Nagpaalam na ako kay Marghot na babalik na ako sa Gym dahil baka hinahanap na ako do'n ni Camaro.Iniwan ko siyang nakahiga parin do'n sa kama,hindi ko nguna siya pinayagang umalis do'n dahil nanghihina pa siya at baka balikan ulit siya ng mga demonyong 'yon.
Pagkabalik ko sa Gym ay nakita ko kaagad si Camaro na panay ang tanong kung may nakakita ba saakin.Mukhang napapraning nanaman siya sa kakahanap saakin.Lagot hinahanap niya na ako!Dali dali akong tumakbo papunta sakanya.
"Love!"Tawag ko sakanya.Kaagad naman siyang napalingon saakin.
Nagpakawala siya ng buntong hininga.Balot na balot ng pag aalala at pagkabahala ang mukha niya"Love naman..."lumapit siya saakin saka ako niyakap ng mahigpit."Halos mabaliw nanaman ako sa kakahanap sa'yo,akala ko iniwan mo nanaman ako,Love."
Nalungkot naman ako."Pasensya na."saka marahang kumalas sa yakap."Nagutom kasi ako kaya bumili ako ng pagkain sa labas,may tinulungan lang kasi ako kaya natagalan ako."paliwanag ko.
"Tinulungan?sino,Love?"takang tanong niya.
"Si Mar-"
"Mamaya na 'yan,Mister Grei.Magsisimula na ang Second Set."Sabat ng coach nila dahilan para hindi ko matapos ang sasabihin.
Nagpakawala siya ng buntong hininga."Later mo nalang sabihin,Love.Maglalaro na ulit kami."Aniya.
Tumango tango ako."Sige,Love.Goodluck."saka ginawaran siya ng tipid na ngiti.
Muli siyang bumuntong hininga't hinawakan ako sa magkabilang pisnge."Basta wag ka ng aalis ulit,Love...please.."pakiusap niya.
Tipid akong ngumiti't hinawakan ang mga palad niyang nasa pisnge ko."Promise,hindi na ako aalis,Love."
"I love you.."sabay halik sa labi ko,nginitian niya pa ako ng pagkatamis tamis bago patakbong bumalik sakanyang mga team mates.Habang ako ay nakangiting sinundan siya ng tingin.
Bumalik na ako sa kaninang pwesto ko at pinagpatuloy ang panonood kay Camaro.Sila pala ang winner sa first game,Second game na nila.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol kay Amorie.Isinantabi ko nguna iyon at ipinokus ang buong atensyon kay Camaro na panay na ang puntos,kaya lamang na lamang nanaman sila.Para bang hindi siya napapagod,kung gaano kalakas ang enerhiya niya kanina ay gano'n parin ngayon,lakas ng resistensya niya pati na ang stamina.
Nakakabilib at hanga ang ipinakitang galing ni Camaro sa Laro,madaling natapos ang second game dahil sa mga nagawang puntos ni Camaro para sakanilang Team.Tuwang tuwa siyang lumapit saakin nang mag water break nguna.Maya maya pa'y nagpito na ang referee para sa third game.Gaya kanina sa dalawang quarter ay pinakita niya ulit ang galing niya sa quarter na ito,hangang hanga ako't manghang mangha sa galing niya.Para bang gusto kong magsisisigaw rito na 'BOYFRIEND KO 'YAN!'
"Wala paring kupas ang galing ng Señorito Camaro sa Basketball."dinig kong tinig ng isang babae mula sa likuran ko.
"Mas lalo pa nga siyang gumaling ngayon e'."Tugon naman ng isa pang babae.
"Syempre,nanonood ang Girlfriend kaya talagang huhusayan niya."Sabat naman ng isa pa.
"Sabagay,ang sweet sweet nga nila e'.Nakakainggit."
"Feel ko nga fans na nila ako e' lalo na ni Swan,mukhang mas deserve ni Camaro si Swan kesa kay Amorie."
"Same girl.Ngayon ko lang narealize na mas bagay sila ni Swan,na mas better si Swan kay Camaro."
Natawa nalamang ako sa isipan ko dahil sa mga narinig kong iyon.Pero nakaramdam ako ng saya saaking puso,kahit papaano kasi ay meron naring mga tao na suportado sa relasyon naming dalawa ni Camaro at kahit papaano rin ay may nagkakagusto na saakin para kay Camaro,dati kasi lahat ng estudyante dito ay hate na hate ako.
BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...