"Oo ginamit ko si Swan para kalimutan ka,Amorie!Pinilit ko ang sarili kong mapalapit sakanya at maging masaya sa piling niya para lang mawala ka sa isip ko!Sa tagal ng pinagsamahan natin naging mahirap saakin na kalimutan ka,dahil nasanay ako na boses mo itong una kong naririnig sa tuwing gigising ako ng umaga at mga ngiti mo itong laging bumubungad saakin pagdating ko sa iskwelahan.May mga araw na hinahanap hanap ko ang presenya mo Amorie!Hindi mo alam kung ga'no kahirap para saakin ang gumamit ng tao para kalimutan ka lang!"
Ginamit mo lang pala ako,Camaro.Hindi nga ako nagkamali na isiping puro kasinungalingan lang ang lahat ng mga matatamis na salitang binitawan mo sa'kin,maging ang mga ngiti't halakhak mo sa tuwing magkasama tayo ay palabas din lang pala.Tama nga ako,walang katotohanan ang lahat ng mga salita't pinapakita mong pagtrato saakin,lahat ng iyon ay puro kasinungalingan lang pala.Ngunit isang bagay lamang ang natitiyak kong hindi kasinungalingan,iyon ay ang pagmamahal na ipinapakita't ipinaparamdam ko sa'yo araw araw,Camaro.Ako lang itong naging totoo saating dalawa.
"Swan!"Nabalik ako sa wisyo nang biglang may humawak sa dalawang braso ko dahilan rin para matigilan ako sa pagtakbo.
"Archeus..."Natitigilan akong napatitig sakanya habang siya'y nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang bibig na nakatitig sa namamasang mga mata ko."Archeus!"Kaagad ko siyang niyakap saka umiiyak na ibinaon ang mukha sa dibdib niya.
"What happen?"may bahid ng pag aalala sa boses niya habang marahang hinahagod ang buhok ko.Ngunit hindi ako tumugon,patuloy lamang ako sa pag iyak."Swan,sabihin mo sa'kin,anong nangyare?Inaway kananaman ba nila Roshan?"Nag aalalang tanong niya.
Umiling iling ako't nag angat ng tingin sakanya."I-ilayo mo ako rito,Archeus."nangungusap ang tinig ko.
"S-san mo gustong pumunta?"Naguguluhang tanong niya.
"kahit saan,kahit sa bahay mo basta malayo kay Camaro.Ayoko nguna siyang makita,Archeus."Patuloy parin ang pagbuhos ng mga luha ko.
Bumuntong hininga siya't tumango tango."Sige.Hintayin mo ako dito,kukunin ko lang yung bag mo sa taas."Aniya.
"B-bilisan mo lang,Archeus."saad ko.Tumango tango naman siya't nagmamadaling tumaas ng second floor.Binilisan niya nga dahil ilang saglit pa'y handito na siya bitbit ang bag ko.
Dinala niya ako sa condo niya.Hindi ko alam na may condo pala siya,hindi niya nabanggit saakin.Dito na pala siya madalas umuuwi pakatapos ng klase,tuwing sabado't linggo naman ay naroroon siya sa bahay nila.Kwinento ko sakanya lahat ng mga nangyare simula nung gabi matapos ipakilala si Amorie bilang Special guest.Pati narin ang mga narinig ko kanina mula kay Camaro.Kinekwento ko iyon nang wala paring humpay sa pagbagsak ang mga luha ko.
"Tahan na"pinahid niya ang mga luha kong lumalandas sa pisnge ko saka marahang ipinatong sa balikat niya ang ulo ko."Kung hindi ka niya kayang mahalin ng totoo,may ibang lalake pa diyan na handa kang mahalin ng totoo't kaya kang pahalagahan."Aniya.Pero gusto ko na si Camaro ang lalakeng iyon.
Sa kakaiyak ay hindi ko namalayang paunti unti na pala akong nakakatulog hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog sa balikat ni Archeus.Nang magising ako ay nasa kama na ako ni Archeus,kinisi kisi ko ang medyo namumugtong mga mata ko saka bumangon na.Pagkalabas ko sa kwarto ay nadatnan ko si Archeus na abalang naghahanda ng mga pagkain sa lamesa pati narin mga plato't kubyertos.
"Gising ka na pala."Aniya nang mapansin na ako."Tamang tama,Tara kain na tayo."Nakangiting aniyaya niya.
Ginawaran ko siya ng tipid na ngiti saka tumatango.Inusulan niya ako ng upuan."Salamat"Saad ko't naupo.Naupo narin siya sa tapat ko.
"Kuha kalang ng gusto mong kainin."Aniya.
Habang pumupulot ako ng kanin ay napatingin ako sa wall clock."7:30 na pala ng gabi."nabibiglang wika ko habang nakatingin sa orasan.
![](https://img.wattpad.com/cover/325692132-288-k221953.jpg)
BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...