Hindi na...

40 3 1
                                    

Umpisa pa lang sasabihin ko na, hindi akin ang akdang ito. Nagandahan ako kaya ayokong masayang. Isasama ko sa kwentuhan dahil parte naman ito ng mundo.

"Hindi na.

Maghapon kitang hinintay pero baka nga hindi na
Baka hindi mo na ulit ako maalala
Baka magmukha nanaman akong kawawa
Dahil baka yun na ang huli mong pangungumusta

Hindi na.

Naisip kong siguro nga tama na 'to
Hindi na ako mag-aabang ng mensahe mo
Dahil sa tuwing online ka at online ako
Wala ka namang message kahit man lang "hello"

Hindi na.

Hindi ko na muling titingnan ang profile mo
Kasi, diba nakakatawa at nakakaloko
Gusto kong gumaling ang sugat sa puso ko
Pero ako din naman paulit-ulit sumasaksak dito

"Hindi na.

Hindi ko na ulit papanoorin si Popoy at Basha
Dahil baka maalala lang kita
At maisip kong bakit sila may ikalawang tiyansa?
Pero tayo hanggang dito nalang talaga

Hindi na.

Hindi ko na aawitin yung paborito nating kanta
Mag aaral ako ng ibang tutugtugin sa gitara
Hindi na rin kita gagawan ng tula
Huli na 'to, huli na talaga

Hindi na.

Pangako, hinding hindi na kita iiyakan
Darating ang panahong hindi na ako luluha sa parehong dahilan
Hindi na ikaw ang magiging rason kung bakit ako nasasaktan
Pag nangyari yun, hindi na rin sa'yo magmumula ang aking kaligayahan

Hindi na.

Hihintayin ko yung pagkakataong pag nagtanong sila,
"Oh kumusta ka na? Masakit pa ba?"
Sasagutin ko nang may ngiti sa aking mukha,
"Matagal na yun. Syempre, hindi na." —Aling milay

Takdang aralin. *Lost track*

1.Sa palagay mo bakit "Hindi na" Ang  title ng tula? Paki sagot ho agad. Please lang.

2.Sino si aling milay at bakit sya may hugot? Pakisagot lang din ng mabilis please.

Author's note: Matagal ang update? Nawalan na ng gasolina. Huhugot muna. Relax ka lang.

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon