Señorito 14

741 20 0
                                    

"Naalala ko tuloy sainyo ang Señorito Laviente't Mariposa,Sweet na sweet din iyon sa isa't isa."Kwento ni Mang sebastian habang nasa kalagitnaan kami ng pagtatanghalian.Nagsipag-sangayon naman ang iba pa naming kasamang magsasaka rito sa camalig pati narin ang asawa ni Mang sebastian.

"Laos na ang dalawang 'yon,Mang Sebastian.Kami na ang bagong mag love team rito sa Valeriana."Ani Camaro sabay akbay sa'kin."Diba,Love?"saka ako hinalikan sa pisnge.Wala talagang hiya ang lalakeng ito,Nasa harapan lang namin sila Mag sebastian!

"Hindi ka nahiya kila Mang sebastian,Camaro."inalis ko ang braso niyang naka-akboy saakin,tumawa naman sila Mang sebastian.

"Naku,Sanay na kami na makakita ng ganyan dito."Ang asawa ni Mang sebastian na si Manang Cecile."Ang Señorito Laviente kasi noon ay panay lambing kay Mariposa kahit na nasa harapan kami."Aniya.Mukhang sikat nga ang magnobyang iyon dito sa Valeriana.Dahil kita si Nanay ay alam ang relasyon nila."Nakakalungkot nga't hindi na sila nakakabisita rito sa sakahan."Dagdag pa ni manang Cecile.Masyado na kasing busy ang dalawang 'yon sa College,lalo na ang Señorito na graduating na.

"Tch,huwag niyo ng hanapin ang dalawang 'yon,Tiya Cecile.Handito naman na kami ni Swan,kami na ang magpapakilig sainyo."Sabat ni Camaro na ayaw talagang magpatalo sa kuya Dragomir niya,tumawa naman si Manang Cecile.

"Ang sarap ng pagkakaluto nitong,Kusido.Ikaw ba ang nagluto nito,Swan?"Si Mang ted na panay higop ng sabaw.Napapansin ko nga sarap na sarap siya sa luto kong kusido,nakakailang pulot na kasi siya e'.Buti nalang talaga maraming sabaw ang nilagay ko.

"Opo,Mang Ted.Ako po ang nagluto."Saad ko.Bata palang talaga ako ay gusto ko ng pag aralan ang magluto,si nanay at kuya flavio ang nagturo saakin sa pagluluto.Ewan,basta hilig ko talaga ang pagluluto,ngayon ay gusto ko namang pag aralan ang pagbe-bake.Malaking bagay na ang may alam ang isang babae sa pagluluto.

"Syempre Mang ted may halong pagmamahal 'yan ni,Swan."Pagyayabang naman nitong pilyo."Isang subo ko pa ngalang ng pagkaing niluto niya ay lasang lasa ko na ang pagmamahal niya,kaya mabilis akong nabubusog."Dagdag pa niya.Tch,masyado naman ako nitong pinagyayabang!

Pagkatapos naming mag tanghalian ay saglit kaming nagpahangin dito sa ilalim ng puno,paharap sa bukid nila.Nakaidlip pa siya sa balikat ko,Mukhang gabing gabi na siya nakatulog kagabi kaya inantok siya.Maya maya pa'y bigla siyang nag aya na mamasyal rito sa Valeriana.Kinuha niya ang kabayong itim na nakatali sa malaking ugat ng puno,pinakilala niya pa ito saakin.May tig iisa raw silang magkakapatid na alagang kabayo,itong sakanya'y itim,at nag ngangalang Alfonso.Inalalayan niya akong maksakay,nang maisakay niya na ako ay sumakay narin siya.Nag paalam nguna kami kila Mang sebastian bago niya patakbuhin ang kabayo.

Bawat madaraanan at makakasalubong naming tao ay binabati kaming dalawa,binabati rin namin sila pabalik at ginagawaran ng ngiti.Bawat babae naman na madaraanan namin ay napapatili,at wala ng ibang dahilan kundi si Camaro.Na-miss ko ang preskong hangin rito sa bayan ng Valeriana.Minsan nalang kasi ako ritong nakakabista.Para ngang gusto kong bisitahin sila nanay at kuya flavio.Nadaanan namin ang bahay nila Mariposa,nakita ko si Deigho na nagsisibak ng kahoy at nagsasampay naman si Tiya Amora.

"Anong gagawin natin rito,Camaro?"Tanong ko nang mapagtantong tinatahak namin ang daan papunta sa Lawa ng Valeriana.Kaliwa't kanan ang mga nagtataasang punong kahoy,mga huni ng ibon at insekto ang nangingibabaw na ingay rito.Mula dito ay natatanaw ko na ang lawa,emosyonal akong napangiti dahil sa muling pagkakataon ay muli akong nakabisita rito.Madalas akong maligo rito noong mga araw na dito pa ako nakatira sa Valeriana,dito ang libangan ko.Hindi ko alam na alam niya pala ang lugar na ito.

"Maliligo."Aniya't bumaba na sa kabayo.

Inalalalayan niya akong makababa."pero wala akong panligo."Giit ko pagkababa ko.Ngunit nginisian niya lang ako't walang itinugon,pinanood ko siyang itali ang kabayo sa puno.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon