SUPREMO

244 9 0
                                    

ANDRES BONIFACIO Y' DE CASTRO.

REAL TALK!!

Tubong Tondo maynila. Isang tindero ng abaniko, isa sa mga pinuno ng mga katipunero, isa sa mga utak ng rebolusyon. Bayani na siyang lumaban para sa kalayaan ng pilipinas.

Bata palang tayo ng aralin natin ang buhay ni ka-andres. Hindi lingid sa ating kaalaman ang taglay na galing nitong atapang-a-tao.

Tumakbong presidente ng pilipinas pero di umanoy nadaya nung dating nasa limang piso. Tsismis lang naman at ayon nadin sa ibang maalam sa history.

Kung popularity ang paguusapan di rin papahuli itong si pareng andres dahil kapag pumasok ang usapang bayani, bukod kay rizal eh imposibleng hindi masama si bonifacio sa kwentuhan. Katunayan eh kung may luneta si rizal may monumento si andres. Kung may leonor rivera si pareng pepe may gregoria de jesus naman si brader andres.

MAY PAG-ASA, AGAPITO BAGUMBAYAN, ang ilan lang ata na ginamit ni ka andres na codename para itago ang katauhan laban sa mga mapagsamantalang mananakop. Malayong malayo sa mga codename na ginagamit natin ngayon. Gaya ng BOSXZ UNO, MR.KEBAB, MALDHITA LADY CHINITA, MAHAL MUE23 at BEBECOH_17.

Ang lahat ng sakripisyo ni bonifacio at ng iba pang bayani para sa pilipinas mong mahal ay sanay wag mawalan ng saysay. Hindi lang sugat o laway ang ibinuwis ng mga tunay. Kundi buhay at pag-asa na ang pilipinas ay para sa mga pilipino, at yan ang pinaglaban ng kung tawagin natin ay supremo.

Pilipinas mag ingay oh para kay ANDRES BONIFACIO!!

TAKDANG ARALIN BLG.7

1.Kung nabubuhay si andres ngayon sasali kaya siya sa FLIPTOP? Bumuo ng grupo at pag debatehan.

2.Isasali kaya ni ka andres sa katipunan ang mga codenames na nabanggit? Bakit?

3.*Bonus*

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon