KAPENG BARAKO

409 6 3
                                    

PARA KAY @WRITER_KUNO

Sa di maipaliwanag na dahilan eh naitigil ko ang pagkakape matapos ang isang pangyayari sa buhay ko na ayaw ko ng balikan.

Pero paminsan-minsan eh sumusundot padin ako ng pagkakape, kapag libre, kapag may lamayan, kapag gusto ko lang.

ICE COLD. Yan ang trip ko ngayon kapag nakakadampot ako ng kape pag nag gogrocery, di ko nadin natitripan ang kapeng ordinaryo. Naging choosy na ata ang panlasa ko sa kape simula ng matigil ako dito.

Katuwang na natin ang kape sa araw-araw. Agahan, Tanghalian, Meryenda, Hapunan at midnyt snack.

Marami palang gamit ang kape sa buhay ng tao. Hindi mawawala ang kape sa meeting. Kape ang panglaban sa antok ng mga guwardiya, driver at callcenter. Kape ang ginagamit ng ilang artist sa kanilang sining at kape din ang panglaban sa hang over. Pero ewan ko ha. Kape din daw ang ilagay sa sugat para mabilis matuyo. Wala akong scientific basis dito pero ito ang hiningi ng isang kaibigan ko matapos siyang masugatan sa kamay ng basag na baso, ibinuhos ko sa sugat niya ang kape ng mataranta ako at nagtatalon siya sa sakit habang akoy tulala sa pangyayari. Nalimutan ko nalang na ang tawag nga pala namin sa isa naming kaibigan eh Kape. Minura na lang niya ko ng sandamakmak pagkatapos dahil tinatawag lang pala niya ang kaibigan at hindi sinabing kape ang ilagay sa sugat.

Kaka konsulta ko lang sa matalik kong kaibigan na si google at napag alaman ko na ang kape din pala ay pwedeng insect repellant, bahala ka na kung ilalagay mo din sa mukha. Fertilizer na magpapalusog sa mga tanim mong halaman, Isa pang gamit ay maari din pala itong animal repellant kung madalas matambay ang mga alagang hayop mo sa iyong hardin. Aromatic o freshener, bahala ka na kung gusto mong mag amoy natapong kape ang bahay o kwarto mo. Meat rub o seasonings, kung adik ka talaga sa kape eh pwede mo din samahan ang ilang lutuin mo ng kape o maging coffee flavor. Ilan lang yan sa mga maraming gamit ng kape saatin, bahala na kayo sa iba pa.

Para sa isang kinakahangaang writer dito sa wattpad, sa isang masayang babasahin na may titulong "Tara, magkape tayo!" na likha niya mismo, gaya ng kape. Ang mga babasahing likha mo ay nakakapang gising din at nakakapag bigay inspirasyon para harapin ang bagong umaga. Sana minsan maka kwentuhan kita sa personal at makapag kape nadin tayo sa kanto.

PAGSASANAY BLG.3

1.Kumuha ng powdered coffee at papakin ito, gumawa ng reaction paper ukol sa naramdaman mo.

2.Hanapin si @writer_kuno at ilibre ng kapeng 53in1 with glutathione and powermax complete from A to Zinc. Tapos ay ayain siyang magwelga sa mendiola at ipost ang video sa youtube.

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon