Shit happens...
Literal na dumi ng tao. Mabaho, Malambot, Malabsa, Makapit ang amoy na kung mamalasin ka sa tindi ng kapit eh magiging amoy mo nadin maghapon, magdamag.
Bakit mahirap banggitin ang tae sa madla gayong ang shit ay parang napaka natural nating sabihin sa pang araw-araw na buhay.
"Shit. si crush dumaan."
Translation: "Tae. si crush dumaan"Parehong salita na binanggit lang sa ibang lenggwahe. Ang labo talaga ng mundo. Kahit sa salita hindi kailanman naging patas para sa mga pilipino.
Maikli lang dapat to. Kita naman sa title eh. Pero kapag nababanggit at naidikit ang ibigsabihin ng tae sa salitang pilipino. Nagugulo na at lumalabas na ang ibig sabihin ng tae sa buhay.
Tae ng aso o pusa sa kalye. *Excuse me kung medyo naging partikular na ko sa bagay. Gusto ko lang talagang maging reasonable ang bawat kwentuhan* Tae sa kalye. Aso o pusa ang salarin madalas. Sagabal sa daan. Madalas na kainisan ng mga naglalakad sa kalye o kahit yung sa tapat lang ng bahay niyo may shining golden poops sa harap ng gate niyo. Shit diba? May isang iresponsable kasing nilalang ang nagpakawala ng alaga nila at hinayaang dumumi sa harapan ng townhall mo.
Tae sa banyo na hindi lumubog. Yung tipong taeng tae ka na din pero bigla kang may makikitang nilalang sa inidoro na naka lutang at binabati ka ng "Goodmorning asshole" Wala kang masisi dahil hindi mo alam kung sino ang salarin sa malagim na krimen ng di pagtiyak ng paglubog ng kaniyang halimaw sa tiyan at nagmamadali ka dahil umpisa na ng paborito mong teleserye.
Tae sa gobyerno na halos matagal ng sinusuka ng mga abang pilipino. Tae sa bayan na mas piniling manloko ng kapwa kesa magtrabaho ng patas. Tae sa lipunan na gumagawa ng masama para mabuhay. Tae ng buhay. Tae pala nasulat ko. Tao dapat yan.
"Tae... Minsan kadiri pero madalas ikaw."
-Tai mow vasahTakdang aralin blg. 24
1.Saan mahirap dumumi sa bote ng yakult o sa bote ng sopdrinks? Ipaliwanag in a British accent.
2.Mag ikot sa metro manila at mangalap ng tae sa daan. Gumawa ng thesis ukol dito.
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...