*TOOT* ACHE.

272 7 5
                                    

Tooth ache

Ito ang sakit na ayaw mong maramdaman. Ito ang pakiramdam na ayaw mong maranasan.

Kapag masakit ang ngipin mo damay ang lahat. Masakit ang katawan, ulo, tenga at buo mong pagkatao. Damay pati Trabaho, Pagkaen, Gawain, Mood at lahat ng tao at hayop sa paligid mo. Badtrip ka. Badtrip ka sa umaga at buong maghapon at magdamag. Badtrip ka sa mga makakasalubong mo at maiisip mo na kaya sila naka ngiti ay pinagtatawanan ka nila. Badtrip ka sa pusa na natutulog sa bubungan niyo dahil ewan lang basta badtrip ka. Badtrip ka sa mga kakausap sayo at tatanungin ka pa kung masakit, kung pwede mo lang siyang hatiin sa 48pieces ay ginawa mo na. Badtrip ka. Badtrip ka sa Buhay.

Habang tinitipa ko ang topic na ito ay nasa calm mode na ang ipin ko matapos kong inuman ng painkiller. Pero bago pa man ito kumalma ay para itong bulkang sumabog at nagwala at ipinaranas saaken ang sakit na ayaw kong maranasan. Halos sumabog ang ulo ko sa sakit, narinig ko pa sa background ang mga pagtawa na di ko malaman kung saan sa aking isipan. Natawag ko na lahat ng santo at superhero para lang mawala ang sakit ngunit di nila ko dininig. Naiwan ako sa gilid na nangi-nginig.

Hindi ako nawalan ng pag asa. Sabi nga nila time is gold. Kaya nag search ako ng mga home remedy na painkiller. Alas dos na kasi ng madaling araw at wala na kong mabilhan ng painkiller. Sinuntok ko na ang mukha ko, Nagmumog ng asin, astringent, malamig na tubig, mainit, madumi at malinis na tubig pati ata tubig sa flowervase ay pinagtangkaan kong i-gargle. Tumayo ako, umupo, humiga tumuwad para lang makuha ang tamang reception para mawala ang sakit pero wala. Wala akong nagawa kundi umiyak at sisihin ang may gawa ng tsokolateng goya-goya.

Matapos ang magdamag na pakikipag buno ko sa molar tooth ko ay maayos padin naman akong naka attend ng x.mas party namin at nakapag host pa nga ako. Salamat sa naka imbento ng painkiller.

DEAR MOLAR TOOTH.

Wag naman sa panahong ito kung saan nagkalat ang mga masasarap na pagkain sa hapag. Wag naman ngayon kung kailan umuulan ng tsokolate sa paligid. Wag sa panahin ng noche buena at medya noche Makisama ka naman. Pls.

Nagmamahal

-yours truly(Mefenamic500)

TAKDANG ARALIN BLG.6

1.Bukod sa sakit ng ngipin ano pa ang mas masakit? hindi ka mahal ng mahal mo o magbihis ka tapos malalaman mo na hindi ka naman pala kasama?

2.Ano ang problema ng ibang brand sa Brand X at Brand Y? Bakit lagi nalang sila ang itinatapat? ipaliwanag sa katabi.

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon