"Anong nangyare,Swan?may ginawa nanaman bang masama sayo si Camaro?Sinaktan ka nanaman ba ng gagong 'yon?Sabihin mo sa'kin."
Patuloy parin ako sa paghagulgol habang nakatakip ang mga palad ko sa mukha ko.Hanggang sa makauwi kami rito sa Mansion ay wala parin akong tigil sa pag iyak,sumasakit na nga ang sentido ko't lalamuman sa sobrang paghagulgol dahil sa nangyare.
"Anong ginawa sa'yo ni Camaro,Swan?"Tanong ng Señorito Dragomir.
Ayokong magsumbong ngunit wala akong magagawa kundi ang sabihin nalamang sakanila ang nangyareng ito.Dahil pipilitin at pipilitin lang nila ako na sabihin kung ano ang nangyare lalo na si kuya Flavio.Ayaw na ayaw niya akong makitang umiiyak,sa tuwing nakikita niya akong umiiyak ay pinipilit niya talaga akong aminin sakanya kung ano ang nangyare't kung sino ang nagpaiyak saakin.Kinakabahan ako't natatakot dahil paniguradong magagalit siya kapag nalaman niya,hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin kay Camaro.
"Pakikuha ho ng tubig si Swan,Manang."Maawtoridad ngunit magalang na utos ng Señorito Kay manang lourdes.Maging sila Manang ay bakas sa mukha ang pag aaalala saakin.
"Masusunod ho,Señorito."tugon ni Manang Lourdes.
"Sabihin mo na kung anong nangyare,Swan."Ani Señorito habang si kuya flavio na nakaluhod sa harap ko ay naghihintay lang na magsalita ako.
"Ito na ho ang tubig."
Tinanggal ko na ang mga palad kong nakatakip sa mukha ko't kinuha sa kamay ni Manang lourdes ang Basong may tubig saka uminom."Salamat po,Manang."at muling ibinigay sakanya ang baso pagkatapos kong uminom.
"Swan..."Hinawakan ni kuya Flavio ang magkabilang pisnge ko't inangat ang baba ko para magpantay ang mga mata namin."Wag kang matakot sabihin sa'kin,Kuya mo ako poprotektahan kita."
Nagsimula nanamang magsi-tulo ang luha ko."S-si Camaro,Kuya."sinambit ko lang ang pangalan niya ay napahagulhol nanaman ako."Na-nadatnan ko sila ni Amoire na magkatabi sa kama,parehong walang saplot at magkayakap sa isa't isa habang natutulog.Ang tanga tanga ko lang na pinaniwalaan ko siya kuya,ang buong akala ko ay kinalimutan niya na si Amorie,na matagal niya ng tinapos ang relasyon nilang dalawa,pero ang totoo pala ay may namamagitan parin sakanilang dalawa hanggang ngayon.Ang tanga tanga ko."humahagulhol na kwento ko.
Nagtangis ang bagang ni kuya Flavio't nagdilim ang awra niya.Bigla naman akong kinabahan dahil sa tindi ng galit na nakikita ko ngayon sa mukha ni kuya Flavio,kung gaano ka-tindi ang galit niya nung malaman niyang muntik na akong gahasain ni Seymour ay gano'n din katindi ang galit na nakikita ko ngayon sa mukha niya.
"Handito ang Señorito Camaro!"anunsyo ni tiya Nimpha.Kaagad namang gumapang ang kaba sa dibdib ko.
"Swan!"kaagad siyang natigilan nang makita si kuya Flavio na nanataling nakaluhod sa harap ko,talikod sakanya at ang kapatid niyang si Señorito Dragomir.
Anong ginagawa niya rito,hindi na dapat siya pumunta dito!
"Swan!"
"Hayop ka!"
"Kuya!"Napalahaw ako sa gulat pati na sila manang at Señorito Dragomir nang biglang sinapak ni kuya flavio si Camaro bago pa siya tuluyang makalapit ng tuluyan sa'kin.Sa lakas ng pagkakasapak sakanya ni Kuya flavio ay napasalmpak siya sahig,putok rin ang labi niya na ngayon ay dumudugo na.
"Hayop ka!Pinalampas kita ng una,hinayaan kong bigyan ka ulit ng pagkakataon ng kapatid ko!"pinaulanan niya ng suntok si Camaro dahilan para mas mapahagulhol ako't mapasigaw pati na sila Manang.
"Kuya tama na!"Awat ko kay kuya Flavio.Sa bawat suntok at pagbalibag ni kuya Flavio kay Camaro,pakiramdam ko'y niyuyupi ang puso ko,nasasaktan ako."Tama na,kuya.Nakikiusap ako."umiiyak na pakiusap ko kay kuya flavio habang yakap yakap na siya ngayon.Habol habol niya ang hininga't matalim ang mga titig kay camaro na nanghihinang nakahandusay sa sahig.Punong puno ng dugo ang mukha niya,nagkalat narin ito sa puting damit niya.

BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...