EY-Bi-Si

264 7 2
                                    

PARA KAY EYRIN(Lucky bummer)

*Ey-B C D E F G.... Yan ang unang tinuturo saatin ng mga magulang at guro natin. Maliban sa pag gamit ng Po at Opo. Mahalaga kasi na matutunan natin ang alpabeto dahil ito ang simula para matuto tayo sa mga susunod na araw.

Kapag natuto ka ng magbasa ng alpabeto maari ka ng tumuloy sa spelling, dahan dahan. hanggang sa makakapag basa ka na ng maiikling salit mula sa larawan. "Ti-koy", "Lupa".

Alpabeto ang salita, komunikasyon, gawain sa araw-araw, trabaho, bilihin, sasakyan, pagkain. Ang buong mundo mo ay nangangailangan ng alpabeto. Kahit ang pag aalok mo ng sitsirya sa kaibigan mo. "Nova gusto mo?"

*Bi-lang isang tao responsibilidad mong matuto kahit ayaw mo dahil hindi naman sa habang panahon eh may gagawa ng mga gusto mong gawin sa buhay. Tatanda ka at dadating ang panahon na magkaka pamilya ka at ibabahagi mo ang mga natutunan mo sa mga nagdaang panahon. Di ka pwedeng umiwas dahil bilang tao ulit eh makaka salamuha mo ang mga kapwa tao mo mismo na handang husgahan ka ng walang pag aalinlangan. Mabuti ng handa ka.

*Si-no nga ba ang naka imbento ng Alpabeto?? Ayon sa kaibigan nating si Google ang alpabeto pala ay galing sa anglo-saxon settlers, kung sino sila ay hindi ko na inalam. Ito pala ay orihinal na latin alphabet na binubuo ng 26 letra. Hanggang sa may kakayahan pa tayong magbasa at sa "Huling sulat" gagamitin padin natin ang Makasaysayang mga letra hanggang sa tayo ay mahimlay at muling mabuhay.

Kahit sa pag-ibig ginagamit ang alpabeto, paano kayo makakapag usap kung di kayo magsasalita, sige nga?? Umpisa palang eh gagamit ka na ng alpabeto sa panliligaw palang. Unless mga deaf kayo o may diperensya sa pagsasalita. sino ba ang may gusto ng "kalahating oras na pag-ibig"? Lahat naman siguro ay nangarap ng "Hanggang kamatayan". Ay ewan. Basta ang alam ko mas trip ko ang Alpabeto kesa sa numero. Tapos ang boksing.

Bilang pangako sa sarili na gagawan ko ng dedikasyon ang unang mag komento sa ikalawang barbero. Ang ika sampung slot ng K.B ay sayo kasama ng mga sulatin na gawa mo. Makapagsulat ka pa sana ng maraming kwento gamit ang alpabeto. APIR!

TAKDANG ARALIN BLG.10

1.Subukang gupitin ang bangs at iipit sa assignment notebook balikan after 1week at gawin ang assignment. Gamitin ang ginupit na bangs bilang inspirasyon.

2.Guluhin ang message board ni eyrin, hanggang sa mabadtrip siya. Wag akong ituro bagkus ay isisi sa gobyerno.

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon