A LETTER TO DA OPIS

519 11 1
                                    

Hindi ako pamilyar sa mga sangay ng gobyerno kaya ang loveletter na ito ay inadress ko na para sa pangkalahatan. Saloobin ko lang ito at sentimyento at di naman lahat ng pilipino nararanasan at reklamo ito. Akin lang naman.

DPWH- Mga sir/maam. Kamusta po? malamang nagkakape na kayo sa mga oras na ito. Wag niyo naman po pagtripan madalas ang mga daanan na hindi naman sira at maayos pa ang lagay kaysa sa mga mukha niyo. Hindi maganda ang dulot nito sa mga estudyante at empleyado na bumabyahe araw-araw. Lalo na at wala naman sariling sasakyan. Dagdag pa ang maputik na daan na nilalakad namin para makapunta sa mga pampublikong sakayan. Pagtuunan nalang natin ang mga ibang daanan na binabaha at mga tunay na kalsada na nangangailangan talagang ayusin, sa mga rural na probinsya sa tingin ko mas kailangan nila ito para sa kanilang pang araw-araw na buhay. Ang ending kasi nito late kami dahil sa trapik at kaltas sa sahod namin ang mga oras na nasasayang. Maraming salamat.

NBI,SSS ETC.- Magandang araw mga Boss, isa ko sa mga suki ng departamento niyo. Isang beses isang taon kasi ako nadalaw sa mga lugar niyo para mag renew ng mga dokumento. Ang mga taong kumukuha ng requirements ay umaasang mapapadali ang lahat para sa kanilang sadya sa inyo. Wag niyo naman kaming pahirapan sa lugar kung saan kami pipila. Nababasa at naiinitan din kami gaya niyo. Wala naman po sanang sigawan at sana naman mabigyan natin ng hustisya ang salitang magandang araw. Ngiti naman, konti lang.

MMDA- Boss balita? kahapon lang eh namataan ko ang ilan sa mga enforcer niyo sa tabi ng hi-way pa aurora. Habang sa kalagitnaan ng pagpapasaway ng mga jeep na sa mga bawal eh nagsasakay at nagbababa eh prenteng prente sila na humihigop ng kape sa styrocup habang naka pameywang at nagkukwentuhan. Buwaya ang tingin ng ilan sainyo pero ako naniniwala na may mabuti padin sainyo bukod sa itsura. Sana naman mga boss ayusin natin ang trabaho. Isama nadin ang itsura paminsan-minsan. Wala akong nakikitang mali sa pagtatrabaho ng patas.

PAGASA- Napaka ganda ng acronym ng pangalan niyo, sa totoo lang kayo ang pinaka paborito kong sangay ng gobyerno kahit noong bata pa ako. Sana kasing ganda din ng ibigsabihin ng pangalan niyo ang inyong ulat panahon. Sa mga kawawang magaaral na lulusong sa baha at pagkatapos naman ay walang klaseng aabutan dahil sa huling pag kansela ng mga klase. Isaalang alang naman po natin ang kalusugan at kaligtasan nila. Wala naman kayong masyadong atraso saken. Ewan ko nalang sa iba. Kung di ho kayo sigurado sa forecast niyo may kilala akong manghuhula sa quiapo. Mura lang.

Sa mga magagaling nating goverment officials, employee, staff, crew, team, accomplice, kasabwat, kaulayaw. Alam kong nahihirapan din kayo sa santambak na trabaho, paper works samahan pa ng mga boss na pokemon. Salamat sa serbisyo sana sa susunod wala ng pero.

TAKDANG ARALIN BLG.2

Piliin ang angkop na salita.

1.(Mabagal_Panget) Ang serbisyo ng mga sangay ng gobyerno.

2.(Lahat_Halos lahat) Ng Govt employees ay masusungit.

3.(Ako) Ay uto-uto.

4.(Pogi_Cute) Ang author.

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon