Nasa gitna ako ng pagiisip ng napasok sa isip ko ang iilang bagay na gusto ko talagang gawin at mga bagay na gusto ko lang subukan. Minsan dun sa pagsubok nagsisimula ang lahat.
Apat na buwan na ang nakalipas ng subukan ko na umakyat ng bundok. Aya lang ng isang kaibigan. Hindi kasi kailanman sumagi sa isip ko ang umakyat ng bundok. Bukod kasi sa hindi ko alam ang ligayang maidudulot nito eh may takot ako sa matataas na lugar. Kahit mga 5th floor lang na mall o kahit mag isa lang ako na natawid sa mga overpass eh nararamdaman ko ang takot sa sarili. Hindi ko alam kung bakit may ganitong takot ako sa buhay..
Umaakyat naman ako ng bubong dati para magpalipad ng saranggola at nakapag alaga din ako ng kalapati na inalagaan ko sa bubong namin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gwapo ako tapos takot ako sa matataas na lugar.
Achrophobia or fear of heights is an extreme or irrational fear or phobia of heights, especially when one is not particularly high up. It belongs to a category of specific phobias, called space and motion discomfort, that share both similar etiology and options for treatment. Most people experience a degree of natural fear when exposed to heights, known as the fear of falling. On the other hand, those who have little fear of such exposure are said to have a head for heights. A head for heights is needed by those hiking or climbing in mountainous terrain and also in certain jobs. Acrophobia sufferers can experience a panic attack in a high place and become too agitated to get themselves down safely. Between 2 and 5 percent of the general population suffer from acrophobia, with twice as many women affected as men. (Thankyou wikipedia, back to you guys!)
Naka tatlong bundok na ko. Hindi nawala ang takot sa sarili ko. Humawak sa lubid, sanga, ugat, puno at halaman. Natapilok, nadapa at nadulas. Napagod, nangalay at nangawit. Nainis, naasar at higit sa lahat natuwa.
Masaya ang pag akyat ng bundok. Gaya ng pagsusulat maraming kakaibang bagay ka na mararanasan. Pero hindi gaya ng pag akyat ng bundok na mararating mo ang dulo kapag patuloy kang naglakad. Walang dulo ang pagsusulat. Walang Summit. Pero masaya.
Sa pag akyat nalaman ko na ang bundok ay hindi para saakin. Babalik siguro ako sa pag akyat. Kapag kaya ko na ulit. Hindi matatapos ang buhay sa paghinto sa isang bagay. Maraming papalit na bago at Madaming bagay ang mangyayari pa. Magpapatuloy ang buhay. Iikot ang mundo.
Nagising ako sa pagiisip sa gitna ng U.P. Bakit ako nandito? Sikreto muna. Ang isang bagay lang na alam ko na nabago ko ang pilipinas sa isang banda ng pag akyat ko sa bundok? Nabago ko ang oras. Literal. Pinindot ko ang Philippines standard time ng isang minuto sa PAGASA OFFICE and that's gengstah!
Me thinks that the moment when my legs begin to move, my thoughts begin to flow.
-Henry david thoreauTakdang aralin blg.25
1.Bonus. Wala kayong taadang aralin. Tinamad ang titser. K.Bye.
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...