Bwelo muna...
May isang liham ako na natanggap mula sa isang kapwa wattpader.(parang panget pakinggan) Sige ang itatawag ko nalang sa mga kasamahan natin dito sa pananampalataya sa wattpad eh "Ka-Chicken" Natatawa talaga ako sa tawag na yan. Napanood ko yan sa isang channel sa destiny cable ng ako ay maburyo sa buhay at naglipat lipat ng channel sa aking naghihingalong telebisyon. Isang istasyon na nagpapalabas ng mga laban ng manok. Oo yung mga manok panabong. "Ka-chicken"
Balik tayo sa "ka-chicken"*ngisi* natin na nagpadala saakin ng mensahe. Isa siyang magaling na manunulat na matagal ko nadin sinusundan. Kung hindi ako nagkakamali eh may dati na siyang account o maka ilang ulit nadin siyang nagpalit ng pangalan(Sana tama ako). Ang laman ng mensahe ay isang paanyaya na sumali sa isang writing movement. Napangiwi ako ng mabasa ko na ganun nga ata ang laman nito dahil hindi ito mabuksan sa aking celepono. Medyo nagduda ko mismo sa aking sarili kung tatanggapin ko ba ang alok ng ating ka-chicken*ngisi* Dahil alam ko naman sa aking sarili na ako ay hindi naman talaga isang manunulat bagkus ay isa lamang akong hamak na gwapo at kwentista. Kwentong Barbero o Kasinungalingan nga ang tingin ko sa tema ng ginagamit ko na pagsusulat dito sa wattpad at ni sa hinango ay di sumayad sa isip ko na sumali sa kahit ano mang writing contest o writing activities dito.
Nabanggit ko sa unang kwentong barbero na hindi ako naugnay o nasali sa kahit anong org. o club na patungkol sa pagsusulat na pinagsisihan ko ngayon. Nasayang kasi ang pagkakataon na sana ay napalawig ko ang pagiging barbero ko into a true story teller. Maayos na pagsusulat at tamang gamit sa panitikan, barirala at salita. Sa madaling salita eh isa itong kalokohan para patulan.
Yung totoo?? Wala akong tiyaga na mangumbinsi ng tao. Kaya sablay ako na maging seller o taga benta ng produkto. Kaya hirap din ako na ilako ang akda ko. May ilan ilan lang ako na nasabihan na sana ay mabasa mo ang ilang gawa ko kapag nakikita ko sa news feed na may ilang adik na naglagay at nagbasa ng gawa ko sa kanilang Reading list. Pero salamat nadin sa patuloy na pagbabasa. Wag kayong mag alala. Hanggang ngayon wala padin akong pakialam sa VOTES at COMMENTS. Ayos na sakin na madagdagan ang Readings kaysa sa mga ilang bagay. Mas napapangiti ako ng pagtaas ng bilang ng nagbabasa dahil alam ko na may mga taong nagbabasa kahit first page lang.
Balik tayo sa mensahe. Kasubuan. Nag effort si ka-chicken at inilatag na sakin ang instructions at ilang rules at ang mismong e.add ng pagpapadalhan ng sulatin. May deadline na agad. Pero gaya nga ng sabi ko na wala akong convincing power at mukha naman may tiwala saakin si ka-chicken eh pinatulan ko nadin ito at taas noo ko na sinabing "SASALI AKO!" Pero walang exclamation point ha. Pauso ko lang yan. Para deep.
Kaya para sa mga fans ko kung meron man. Antayin niyo ang magiging entry ko sa ano nga yun. Basta. Ipopost ko din yun dito sa K.B2 para naman may paglibangan kayo habang nasa banyo. At muli sa ating Ka-chiken na si Ms.Michella great. Salamat sa pagtitiwala. Pag nagkita tayo pengeng lima.
DEDICATED TO:MichellaGreat
TAKDANG ARALIN BLG.15
1.Bukod sa tinolang manok ano pa ang magandang luto sa talunang manok na panabong? ipaliwanag sa sarili.
2.Bukod kay michellaGreat sino pa ang sira ulong manghihikayat saakin na ako ay pogi at talented.
3.Makatarungan ba na lima lang ang hingin ko kay ka-chicken? Bakit hindi nalang Wan-payb?? Paki message si ka-chicken. Thanks. K.Bye.
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...