Palalampasin ba natin ang pasko sa topic ng ikalawang gupit mo, syempre hindi. patungkol sa balentayms at lenten season ang nabanggit ko sa unang Kwentong Barbero kaya para sa magandang kwentuhan. Aahitan na kita ng patilya.
CHRISTMAS SEASON.
Kung di ako nagkakamali eh september ang simula ng christmas season saatin sa pinas. Isa-isa ng magsisilabasan ang mga senyales na magpapasko na. ito ang ilan sa mga napansin kong pagbabago habang papalapit ng papalapit ang pasko.
SEPTEMBER- Magsisimula ng magpalit ng wrapper o pabalat ang ilang produkto. Maglalagay na sila ng mga red ribbon, star at season greetings sa mga imprenta at ang ilan ay nilalagyan na ng makukulay na bagay ang mga balot nito.
OCTOBER- Halos dadami na sa bilang ng mga tao sa kalsada, mas tatagal ang byahe at ang trapik sa mga pangunahing lansangan. Simula nadin ng mga sale sa ilang mall at simula ng countdown sa papalapit ng kapaskuhan.
NOVEMBER- Mas maraming dagsa ng tao. Mas mabigat na trapik at mas pagdami ng ibat-ibang produkto na mag ooffer ng katipiran at aliw sayo sa pasko. May ilang establisyemento nadin na naglalagay ng dekorasyon at ilang mas matitingkad na ilaw.
DECEMBER- Buhos ang tao sa paligid at ang trapik ay uusad nalang kapag gusto niya lalo na sa rush hour. Bukod padin sa malalaking sign ng SALE sa kanilang mga establisyemento eh halos lahat sa paligid mo ay nakapang decorate na sa tema ng pasko.
Dito nadin lalabas ang ilang mga bagay na tuwing pasko lang nagdadagsaan. Panahon na ng Hamon, Bibingka, Sipon, Puto bumbong, Keso de bola, Ampao, Candy cane, Tsokolate na walang tatak basta nakabalot lang sa foil na makulay at simbang gabi.
Papahuli ba ang mga carolers na may kani-kanilang bersyon ng "Sa may bahay". Sa mga bata gamit ang pinitpit na tansan, lata ng gatas na may plastic o tela ay handa na silang masabihan ng "PATAWAD" Siyempre dito nadin babait ang ilang mga tao. Nakangiti na sayo ang mga mangongolekta ng basura niyo, taga hatid ng sulat at guwardiya at himalang makikilala ka na ulit ng mga inaanak mo na dati eh walang pakialam sayo kahit masalubong ka.
Papasok nadin dito ang Christmas bonus, 13month pay, exchange gifts, monito monita at kabilaang christmas partys.
Yan ang pasko sa pilipinas, maagang napapagdiwang. Kahit ipangutang pa yan basta may mailatag lang sa hapag sa dadating na noche buena, ilalabas ang ipon para sa magagarbong dekorasyon at christmas lights, bahala na si batman pagkatapos.
Hindi sa dami ng ilaw o palamuti ang batayan ng tunay na pasko, lalong hindi sa dami ng handa o bisita ang ibigsabihin ng ating pinagdiriwang. Dahil ang tunay na ibig sabihin ng pasko ay pagbibigayan at pagmamahalan. Yan ang tunay na diwa at turo ng taong pinanganak sa araw na ito.
-MERRY CHRISTMAS SA LAHAT!!
(Gaelisawesome)
TAKDANG ARALIN BLG.8
1.Kantahin ang Silent night ng rap version at i-record ito. Ipadala sa malacañang at i-address sa office of the president.
2.Bilangin ang pagkislap ng christmas lights niyo simula 7:00pm hanggang 8:00pm. Isulat sa papel at gawan ng tula.
3.Magpunta sa isa sa iyong ninong o ninang at mamasko. Magdala ng armas in case of emergency. Goodluck.
NOTE: Ang susunod na chapter ay masakit sa ngala-ngala. Mabuting iskip na ito at matulog nalang.
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...