Romansa:
Nasa kalagitnaan ako ng byahe ng makaramdam ako ng gutom, pero kakatapos ko lang kumain ng classic chicken burger mula sa isang kilalang fastfood na nagtitinda ng manok na nagbibigay ng unlimited gravy na pwede mong isabaw sa iyong kanin.
Apat na kanto nalang ay babatakin ko na ang tali para huminto ang jeep na lulan ko, nagiisip padin ako ng hapunan ko. Ano nga kaya ang masarap na kainin ngayong hapunan? Kapag mag-isa ka lang sa buhay isa ito sa mga mahihirap na katanungan sa buhay. Yung magiisip ka ng iluluto mo sa araw-araw o kung bibili ka nalang ba ng luto sa karinderya. Kaya bilib ako sa mga ilaw ng tahanan dahil hindi nga biro ang magisip ng ilalatag sa hapag.
Tatlong kanto; Sa ganitong panahon na napakabilis ng araw hindi mo na mapapansin ang ibang bagay sa iyong buhay. Kabilaang kasiyahan, Sale sa mall, dagdag pa ang papalapit ng semana santa at pagtatrabaho.
Dalawang kanto; Natawag ang pansin ko ng isang ihawan na nasa gilid ng simbahan ng San Jose. Sandaling parang nalasahan ng dila ko ang sawsawang suka nila na puno ng sibuyas at sili. Binatak ko ang tali na siyang senyales na ako ay bababa na kasabay ng pagsabi ko ng "Ma sa tabi lang." Nilakad ko ng dahan dahan ang ihawan at sinipat ko ang mga lamang loob na nasa tray. Isaw, Helmet, betamax, adidas, laman, tenga at hotdog. Dinampot ko ang dalawang isaw na papapakin ko habang naglalakad pauwi, Tatlong laman at isang helmet naman ang uulamin ko para sa hapunan.
"Magkano ho lahat?"
"44 lahat."
Napatigil ako sa ganda ng boses ng sumagot saakin. Napatingin ako sa kaniya bigla at dahan dahan ko na iniabot ang bayad. Isang magandang dilag ang nagiihaw ng aking ilalaman sa tiyan. Isang mala anghel na mukha ang nagluluto ng aking kakainin para sa hapunan. Ilang sandali pa ay natapos na ang aking pinaluto. Dahan dahan niyang iniabot ang supot ng aking binili. Isinawsaw ko sa sukha ang dalawang isaw at saka muling sumulyap sa kaniyang mukha bago tumalikod at umalis. Nangako ako sa aking sarili na babalik ako isang araw at maglalakas loob na magpapakilala.
Isang kanto; Narating ko na ang aking inuupahang bahay. Dali dali ko namang binuksan ang telebisyon at nagtungo sa kusina upang isalin ko ang aking ulam. Isang balita ang mainit ngayon na isa daw babaeng psycho killer ang gumagala at pumapatay pagkatapos ay kinukuha nito ang lamang loob ng kaniyang biktma. Nagulat ako at napabalikwas sa kinauupuan ko ng makita ko ang artist sketch ng suspek. Ang mala anghel na nagluto ng aking hapunan ay isa palang mamamatay tao at isa sa mga lamang loob ng kaniyang biktima ay nakain ko.
Takdang aralin blg. 19
1.Lumanghap ng usok ng sinunog na tsinelas at ipaliwanag ang pakiramdam sa pamamagitan ng tula.
2.Bukod sa kwentong ito na ikina badtrip mo, badtrip ka din ba sa author? Bakit hindi? Dahil magaling siya? At gwapo? Talented?
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...