Barbero. Barberya.
Lahat ata ng batang lalaki eh napagdaanan ang barber shop. Yung may parang malaking candy na nakasabit sa pader na spiral color na ibat-iba ang kulay. Yung may nag dadama sa harap. Hindi salon. Mga matatandang lalaki ang gumugupit. Hindi bakla. BARBERYA.
Kung hindi mo padin gets ang barber shop na tinutukoy ko eh ayan ang internet at paki google nalang ano ho?
Balik tayo sa BARBERYA. Kakaunti nalang halos ang mga nakikita ko na lumang style ng barbershop panay salon na kasi ang nagkalat. Parang nasapawan na sila ng mga papromo na rebond, free blowdry, wifi at kung anek-anek. Noong bata ako sa barberya ako dinadala ng lolo ko para bawasan ang makapal ko ng buhok. Wala. Kung anong trip ng lolo ko siyang gupit ko. SHATO. Yan yung pagkaka alala ko na laging gupit ko noong bata. Sa mga di nakaka alam ang ibig sabihin po ng shato ay shatuktok lang ang tira. Oo. sa ibabaw lang. parang hinulma sa mangkok. Simsimi Style.
Kung bibigyan ako ng kapangyarihan na mamili ng gagawing isang historical place sa pinas, pipiliin ko ang barberya. Bakit?? bakit hindi??
.
.
*Ehem* bakit nga ba naglabas pa ko ng ikalawang babasahin na wala namang kwenta?? bumenta?? di rin. Halos dalawang linggo na nga ng maisulat ko ang kwentong barbero eh halos anim palang ang nagbabasa nito. Bukod sa ikatlong mambabasa na nagbigay ng comment na natawa daw siya sa umpisa palang. Yun palang ang aking maipagyayabang. Bukod sa ilang kaibigan sa labas na bitin daw ang kwentong barbero dahil medyo kakaunti ang mga topic na tinalakay. Dagdagan ko daw o di kaya ay sundan. Nasabi ko nalang puros saloobin ko lang naman ang nakapaloob sa kwentong barbero nasa saakin padin kung susundan ko ito, at heto nga, inipon ko ulit lahat ng walang kwentang naiisip ko.
.
.
Hindi ko alam kung hanggang kailan aabutin para matapos ko ang akdang ito kaya para sa ikakaayos ng kwentuhan. Isusulat ko ang petsa kung kailan ko ito sinimulan. Hala sige upo na at tatasahan ko na ulit yang ulo mo. Wag kang malikot ha baka masugatan ka.
-10/6/2013_12:27am.(ayon sa relo ko)
Isa sa mga taong pinagkakatiwalaan natin sa buhay ay ang barbero o hairstylist. Nasa kanila kung anong magiging itsura natin sa mga susunod na araw. Kung magmumukha ba tayong Empanada o Lego na may buhok. Isang beses sa isang buwan ako kung bumisita sa barberya, mabilis kasing kumapal ang buhok ko at magmukhang halaman na napabayaan.
Palipat-lipat ako ng pagupitan, sa di kasi malamang kadahilanan eh nawawala ng parang bula ang mga taga ayos ng hairstyle ko. Una si Mama rey, sa isang salon malapit saamin, ng minsang magpagupit ako eh hinanap ko siya pero umalis na daw at nagpunta na sa ibang bansa. Hindi daw ba nagpaalam saaken? aba bakit naman siya magpapaalam eh di ko naman siya kamag anak. Pero inaamin ko na nalungkot ako dahil sa paglabas ko ng salon na iyon eh iba ang gupit ko dahil hindi kabisado ng stylist ang gusto ko. Balik Shato ako. Badtrep.
GUNTING at SUKLAY ang makapangyarihang gamit ng mga magigiting na barbero at stylist. Nasa kamay nila ang magiging itsura mo paglabas mo ng pagupitan. Maging mabait ka kung ayaw mong umuwi na isa na lang ang tenga o magmukhang bagong panganak na sisiw.
TAKDANG ARALIN BLG.1
1.Bukod sa Buhok mo sa ulo at tigyawat ano pa ang madalas tumubo sayo? explain in a wider perspective.
2.Ipunin ang mga buhok na ginupit galing sayo. Gumawa ng cookies mula dito at ipakain sa mga kababata. Maghintay ng reklamo.
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...