Re:Lihiyon

59 3 0
                                    

Relihiyon.

Gaano nga ba kahalaga sa isang tao ng relihiyon?

*Hingang malalim*

Para saakin eh napakahalaga ng relihiyon sa isang tao. Isa ito sa bumubuo at humuhubog sa isang tao kung gaano ka nga ba magiging isang mabuting kapwa sa sangkatauhan.

Maraming relihiyon ang naka rehistro sa buong mundo. Kinikilala man ito ng gobyerno o hindi eh maituturing parin itong paniniwala at sagrado.

Matagal ko na isinulat ito. Panahon pa ng kasagsagan ng pagsibol ng grupong ISIS. Kung di ako nagkakamali pebrero pa nakabinbin ang sulating ito.

May dahilan kaya siguro hindi ko pa ito natapos. Tinamad siguro ako o nawalan ng gana. Di ko na maalala. Pero gaya nga ng titulo sa itaas ang sulating ito ay para sa relihiyon.

Di pa tapos ang isyu sa ISIS na saklaw ng relihiyong Islam. Di lang ulit ako sigurado kung tama ba ang pinagsasabi ko.

Inatras ng pagkakataon ang isyu sa pilipinas para siguro gisingin ako at sabihing tapusin ko na ito.

INC o Iglesia ni Cristo. Itinatag ni Felix manalo. Kamakailan lang eh ginulat tayo ng isyu ng relihiyong ito. Nakaraang buwan ng magkagulo ang sangay at mga miyembro nito. Patungkol sa isyu ng pamilya at ilang bagay na di ako sigurado kaya hindi ko nalang babanggitin.

Noong nakaraang linggo lang ginulat ulit nila tayo. Sa balita pati nadin sa social media. Nagrally ang mga miyembro nito sa DOJ kasabay ng kaarawan ni De lima. Lumipat sila sa edsa sa harap ng rebulto ng Santa maria. Anong koneksyon? Di ko rin talaga maisip kung anong lohika kung bakit nasa Edsa ang mga iglesia.

Seperation of church to its state. Kinonsulta ko ang matalik na kaibigan para rito. Masyado kasing malalim para saakin ang salitang ito.

Separation of church and state as required by the First Amendment. The First Amendment not only allows citizens the freedom to practice any religion of their choice, but also prevents the government from officially recognizing or favoring any religion.
(Credits sa Google. Aylabyu fren)
.
.
.
Nagtapos ako ng elementarya sa eskwelahang pinamumunuan ng mga INC.

Hindi ito nakaapekto sa pinaniniwalaan ko.

Naka dalo na ko sa bible study ng Iglesia kung saan bumibisita sila sa bahay ng miyembro nito. Aaminin ko, sumama ako at nakinig para sa libreng pagkain pagkatapos nito.

Hindi ito naka apekto sa pinaniniwalaan ko.

May isang sangay ng pamilya ko ang miyembro nito at alam ito ng buong pamilya.

Hindi ito nakaapekto sa paniniwala ko.

Isa sa mga matatalik kong kaibigan ay miyembro ng Iglesia.

Hindi ito naka apekto sa paniniwala ko.

May sariling dahilan ang iglesia kung bakit sila nasa lansangan. kung ano man sila lang ang nakaka alam. Gaya nga ng lagi ko ng sinasabi sa mga sulatin ko.
Respeto. Respeto para sa paniniwala ng iba. Ng lahat.

At hindi ito kailanman makaka apekto sa pinaniniwalaan ko.

"Religion is never the problem; it's the people who use it to gain power."
-Julian Casablancas

Takdang aralin blg.19

1. *Bonus*

2. *Bonus*

3. Paki p.m ako ng may murang bisikleta diyan. Yung folding bike. Seryoso ako. *Grin*

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon