Señorito 64:Pusong Ligaw

542 21 1
                                    

Limang linggo na ang nakakalipas,Wala paring Swan na bumabalik.Sa kabila no'n ay tinatagan ko parin ang sarili ko at iniwasan kong mag isip ng kung ano ano.Naniniwala parin ako na babalik siya.Alam kong babalik siya.Nasisiguro kong tutuparin niya ang ipinangako niya saakin.

Ngayon ang Ball night ng College Student ng Del Valiente Umiversity at ako inimbitahan maging Special guest sa magaganap na event na ito.Hinanda ko naman ang sarili ko para dito at para sasa inihanda kong performance mamaya sa stage.

Sa Grei Hotel ang Venue.Pagdating na pagdating ko ay sinalubong at binati kaagad ako ng mga kakilala't kaibigan ko rin na mga college student,karamihan sakanila ay mga criminology.Ayos na ayos at bihis na bihis sila,ipinagyayabang pa nila ang kanilang mga mamahalin at magagarang suot.Masquerade ball ang theme ng kanilang ball night,kaya lahat sila ay nakasuot ng maskara na iba't iba ang stilo't disenyo.

"Magandang gabi,Señorito!"masiglang bati saakin ni Serrah pagkakita saakin.Hindi ko sana siya makikilala kung hindi niya inalis ang suof niyang maskara.

"At kailan ka pa naging college?"nakakruss ang mga brasong tanong ko.

Humagikhik siya."May kailangan kasi akong bakuran kaya handito ako.Mahirap na baka may isayaw na iba."

Natawa naman ako.Naikwento nga saakin ni Swan na tirador daw si Serrah ng mga Crim student,lahat daw kasi ng mga nagiging ka-fling at boyfriend niya ay Crim."Gano'n ba?Sige,Enjoy sa ball."saad ko't pinisil ang kabilang pisnge niya saka nag paalam ng aalis.

Maya maya pa'y dumating na si Kuya Drag hawak hawak sa baywang ang tila-diwatang si Mariposa dahil sa ayos niya at sa stilo ng kanyang bestida.Paniguradong patay na patay nanaman ito si Dragomir dahil masyadong maganda ngayon si Mariposa.

Naglakad ako palapit sakanila saka binati sila."Magandang gabi rin,Camaro."mahinhing bati pabalik saakin ni Mariposa.Ginawaran ko naman siya ng magandang ngiti.

"Goodluck sa performance mo mamaya."Tinapik tapik ako sa braso ni kuya Drago.

"Salamat."nakangiting saad ko.Ilang saglit pa'y nagpaalam na ako sakanila na babalik na sa inuupuan ko.Kasama ko doon ang iba pang mga bigating bisita.Sila ang unang nag approach saakin,hindi na ako magtataka kung ba't kilala nila ako.Kahit ano anong mga itinatanong nila saakin,minsan tungkol sa magaling kong Ama,sa business namin at saaming magkakapatid.Nabanggit nga nila saakin iyong tungkol sa mga nangyare sa kasal.Paanong hindi nila malalaman,bukod kasi sa dami ng bisitang inimbita ni ama ay nagkalat din ang video ng mga nangyare sa social media

Sa pagiging abalang makipagkwentuhan sa mga bisitang kasama ko rito ay hindi ko napansin ang pagdating ng pangalawa kong kapatid,si Darcio.Nakita ko nalamang siya na seryosong nakikipag usap sa mga kaibigan at kaklase niya.Hindi pa nga nagsisimula ay nagsalin na kaagad siya ng alak sa wine glass.Sabagay sakanya naman ang Hotel na'to.Siya ang hari dito,siya ang masusunod.

Maya maya pa'y nag simula narin ang event,ngunit bago ito ay pinakuha nguna ang kada students ng mga finger foods na naroon sa likod,habang kaming mga guest ay hindi na kailangan kumuha pa dahil meron ng nakalatag dito sa lamesa.Ipinakilala nguna kami ng Host sa mga college students,hindi lang kaming mga espesyal na bisita pati narin ang mga myembre ng faculty sa College at mga namamahala sa unibersidad at pagkatapos ay may mga iilan ng nag speach sa stage,ang iba sakanila ay mga kasama ko ritong bisita,iyong iba'y mga namamahala't officer.Ilang saglit pa'y inanunsyo narin ng host na mag pe-perform na ang mga kasali sa Cottilion.Namayani ang masigabong palakpakan dito pagkatapos ang performance.

Ilang saglit pa'y ipinakilala na nga ako ng Host."Please,Welcome Our special guest,The third son of Don Leonhart Grei,Mister Gallardo Camaro Grei!Let's give him an around of applause!"

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon