Señorito 63

563 21 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nung umalis si Swan.Pagkatapos ng mga nangyare,sa wakas ay bumalik narin sa dati ang lahat maliban sa relasyon namin ni Swan.Naging usap usapan sa Valeriana,sa Unibersidad na pinapasukan ko at sa buong Del Valiente ang mga nangyare sa kasal.Hindi ko masisisi ang mga tao kung ba't galit sila kay Amorie.Maging ang mga estudyante sa University ay matindi ang galit sakanya ngayon.

Walang dapat sisihin si Amorie sa mga nangyayare ngayon sakanya kundi ang sarili niya lang.Siya ang gumawa ng kahihiyan niya.Kung sana nagpakatotoo nalamang siya ay hindi sana siya aabot sa ganito.Balita ko kasi na nagkukulong raw siya sa kwarto niya hanggang ngayon,nag aalala ako para sa kalagayan ng batang pinagbubuntis niya,hindi niyo ito naaalagaan ng maayos,pwede itong maging sanhi ng pagkamatay ng bata kung papabayaan niya ito.Balita ko rin ay balak raw ng mag asawang Nievas na idala si Amorie sa Newyork at doon manatili habang pinagbubuntis pa niya ang bata.Sana naman walang mangyareng masama sa bata.

"Ang gaganda ng mga tanim na palay."

Biglang nangibabaw ang tinig ng nakakatanda kong kapatid habang nakaupo ako rito sa ilalim ng puno,pinagmamasdan ang malawak naming bukid.

"Ganyan talaga kapag alaga ng isang Gallardo Camaro."Pagyayabang ko habang nanatili paring nakaupo rito.Nakahunat ang isang tuhod ko habang ang kaliwa'y nakaangat,at nakapatong naman dito ang kaliwang braso ko.

"Iba ka talaga mag alaga."Aniya.Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa muli siyang magsalita."Wala ka pa bang balak pumasok?hinahanap ka na sa'kin ng lecturer niyo,pati sila Aige at Aerhon ay hinahanap ka saakin.

Napasinghal naman ako sa sinabi niyang hinihintay ako ng dalawang manloloko kong kaibigan."At bakit naman nila ako hinahanap?akala ba nila napatawad ko na silang dalawa?nagkakamali sila."saad ko habang nakatuon parin sa malawak naming bukid ang paningin ko.

"Hindi mo pa ba sila napapatawad?pinagsisisihan naman nila ang ginawa nilang panloloko sa'yo.Maging nga saakin ay humingi sila ng tawad."

"Hindi ko alam.Hindi kasi gano'n kadaling magpatawad."komento ko.

"Ako ba,napatawad mo na?"hindi ko inaasahang tanong niya dahilan para maiangat ko ang tingin sakanya."Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong kuya sayo.Nagagalit ako sarili ko dahil hindi man lang kita nagawang pakinggan,hinayaan kong bugbugin ka ni Flavio at ang masaklap pa do'n ay nagawa kong ilayo sa'yo ang babaeng mahal mo.Pinagsisisihan ko ang mga nagawa ko sa'yo,Camaro."nanatiling nakatuon ang paningin niya sa bukid habang sinasabi iyon."Mapapatawad mo ba ako,Camaro?"

Saglit akong napatitig sakanya.Maya maya pa'y muli kong inilipat ang paningin sa bukid."Masakit para sa'kin na makitang pinapanood lang ako ng kapatid ko habang binubugbog.Ikaw ang tanging taong inaasahan kong tutulong saakin ng mga araw na'yon.Pero hindi ko imaasahan na pati ikaw ay hindi ako papakinggan.Pero nagpapasalamat parin naman ako sa'yo dahil sa huli ay napili mo parin akong tulungan na makita si Swan.Sapat na ang ginawa mong iyon para maalis ang hinanakit ko sa'yo.Kuya kita,mahal kita at mas nananaig parin iyon saakin kesa sa galit na naramdaman ko."

"Pasensya narin kung wala kami sa tabi mo ng mga araw na'yon,Camaro.Naging abala ako sa Hotel."

awtomatiko akong napalingon sa lalakeng bigla nalang na sumulpot.Darcio?Sa gilid niya'y naroroon ang bunso naming kapatid na si Cassiano.Tumayo ako."Anong ginagawa niyo rito?"kunot noong tanong ko.Minsan nalamang kasi sila pumunta rito sa bukid dahil abala narin sila sa mga pinapagawa ni ama sakanila,lalo na si Darcio na isa na ngayong President ng Grei Hotel & resort,habang si Cassiano ay abala rin sa kanyang Hacienda.May mga sarili na nga silang mundo.Kami nalang ni Drago ang madalas pumunta rito.

"Binibisita ka."Tugon ni Darcio.

"Pasensya narin kuya, naging abala rin kasi ako sa Hacienda."Ang bunso kong kapatid.Napansin ko ang pagbabago ng katawan niya,pareho na ng saakin.Mas lalo itong naging maskulado,kita narin ang mga ugat niya sa braso pareho ng saamin nila Dragomir,maging ang biceps niya ay tensyonado naring tingnan.Mas lalong gumanda ang hubog ng katawan niya ngayon.Halatang ang sipag mag work out,may balak atang talunin kaming tatlo.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon