"Ano't nilaglag niyo si Amorie,Master"Tanong ni Roman habang nasa daan kami papuntang Police station.
"Stupido!"singhal ko sakanya."Hindi mo ba alam na kaya tayo nakaposas ngayon ay dahil sakanya?!Siya ang dahilan kung ba't hinahabol tayo ng pulis,siya ang dahilan kung ba't makukulong ulit tayo ngayon!Nilaglag niya tayo Roman kaya sinuguro ko na bago pa tayo makulong,ilalaglag ko rin siya!"Asik ko kay Roman.
"Ngunit,ba't naman iyon gagawin ni Amorie,Master?isa siya sa tapat na tauhan mo."Giit ni Roman.Wala talagang pagkaalam alam ang bobong 'to!Ni-hindi man lang napapansin kung ano na ang mga nangyayare sa paligid niya.
"Noon,Tapat siya saakin.Ngayon hindi na,Roman!Gusto niyang pumalit sa pwesto ko,gusto niya na siya na itong maghari sa grupo natin,naiintindihan mo ba?ha?!Isa pang tanong,malilintikan ka na sa'kin!"
Nararamdaman ko ang kumukulong galit sa loob ko,ngayon palang ay tumago kana Amorie,dahil kapag nakalaya ako,sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo,lalo kana Archeus.Ipaparamdam ko rin sayo kung pa'no maligo sa sariling dugo.
Gallardo Camaro Punto De Vista
Naiintindihan ko na ngayon,kung bakit walang pagkaaalam alam si Swan sa lahat ng mga nangyare ng mga panahong 'yon.Ano't hindi man lang ako nagtaka kung bakit gano'n nalamang niya kadaling sabihin na ang totoong mahal ko ay si Amorie at hindi siya gayong siya naman itong una kong minahal at hindi si Amorie dahil wala naman talaga siyang alam na siya itong una kong ginusto't minahal.Kaya rin pala niisang beses ay hindi niya man lang nabanggit o nakwento saakin ang tungkol sa mga tsokolate't bulaklak na pinapadala ko noon pati na ang mga text at reply ko sakanya.Hindi ko man lang iyon naisip!Ano't hindi ko man lang naisip na magtanong sakanya?!
Hindi ko akalaing kaya mong gawin ang mga bagay na ito Amorie?!Pati na kayo Aerhon at Aige!Pinagkatiwalaan ko kayo pero hindi ko alam na tinatraydor niyo na pala ako!Tangina!Ang tanga tanga ko para magtiwala sa mga taong tulad niyo!
Buong buhay ko,akala ko lahat ng taong pinagkakatiwalaan ko at mga nangyayare saakin ay totoo,iyon pala ay puro kasinungalin at panloloko!
Ang buong akala ko pa'y niloko ako ni Swan,dahil dito ay nagawa ko siyang kamuhian!Sa galit ay nakabitaw pa ako ng masasakit na salita tungkol sakanya.Iyon pala'y wala naman talaga siyang kasalanan.Kaya pala hindi maalis alis ang nararamdaman ko sakanya dahil isang maling akala lang pala ang lahat ng iyon.
Buti nalang tinawagan kaagad ako ni Archeus,inanusyo niya kaagad saakin na handoon si Swan sa club.Doon kasi siya nagtatrabaho ngayon,hindi na roon sa club corner.Pagkakita niya kay Swan ay tinawagan niya kaagad ako.Dahil kung hindi baka nakuha ulit siya saakin ng demonyong Mastrantonio na'yon.Nagpapasalamat rin ako kay Archeus dahil naroroon siya ng gabing gagahasain sana ng demonyong 'yon si Swan.Nagsisisi ako na umalis kaagad ako ng gabing 'yon,kung alam ko lang na iyon ang mangyayare sana naligtas ko rin siya.
"Sa'n tayo pupunta,Camaro?"nanlalambot ako sa tuwing naririnig ko ang malungkot niyang tinig.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge."Hindi ko alam,Love.Ngunit isa lang ang nasisiguro ko,pupunta tayo sa lugar kung saan walang mangugulo saatin,kung saan walang taong hahadlang sa relasyon na'tin."
"Pa-papaano sila kuya Flavio,sila Mommy't daddy,paniguradong magaalala sila saakin, hahanapin nila ako,Camaro."nababahalang saad niya.Tinatangay ng hangin na nagmumula sa dagat ang mahaba't itim niyang buhok.
"Ibabalik rin kita sakanila,Love.Pero sa ngayon gusto ko ngunang ilayo ka sakanila,lalo na't alam kong galit sila saakin.Nakikiusap ako,Love... pwede bang ako naman ngayon ang paniwalaan mo?ang piliin mo?Hindi na ako papayag pang ilayo ka ulit sakin ng pamilya mo,halos mabaliw ako sa kakahanap sayo,walang araw na hindi kita hinahanap,kahit saan saang lugar na ako nakarating,kahit sino sino ng tao ang pinagtanungan ko,kahit gabi hinahanap kita,Pagod na akong mawala ka sakin,Swan.Kahit naman anong gawin kong pagpapaliwanag sakanila paniguradong hindi naman nila ako papakinggan,kaya ang tanging alam ko lang na gawin ngayon ay itakas ka sakanila."
BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...