FINDING SINO

116 4 0
                                    

Kung may nakaka kilala man kay Germinnie. Yan yung Username niya dito sa wattpad. Paki sabihan naman siya na hinahanap ko siya.

Germinnie: Kung nababasa mo to eh. Agad kang magmensahe saakin at ako ay madami dami ng kwento at tanong sayo. Hantagal na kitang hinahanap. Bakit ka ba kasi biglang nawala. Hayy...

-Itutuloy...

Din agad...

Lahat naman ata ng tao sa sansinukob ay naranasan na ang maghanap ng nawawala. Tao, gamit, bagay, hayop, letra, kulay, atbp.

Marami ding salita o expression ang nabuo dahil sa paghahanap. Tulad ng..

"Pusa nga hinahanap tao pa kaya?"

"Wag mong hanapin ang wala"

"Mata ang ipanghanap, hindi bibig"

"Wag mong hanapin lalabas yan"

"Walang forever demet"

Bukod sa huli ilan lang yan sa mga salitang naririnig natin kapag may hinahanap tayong bagay.

Kahit sa larangan ng pag-ibig nasasali ang nawawala at paghahanap.

"Wag mong hanapin, dadating din yan."

Napaka universal diba?...

Isa sa mga makasaysayang paghahanap sa history ng pilipinas ay ang paghahanap sa YAMASHITA TREASURE. Mismo. Kayamanan na ibinaon ng isang pinuno ng hukbong hapon ng minsang sakupin nila tayo. Napabalita lang na matagal nadin naman itong natagpuan at napakinabangan na. Wala nga lang makapag patunay pero meron ng ilang dokyu na ginawa upang alamin nga kung nasaan na ang nasabing kayamanan.

Ang isang milagrong paghahanap ng isang matandang babae sa kaniyang lalakeng anak. Bakit naging milagro? Sa prusisyon kasi ng pista ng mahal na nazareno niya natagpuan ang matagal ng nawawalang anak. Nahilo daw siya at biglang napa kapit sa isang lalake at milagro ngang ang lalake pala ay ang kaniyang anak na matagal na niyang hinahanap.

Madami tayong hinahanap sa buhay. Ginhawa, Kaligayahan at ilang pangarap na hindi naman nawala, bagkus ay isang bagay na kailangang pagpaguran.

Hindi lang bagay, tao o lugar ang hinahanap. Minsan ang hindi mo nga akalaing hinahanap mo ay nasa tabi mo lang pala at matagal ng nagaantay.

Para kay germinnie. Kung nasan ka man, hindi man tayo ganun katagal nagkausap at nagka kilala. Nawa'y nasa mabuti kang kalagayan at maligaya.

"Look before you leap"

-unknown.

TAKDANG ARALIN BLG.17

1.Ipaliwanag kung bakit hanggang ngayon hinahanap padin sa subject na math ang "Sum"? Bata palang ang lolo at lola ko hinahanap na daw yan.

2.Hanapin ang paborito mong guro noong elementary at itanong sakanya kung bakit puregold ang pangalan ng isang supermarket at bakit hindi pure green?

3.Sa iyong palagay bakit ako matanong? ipaliwanag in a cursive writing in 1/4 sheet of manila paper.

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon