Nangyari na naman ang kinakatakutan ko. Sa unang buwan pa ng taong 2016.
Eksena: Papasok ako sa shop para magpa tasa.
Receptionist: Sir, Wala na po si ella.
Ako:Seryoso?? (Dafuq face)Nabanggit ko sa mga nagdaang kwento na halos dalawang beses ako kung magpunta sa shop dahil sobrang bilis ng pagkapal ng buhok ko. Kaya mabusisi ako sa taong aayos ng buhok ko dahil ito ang magiging itsura ko sa mga susunod na araw.
"Wala na si Ella" Nalungkot ako para sa magiging kalagayan ng buhok ko sa mga susunod na panahon habang naghahanap pa ako ng bagong mag aayos nito.
Tumuloy padin ako at kailangan ko na talaga ng tabas dahil medyo wala na namang kwenta ang itsura ng buhok ko.
Si Red. Narinig ko na tawag sa kanya ng receptionist. Lalake si koya. Hindi katulad ni ella na mukhang brusko pero cross dresser. Red ang pangalan nya pero green ang kulay ng buhok nya. Labo. Natakot ako ng kaunti at nag alangan sa gagawin ni red sa buhok ko.
"Wala na si Ella."
Di na ko nag usisa kung bakit at kung nasaan na siya. Sana lang nasa maayos siyang kalagayan at kung makakapag kita ulit kami pasasalamatan ko siya sa ilang taong serbisyo sa aking buhok at itsura.Ella the great
2014-2016Nagkasalubong kami ni ella. Nasa Alimall daw sya. Binigay lang niya ang number niya at sinabi niyang doon nalang niya ikukwento ang lahat. Langya' para tuloy kaming mag jowang nagpapaliwanagan.
Ilang buwan ang lumipas. Nakampante naman ako kay red. Ayos naman sya. Okay na muna ako dito. Makukuha din ni red ang gusto ko.
Takdang aralin blg. ?
1.Naniniwala ka ba na si Ella ay inosente? Wala natanong ko lang.
2.Bakit nagpapakulay ng buhok ang mga tao? Gaya ng pula, ano sila red vellvet?
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...