansin ko na wala rito si Camaro.

"Naroroon siya ngayon sa tabing dagat,nagpapahangin."Aniya.Kasama niya kaya si Amorie?kung oo man baka hindi ko maibigay 'to dahil masisira ko ang moment nilang dalawa.

"May kasama ba siya,Señorito?"tanong ko.

"Wala,siya lang mag isa."Aniya.Nakahinga naman ako ng maluwag,Buti naman.

"Maiwan na kita,Señorito.Pupuntahan ko na po siya,kaikangan ko na kasing maibigay 'to dahil may naghihintay pa sa'kin sa labas."paalam ko.

"Samahan na kita papunta do'n."presinta ng Señorito.

"Wag na,Señorito."pigil ko."Dito nalang kayo,mukhang may mga bisita ka panaman na dapat asikasuhin."saad ko,pagkatapos ay nag paalam na Señorito't tumungo na sa kinaroroonan ni Camaro.

Awtomatikong bumagal ang paglakad ko nang makalapit na ng kaunti kay Camaro na ngayon ay nakaupo sa lupa,paharap sa dagat habang tinutungga ang isang bote ng alak.Masyadong mahina ang mga yapak ng sandals ko kaya hindi niya narinig ang paglapit ko.Ilang hakbang nalang ang distansya naming dalawa,mukhang malalim ang iniisip niya kaya hindi niya pa napapansin ang presensya ko.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon