"Bakit hindi mo man lang sa'kin sinabi na nagkaroon pala tayo ng anak,Love?"
"Pasensya na,Hi-hindi ko kasi alam kung pa-paano ko sasabihin sa'yo,Camaro.Natatakot ako sa magiging reaksyon mo..."patuloy parin ang pagbuhos ng mga luha ko.
"Sana ng mga panahon na'yon sinabi mo kaagad saakin na buntis ka...."aniya na ngayon ay nanunubig na ang mga mata.Alam kong masakit rin para sakanya na malaman ang nangyare sa magiging anak sana naming dalawa.
"Na-natakot ako,Camaro..."napapikit ako ng mariin dahilan para tuluyang bumuhos sa pisnge ko ang mga namumuong luha sa mga mata ko."Inisip ko rin kasi ng mga panahon na'yon na kung ako nga hindi mo kayang tanggapin bilang fiance mo paano pa kaya ang magiging anak natin?kaya napagpasyahan kong umalis nalang at hindi na sabihin sainyo ang tungkol dito lalo na sa'yo,Camaro."paliwanag ko."Pasensya na kung pinangunahan kita,Camaro...kung hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol sa anak natin,patawarin mo rin ako kung hindi ko siya naligtas.."
"Masakit para sa'kin bilang ama na mawalan ng anak,Swan...Masakit rin para sa'kin na hindi ko man lang kayo naalagaan.Wala kang kasalanan,Swan.Wag mong sisihin ang sarili mo.Kung sana pinaramdam ko kaagad sa'yo na mahal kita hindi mo ka sana mag aalangan na sabihin saakin ang tungkol dito...Kung hindi lang sana ako nagpatalo sa galit hindi mangyayare ang lahat ng ito.Si Amorie ang dahilan ng lahat ng 'to,dahil sa mga panlolokong ginawa niya hindi sana mangyayare 'to,E' di sana ngayon buhay pa ang anak na'tin,Swan."
"Patawarin mo ako,Camaro..."iyon nalamang ang lumabas sa bibig ko.Akmang lalapit nasana ako para yakapin siya nang biglang may humablot sa braso ko.
"Swan"pigil sakin ni kuya Flavio.
"Umalis ka na,Camaro."hinarangan ako ni ni Mommy mula kay Camaro."Hindi na maaari pang maging kayo ng anak ko."
Naguguluhan ako,ano't ganito nalamang nila kami kung pigilan ni Camaro?!Ano bang nangyayare?Hindi ko maintindihan!
"Mahal ko ang anak niyo,Señorita.Balak ko siyang pakasalanan balang araw,kaya sa ayaw at sa gusto niyo aayusin namin ang relasyon naming dalawa.Nakikiusap ako,Señorita...Hayaan niyo nalamang kami ng anak niyo.Mahal namin ang isa't isa."
"Kahit ano pang pilit mo,hindi mo na maaari pang ayusin ang relasyon niyo ng anak ko,Camaro!"Awtomatiko't gulat kaming napalingon kay Daddy na ngayon ay dahan dahang inaalalayan ng nurse sa pagbaba ng hagdan.Kapansin pansin parin ang panghihina niya dahil napapakapit pa siya sa hawakan ng hagdan."Wala ng saysay ang nararamdaman mo para sa anak ko,wala ng saysay ang pagmamahalan ninyong dalawa sa isa't isa dahil magkakaroon ka na ng pamilya,Camaro."
Matinding kaba ang gumapang sa dibdib ko dahilan para matigilan ako pagkatapos marinig ang isiniwalat na iyon ni Daddy.agkakaroon na ng pamilya si Camaro?!
"Hindi ko kayo maintindihan,Señorito?pa-paano niyo naman nasabi na magkakaroon na ako ng pamilya?"naguguluhang tanong ni Camaro.
"Porque Amorie está embarazada, Camaro."Sa hindi inaasahan,biglang nangibabaw ang tinig ng Don Grei!
"Ama!"gulat na sambit ni camaro pagkalingon niya sa gawi ng Don Grei,may kasama itong tatlong naka itim na suit na lalake at sa gilid niya ay naroroon nakatayo ang Señorito Dragomir.Hindi ko alam na pati sila ay pupinta rito,mukhang ang sadya nila rito ay para kunin si Camaro.
"Buntis si Amorie,Camaro.Kaya tigilan mo na si Swan!"
Buntis si Amorie?! Tila Gumuho ang mundo ko dahil sa inanunsyong iyon ng Don Grei.Kung gano'n totoo ngang may nangyare sakanilang dalawa ng gabing 'yon.
"Wag kang maniwala sa babaeng 'yon,Ama!Niloloko niya lang tayo!Kung totoo man na buntis siya,nasisiguro kong hindi ako ang ama ng batang dinadala niya!"giit ni Camaro.
BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...