Señorito 15

588 19 0
                                    

"Ayaw mo ba talaga?"Inilapit ko sa bibig niya ang hawak kong barbeque habang nakaupo kami rito sa buhangin,sa harap ng dagat.Nasa likod ko siya't nakaupo ako sa pagitan ng kanyang dalawang tuhod.
Sabay naming pinagmamasdan ang malalaking alon ng dagat,pansin ko na medyo dumidilim ang kalangitan at kung pagmamasdan mo ang mga ulap ay tila ba may dala dala silang mabibigat at para bang kaunti nalang ay babagsak na ito sa kalupaan.Mukhang uulan.

"Wala akong ganang kumain."Aniya na ang tingin ay nakatuon parin sa dagat.

Napasimangot naman ako."Binili ko nga 'to para pag gising mo may makain ka."Nakangusong saad ko.Last nalang 'tong barbeque na hawak ko,at ako lahat ang kumain no'n,ayaw niya naman kasi,pinipilit ko naman pero ayaw niya talaga.Mukhang hindi parin siya maka-get over sa nangyare kanina,dahil ang tahimik niya parin hanggang ngayon.

Nagpakawala siya ng buntong hininga."Huwag mo na ulit akong iiwang tulog,Swan."Ganoon nalamang kasarap sa pakiramdam nang dahan dahan niyang pinulupot ang kanyang dalawang bisig saakin sabay patong ng baba saaking balikat."Mababaliw ako sa kakahanap sa'yo."Aniya."Ilang beses mo na sa'king ginawa 'to,Swan.Ilang beses mo na akong iniwan,Maawa kanaman sa puso ko.Pakiramdam ko aatakihin ako sa tuwing nagigising akong wala ka sa tabi ko."Bakas na bakas ang lungkot sa tinig niya.Habang ako ay nakatungo lamang,hindi alam kung ano ang isasagot sa mga sinabi niya.Hindi ako makapaniwala na iyon ang nararamdaman niya sa tuwing iniiwan ko siyang tulog at nagigising ng wala ako sa tabi niya.Ngunit ano ba talaga ang tunay na dahilan niya?ano ba ang rason para maging gano'n siya?

"Pasensya na...nagutom kasi ako kaya naisipan kong bumili"Paliwanag ko.Para din kasi pag gising niya may may makain siya kung sakaling nagugutom siya.

"Sana ginising mo nalang ako,para masamahan kita."Aniya.

"Ayoko namang guluhin ka,diba nga inaantok ka."Giit ko.

"Kahit pagod pa ako o may sakit,sasamahan parin kita,wag kalang makuha ulit sa'kin,Swan.May trauma na ako."

"Trauma?"Awtomatiko akong napalingon sakanya."T-trauma saan,Camaro?"bakas ang kuryusidad sa pagkakatanong ko.Iyong huli niya kasing sinabi ang nag pabuhay ng kuryusidad saakin.Ngunit hindi niya nasagot ang katanungan kong iyon ng bigla nalang bumagsak ang malalaking ulan.

"Tangina!Pumunta na tayo sa kubo,Swan!"hinila niya ang braso ko nang makatayo na kami pareho.

"Ayoko!"Pigil ko."Gusto kong maligo sa ulan,Camaro!"Medyo malakas na pagkakasabi ko dahil masyadong malakas ang ulan,hindi kami magkakaintindihan sa isa't isa kung hindi namin lalakasan ang boses.

"What?!Gusto mo bang magkasakit!"Asik niya,ngunit hindi ko siya pinakinggan.

"Ang sarap maligo sa ulan,Camaro!Woohoooo!"Tuwang tuwa ako habang paikot ikot pa't nakatingala sa langit, niraramdam ang lamig ng mga ulang bumabagsak saaking mukha't katawan.Tuloy ay para bang gusto kong bumalik sa kabataan ko.Na-miss kong maligo sa ulan.

"Magkakasakit sa ginagawa mong 'yan,Swan!"asik pa niya ngunit imbes na pakinggan siya'y bagkus tatawa tawa pa ako habang nagtatampisaw sa dagat.Basang basa na ang buhok ko maging ang bestida kong suot."Swan!"Pakiramdam ko'y nagsilangoy palayo ang mga isda dahil sa nakakatakot niyang pagtawag saakin,ngayon ay papalusong na siya sa dagat para lumapit saakin ng may may galit ng mga titig.Maging siya'y basa narin,bakat na bakat na ang katawan niya sa suot niyang sandong puti"Ang tigas ng ulo mo!"hinatak niya ako.

"Sabayan mo nalang akong maligo,Hahahah!"Hinila ko siya palapit saakin.

"At pa'no kapag nagkasakit ka?"inis na tanong niya.

Ngumiti ako't kusa nalamang na pumulupot ang dalawang braso ko sa leeg niya."Aalagaan mo naman ako diba?"Tulad ng dalawang braso ko'y kusa nalamang din iyong lumabas sa bibig ko.Bigla naman siyang natigilan,na nagparealize din saakin kung ano ang ginawa't itinanong ko.Shit!Nakakahiya ka,Swan!Ang landi mo!

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon