Clash of Edsa

168 3 3
                                    

Edsa...

Kilala bilang isang kalsada, Lansangan na madalas daanan, lugar na minsang pinag-ugatan ng isang makasaysayang pangyayari na nagpabago ng salin-lahing pilipino.

Nagbago nga ba?

-Tatlong linggo na ang nakalipas ng idownload ko sa play store ang larong clash of clan. Sa di malamang dahilan at dala ng kaburyuan sa buhay eh nilaro ko ito. Ayos naman madaling pag aralan at nakakalibang nga sabi ng ilan.

Lumipas ang maraming taon kung saan minsang nagkaisa ang mga pilipino upang ipaglaban ang karapatang pantao na nagpabago ng maraming bagay at para tawagin ang pilipinas na bansang may demokrasya.

-Level 3 townhall. Dalawang kanyon isang archer tower at isang mortar ang mga bagay na pang depensa para hindi magtagumpay ang ibang manlalaro sa pagsakop sa iyong kampo. Masaya. Nakakalibang. Nakaka inis minsan.

Libo-libong tao ang nagpunta sa edsa para hanapin ang sagot sa maraming katanungan. Kapangyarihan ng tao laban sa kapangyarihan ng pamumunong diktatoryal. Rosaryo at bulaklak laban sa baril at tangke. Kapwa pilipino laban sa kapwa pilipino.

-Level 5 townhall. Dumoble ang kanyon, Archer tower, Walls at Resources. Mas naging matagal ang paglalaro at halos nagugol na ang ibang oras ko dito. Masaya padin naman. Mas kumain nga lang ito ng panahon sa buhay ko ngayon.

Naupo ang pinaka unang presidenteng babaeng pilipino sa kasaysayan. Tinawag siyang ina ng demokrasya. Napatunayan ang pagkakaisa ng pilipino. Hindi nasayang ang pagsasakripisyo ng ilan. Nakalayang muli ang mga pilipino at nagising sa matagal ng pagkakahimbing.

-Nakasali ako sa isang clan. Hindi ko na babanggitin kung ano. Sa tingin ko isa ito sa mga siste ng laro. Ang tinatawag nilang clan wars. Dahil baguhan nga ako sa paglalaro medyo nangapa ako sa bagay na ito. Akala ko eh kagaya lang ito ng simpleng pag atake sa kampo ng iba. Sa makatuwid ang unang atake ko ay nasayang, biglaan kasing nagloko ang internet ko sa gitna ng atake. Ending? Talo syempre.

Nanaig ang demokrasya dahil sa nangyari at nakuha natin ang salitang demokrasya. Gaya ng larong Clash of clan. Malaman sana natin ang kahalagahaan ng pagprotekta sa sarili nating yaman. Ang bansa.

Ilang bagay na natutunan ko sa paglalaro at kasaysayan ng Edsa.

Pagkakaisa. Sa huli kahit gaano ka pa ka-lakas, kakailanganin mo padin ang tulong ng iba.

Para sa mga nag aantay ng kasunod na kwento ng paglalaro ko. Gaya nga ng sabi ko. May isa pa akong chance para umatake. Pero naisip ko na iwan ang aking kasalukuyang clan para sa ikabubuti nila. Babalik nalang ako kapag kaya ko na.

"Everybody needs help sometimes, Peter, even Spider-Man."
-Auntie Jane(Spiderman)

Takdang aralin blg.22

1.Bukod sa clash of clan at pag dodroga ano pa ba ang magandang gawin kapag nabuburyo ka? Ipaliwanag sa magulang.

2.Sumama sa rally at ipaglaban ang mabagal at laging pagloloko ng inyong internet connection. Maglaslas bilang tanda ng pakiki isa. K. Thanks. Bye.

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon