Naisip mo na ba ang panonoorin mong pelikula ngayong araw??
Sobrang panatiko ako ng mga pelikula kahit noon pa. Tagalog man o ingles. Pero yung mga pelikulang alam ko lang na makakapag pasaya o makaka kuha ng interes ko. Paano nga ba natin kinikilala o tatangkilikin ang pelikula?? Ok mga bata magiging film critic muna tayo ngayon at ang ating portion ngayon ay tatawagin nating "PELIKULA ALA TSAMBA"
NOTE: Ang mga taong sarado ang isipan sa opinyon ng iba ay maari ng isara ang binabasa, maghugas ng kamay, humiga at magtalukbong ng kumot upang hindi masira ang araw. Salamat.
"TITLE" syempre dapat titulo palang panalo na para kagatin ng masa. Oo nga pala mga bata labas muna ang foriegn movies sa usapin. Sa titulo palang dapat mapapa isip na ang mga manonood. Sa ganitong paraan maaring panoorin nila ito dahil sa pagkakaisip palang sa iyong pamagat. Syempre ulit dapat may kaunting misteryo. Yung tipong parang malalim at maraming kahulugan. Pa deep.
"GENRE" ano ba ang patok sa panahon ngayon? Dapat ay binabase mo din sa panahon ang iyong palabas. Ang mga nauuso ngayon ay ang tema ng pangangalunya o pakiki apid sa iba ang ganitong istorya ay tinatangkilik ng mamamyang pilipino ngayon. Masasapul mo din dito ang labstory, action at drama na alam naman nating gustong gusto ng mga pilipino. Maari din naman na Labstory/Horror na genre may bigat ng pagibig at pagkakatakot. Muli dapat pa deep.
"CAST" Ganun din sa tema. Dapat ang mga artista mo ay yung napapanahon. Sino ba ang mga patok at napapanahong mga artista ngayon?? Sina Anne curtis na bumida sa isang pelikula ng pakiki apid. Isama mo na si Heart evangelista na nobya ng isang senador, si ms.Christine reyes na kilala din sa mga role na pang love triangle. Angel locsin at Maja salvador na nagkaroon pa ng serye sa Telebisyon, di kaya ay ang mga sikat ngayon sa showbiz news na sila Kris aquino at Claudine baretto. Goodluck nga lang sa kanila. Sa lalake naman nandiyan sila Ace vergel at Jerick raval kung nais mong lagyan ng aksyon ang tema. Sa drama naman ay sila Piolo pascual at Derek ramsey na parehong bagay sa mga leading lady. Kung nais mo ng kaunting humor ay maari nadin sila Long mejia at Brod pete. Muli goodluck nga lang sa pelikula. Pero muli ulit kailangan mong isaalang alang ang magiging Chemistry ng iyong mga bida para sa tinatawag nating pa deep sa tema.
"Direktor" Sa direksyon palang ng pelikula o ang mismong pangalan palang ng direktor ay isa nadin sa batayan ng mga manonood. Nandiyan sa love story sina Olivia Lamasan, Joyce bernal at Luis guillen. Kung di ako nagkakamali sa pangatlong pangalan. Sa horror o mystery ay sina Lino brocca(buhay pa ba to?) at Chito(roño?,ronyo?,ronio?,ronnieo?) di kaya ang sikat na manunulat ng PARASITO na si Gaelisawesome.
(Yes.Pasok ang pag eendorse) Kailangan bagay ang lahat sa Role, Tema at Genre. Muli dapat ay pasok padin sa deep consept.
Kung kumpleto na ang lahat at handa ka na para ipalabas ang iyong obra kasama ng mga napili mong Artista, Direktor at Istorya maari mo ng palakarin ang iyong pelikula kung saan ka huhusgahan ng mga matatalinong matsing sa pagbubukas ng isang malaking pulang telon. Deep.
Oo nga pala bilang kasiyahan nadin kung ako mismo ang gagawa ng pelikula at lahat ng napag usapan ay susundin ko ang magiging resulta ay
Artista: Jun "Bayaw" Sabayton, Jessie mendiola at Jorge estregan.
Direktor: Gaelisawesome(Oh yeah!!)
Story plot: Magiging masalimoot ang umpisa na hahantong sa pag aagawan ng dalawang lalake sa babae na mauuwi sa barilan sa tulay ng tulyahan bridge at matatapos sa pagkakasundo nila na silang dalawa nalang ang magmahalan at matatapos ang istorya sa pagsasayaw nila sa isang beach habang umaawit ng Itaktak mo.
TITLE: Pa deep naman ng deep ko.
TAKDANG ARALIN BLG.14
1. Bigyan ng movie review ang pelikulang patikim ng pinya at ipa bookbind ito. Itago at Basahin makalipas ang first communion ng panganay mo.
2. Paano mo nasabing magaling ang Ideya ng author sa gagawin niyang pelikula? Pasinungalingan.
3. Bakit MMDA ang nangangasiwa ng MMFF at hindi ang BIR? Ipaliwanag sa isang manila paper at ipaskil sa pinaka malapit na public urinal.
(NOTE: Dahil sa pagka deep ng barbero ay nauna ng isulat ang ika labing apat na paksa kesa sa ika labing dalawa. Wag mag alala niluluto pa ng mabuti ang ilang sulatin. Salamat.)
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...