Hindi parin ako maka-get over sa ginawa niya kanina.Maraming beses niya na ngang nahalikan ang labi ko,pero hanggang ngayon ay para bang naninibago parin ako.Pero infairness ang lambot ng labi niya sarap kagatin,Chos!
"Sayo ba 'tong kubo?"tanong ko habang ginagala ang paningin sa kubong ito.Dito niya kasi ako dinala,Hindi naman gano'n kalayo sa dagat ang distansya nito,nasa tabi lang ito ng dagat.Tulad ng iba pang kubong bahay rito ng mga mangingisda.
"Yah."Simpleng tugon niya habang inilalagay sa stainless na planggana ang mga nahuli niyang isda.Patay na siguro ang mga ito dahil hindi na gumagalaw.Pero bakit pa ba siya nagpatayo nito e may Mansion naman siya?
Sumunod ako sakanya sa labas,patungong gripo.Inilapag niya sa tapat ang baldeng bitbit niya't pinatubigan ito.Nakapamaywang siya ngayon habang hinihintay na mapuno ang balde.
Napansin ko lang na ibang iba siya kapag ako ang kasama,malayo sa totoong Camaro.Kapag kasi ako ang kasama niya ay lagi siyang seryoso,minsan iritado,suplado't tahimik.Samantalang sa iba ay panay ngiti niya,maasar,maloko,maingay at aktibo.Halata talagang ayaw niya akong kasama,alam kong napipilitan lang siya.
Pagkapuno ng timba ay binitbit niya na ito papasok sa loob,papunta sa may lababo.Hindi ko naiwasang mapatingin sa mga ugat niya sa brasong umiigting habang buhat buhat ang isang baldeng tubig.Pagkatapos ay sinimulan niya ng hugasan ang mga isda,dalawang isda ang tinira niya sa plangga at yung iba ay nilagay niya na sa supot.
"Anong gusto mong luto ng isda?"Tanong niya na kinakaliskisan na ang dalawang isdang tinira niya,habang ako naman ay pinapanood lang siya.
"Prito"tipid kong sagot.Wala siyang naging tugon kaya pinagpatuloy ko nalang ang panonood sakanya habang nililinisan ang isda.Ngunit paladesisyon ang mata ko,kusa nalang itong umangat sakanyang nakatagilid na mukha.
Seryosong seryoso siya,may oras na umiigting ang panga niya't nagsasalubong ang kilay habang abala sa ginagawa.At dahil sa abala't tutok na tutok ang atensyon niya sa paglilinis ng isda ay naisipan kong kunan siya ng picture.Dinukot ko sa bulsa ng shorts ko ang phone at palihim na tinututok ang camera sa mukha niya,zinoom ko pa ito sabay click!
Ngingiti ngiti akong pinagmamasdan ang stolen shot niyang picture.Shit,Ang gwapo!Sabihin na nating gwapo silang magkakapatid pero yung taglay niyang kagwapuhan ang nakaakit saakin.Ma-wallpaper nga.
"How's my stolen shot,gwapo ba?"Awtomatiko akong natigilan kasabay ng pagggapang ng kaba sa dibdib ko saka dahan dahang napaangat ng tingin sakanya.Hinihiwa niya na ang isda.Tangina,Nahalata niya ba?!
Napalunok ako ng mariin nang bigla niya akong lingunin."I'm asking you,Do i look handsome on that stolen shot?"Tanong pa niya.So tama nga,nahalata niyang kinuhanan ko siya ng picture,Shit lang nakakahiya!
"yu-yung isda yung kinuhaanan ko ng picture."pagpapalusot ko.
"Really?"sabay taas ng isang kilay."Lier."aniya'tinalikuran ko bitbit ang planggangang may lamang mga hiniwang isda.Tumungo siya sa may kalan,pagkabukas niya ng gasul ay binuksan niya narin ang kalan at naglagay ng mantika sa kawali.
Habang abala siya sa pagluluto ay naupo nguna ako't pinanood siya.Habang nasa ganoon akong sitwasyon ay bigla nalang nag ring ang phone ko.Si Archeus! Ano't bigla siyang napatawag,Emergency ba?Nilingon kong muli si camaro na hanggang ngayon ay abala parin sa pagluluto kaya hindi na ako nag paalam,tuloy tuloy na akong naglakad palabas.Dahil paniguradong magagalit siya kapag narinig niyang si Archeus ang kausap ko.
"Napatawag ka?"Bungad ko sakanya.
"Balak ko sanang ayain ka mamaya sa plaza,kain tayo street foods."
G na G sana akong mag street foods,lalo na't kain na kain na ako ng dugo't isaw.Ilang days narin kasi na hindi na ako nakakasama kila Archeus at serrah na mag street foods.Ang problema ngalang ay hindi ako makakasama dahil iniwan ako ni Daddy kay camaro at i'm sure na hindi papayag si camaro na sumama sa kaibigan ko,kay Archeus.

BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomansaGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...