26th

166 3 3
                                    

"BIRTHDAY KO NGAYON"

Alam ko naman na wala kang pakialam. Pero dahil sulatin ko to eh isusulat ko padin to kahit wala ka namang care. Sabi nga nila "who cares, care bears". Quits.

*Kahit ako di ko padin kilala ang sarili ko ng lubusan. May mga trip padin kasi ako na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung likas lang ba talaga akong sira ulo o masarap lang talagang maging sira ulo.

-Ang pagiging malaya ang pinaka masarap na parte ng pagiging tao. Sino ba naman ang may ayaw na maging malaya. Siraulo lang ata. Kalayaan ang pinaglaban ng ating mga bayani, kalayaan ang sinisigaw ng ilang kapatid natin sa 3rd sex, kalayaan ang hiling ng mga rebeldeng grupo na lumalaban sa kanilang paniniwala. Pagiging malayang siraulo ang inaakto ng ilan kaya nababahiran ang salitang KALAYAAN na matagal ng pinaglaban ngunit madalas na naipagkakait dahil sa ilang pansariling dahilan, paniniwala at kasirauluhan.

.

.

*Ang ilan sa mga natutunan ko sa mundo. Tingin ko ngayon sa mundo na ginagalawan ko eh isang battle of the fittest, Matira matibay, Survival. Walang pwedeng tumulong sayo kundi sarili mo. No rules, Hardcore.

-Bago pa man tayo isilang ay may problema na ang bansang ating sinilangan. Mula sa pinaka maliit na bagay hanggang sa pinaka malaking problema ay damay tayo dito. Kahit wala ka pang malay tao. Masakit isipin na habang ikaw ay umuunlad at lumalaki bilang tao ay wala pading lunas ang problemang ito hanggang ngayon. Damay ka padin kahit ang mga magiging salinlahi mo. Hardcore.

.

.

*Nadaldal ko sa unang kwentong barbero na bata pa ako ng mahilig akong magbasa, pero hindi sumagi sa sistema ng utak ko ang magsulat. Hindi ko tuloy alam kung paano ako hihingi ng tawad sa sarili dahil hinayaan ko na ipahayag ang aking katangahan at reklamo sa kalahatan. Naisip ko nalang na isa itong public confession. Sasabihin ko lahat ng nasa isip ko at gusto kong sabihin kahit wala namang may pakialam.

-Lahat tayo ay may kaniya kaniyang reklamo sa buhay. Presyo ng bigas, badtrip na kapitbahay, tae sa daan at maputik na lansangan. Pero dahil kasapi ka ng abang pilipino at nabubuhay kang isang simpleng tao wala kang karapatan magreklamo dahil isa ka din sa mga salinlahi na nagsimula ng problemang ito kahit hindi ikaw ang direktang may gawa nito. Isang malaking movable blocks ang mundo, bawat desisyon mo na gagawin apektado ang magiging bukas ng lahat ng tao. Gaya ng pagsusulat ko maaring maka apekto ako sa ibang tao.

.

.

*May mga typo, wrong spelling, maling gamit ng salita at error 404 not found padin ang mga sulatin na ginagawa ko ngayon. Patunay lang na sumasalamin padin ang Kwentong barbero 2 sa taong nagsulat nito. Yun ang magandang bagay na nakita ko sa buhay. Kailangan ko pang matuto ng napakaraming bagay, hindi natatapos ang kaalaman sa buhay sa kahit anong edad. May mga bago pang matutuklasan sa paligid at may mga bago pang ideya ang mapagaaralan habang patuloy na umiikot ang mundo sa axis nito.

.

.

-Ang matuto at magkaroon ng bagong kaalaman sa pang araw-araw ay karapatan ng isang tao. Karapatan at tungkulin niya din ito na ibahagi sa ilang kamag anak o kaibigan o kahit sa simpleng kakilala lang o nasalubong at naka kwentuhan sa daan. Nasa tao nadin mismo kung ibabahagi din niya ang natutunan niya o isasapuso o isasantabi lang. Bawat araw may bagong tuklas sa mundo. Sa ibat-ibang aspeto. Medisina, Kalakaran, Transportasyon, Negosyo, Libangan, Kalokohan at kung ano-ano pa na naisip ng tao. Nasa tao padin mismo kung ito ay gagamitin niya sa ikabubuti o ikasasama ng kaniyang kapwa.

-Hindi ko na maalala kung ilang taon na akong umaaktong writer at barbero sa pagsulat ng mga walang kwentang bagay. Basta ang alam ko masaya ko sa kung ano man ang naging tanggap ng mga tao sa wattpad sa mga sulatin ko kahit puro flaws at katimangan ang mga nababasa niyo sa mukha at akda ko. Hanggang sa 50th. Sa mga susunod pang taon hanggang sa binibigyan pa ko ng pagkakataon ng mundo na sumulat. Marami pa, marami pang hindi natapos, marami pang tatapusin at sisimulan. Salamat muna sa ngayon sa pagtitiyaga at pagbabasa. Mula sa inyong friendly neighborhood dito sa wattpad. Mula sa kaibuturan ng aking blood pumping organ na tinatawag na puso. SALAMAT!!

Pahabol: Bilang pagkaka alam ko na ako ay isang tao ay ibinabahagi ko ngayon kung ano ang nasa isip ko at kung ano ang nalalaman ko. Kalokohan man ito sa tingin ng iba. Nasa sainyo nadin mismo kung isasapuso niyo o kakalimutan niyo kung ano man ang nabasa niyo ngayon. Ang payo ko lang eh maging mapanuri sa lahat ng bagay. Ang mundo ay isang malaking arena na napupuno ng mga mababangis na kaaway na handa kang sakmalin kapag nalingat ka. Gamitin ang mga natutunan upang di ka mapanlilangan.

APIR!!
(June.26.2014)

P.S
Isang taon na ulit matapos na maisulat ko ito. Kaarawan ko na naman ngayon at maraming nagdaan sa isang taon ng buhay ko. Maraming pagbabago. Maraming umalis at dumating na bago. Madaming nagsimula at nagpatuloy, hindi ko sinabing natapos dahil ang buhay ay isang walang hanggang katapusan. Marami pang gagawin at sisimulan. Sana lahat matapos sa kagustuhan ng nagiisang diyos na nagbigay saatin ng kasiyahan. Ang mabuhay. Salamat po.

#Happybertdeytome.
(June.26.2015)

-Para sa aking ina na nagbigay ng sariling buhay para ako ay mapag aral at mabuhay.

TAKDANG ARALIN BLG.12

1.Gamit ang iyong imahinasyon i-guhit sa short bond paper ang awtor at ipaskil sa pinto ng inyong ref.

2.Hello kamusta na kayo diyan? Natanggap niyo na ba ang package na pinadala ko? Pa load 300 thanks.

3.Batiin ng HAPPY BIRTHDAY ang awtor sa ibat-ibang lengwahe.

Minimum language(50)

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon