Señorito 65:Swan in Valeriana Lake

524 18 0
                                    

"L-love?....."

Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harap ko.Ang babaeng mahal ko! Hindi ba ako nananaginip lang?o namamalikmata?

Dahan dahan kong hinawakan ang magkabilang pisnge niya."I-ikaw ba 'yan,Love?T-totoo ba 'to?"

Nagpakawala siya ng mahinang tawa."Oo,ako 'to,Camaro."Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa magkabilang pisnge niya."H-hindi 'to panaginip,Love.Totong nag balik na ako."emosyonal na saad niya.Ilang saglit pa'y biglang nanubig ang mga mata niya."Pasensya na kung natagalan ako,Camaro."nalulungkot na wika niya.

"Hindi mo kailangang mag sorry,Love.Ang mahalaga handito ka na.Makakasama na ulit kita."

Emosyonal siyang napangiti."Masayang masaya ako ngayon,Camaro."

"Gano'n din ang nararamdaman ko ngayon,Swan."at hindi ko na nga siya napigilan pang yakapin.

Sa wakas,bumalik siya!Tapos na ang paghihintay ko.Kahit naging matagal man ang naging paghihintay ko ang mahalaga'y narito na siya.Hindi ako nag kamaling isipin na tutuparin niya nga ang ipinangako niya.Nangayon na handito na ulit siya sa piling ko,magiging masaya na ulit ako,makakapag pahinga narin ako sa kakaisip,makakapampante narin ang puso ko,magiging maayos na rin ang relasyon namin at higit sa lahat ay makakabuo narin ulit kami ng magagandang alaala.Sa wakas,Ayos na ang lahat.Wala na akong poproblemahin pa.Makakatulog narin ako ng matiwasay.

"Paano mo nalamang narito ako?"tanong ko habang narito parin kami sa gitna ng lawa,magkaharap sa isa't isa at parehong may matamis na ngiti sa labi.

"Hinanap kita,simula sa Mansion ng Don Grei,sa Mansion mo,sa Señorito Dragomir at sa bukid.Si Mang Sebastian ang nagturo saakin na handito ka."Kwento niya.

"Kung alam ko na ngayon ang uwi mo,sana sinundo kita sa Airport."nalulungkot na saad ko."Nakalimutan ko kasing kunin ang number mo,tuloy ay hindi kita nakakamusta at nababalitaan."

"Ayos lang 'yon.Hindi rin naman ako nakakahawak ng celphone do'n kasi mas tinuon ko nguna ang atensyon ko sa lola't mga pinsan ko kaya nga hindi ko nasi-seen ang mga chat mo sakin,ngayon pa lang."Aniya.Kung gano'n tama nga ako,kaya hindi niya nakikita ang mga chat ko sakanya ay dahil busy siyang makipag bonding sakanyang pamilyang naroroon,walang problema saakin."At ayos lang din sa'kin kung hindi mo ako nasundo sa Airport,balak ko talagang surpresahin ka."

"Buti nalang hindi ka pinigilang umuwi ng Lola mo."saad ko.

Ngumiti siya."Kwinento kasi kita sakanya.Napansin niya kasi yung lungkot sa mga mata ko habang kwinekwento ko sakanya na iniwan kita rito.Nakangiti pa nga siya habang kinikwento kita sakanya,Ang sabi niya pa nga saakin ramdam na ramdam niya daw ang pagmamahal ko sa'yo.Kaya pinauwi niya kaagad ako rito,kahit daw kasi hindi ko sabihin ay alam niyang malungkot ako,nakikita niya daw ito sa mga mata ko kahit nakatawa ako."

Napangiti naman ako sa ikwinento niya."kung gano'n pati lola mo,boto na sa'kin."

Humagikhik siya."Kaso mukha ka raw babaero.Pinakita ko kasi sakanya yung picture mo,kamukha mo raw ang Don Grei,may mapang akit na awra."

"Sinabi mo ba na babaero ako?"

"Oo,sinabi ko na babaero ka dati pero ngayon matino ka na."

"Syempre,nasa akin ka na ba't maghahanap pa ako ng ibang babae?"

Hindi ko na kailangan pang maghanap ng ibang babae,wala ng tutulad kay Swan.Para saakin wala akong nakikitang kulang sakanya,Sapat na saakin kung ano siya pati na ang pagmamahal na ipinaparamdam niya saakin sa oras oras at araw araw.Kontento na ako sakanya.

Siya lang sapat na para mabuhay ako ng masaya sa mundong ito.

"Bakit ka nga pala handito?Madalas ka bang narito?"maya maya'y tanong niya.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon