*DI-TIYAK*
Naidaldal ko nga pala sa unang kwentong barbero na mahina ako sa panitikang pilipino. Oo. halata naman diba? hindi ganoon kalalim ang kaalaman ko pagdating dito. kaya heto laglag ako pagdating sa sulatin at salitang atin.
Transgender, Bi, Silahis, chick-boy, tibo, beki, boyish, bakla, tomboy, Gay, Lesbian, third sex. Ilan lang yan sa tawag natin sa mga kapatid nating iba ang kasarian. Hindi ko na siguro kelangan pang ipaliwanag kung ano ang ibig kong sabihin.
Halos tanggap na sa panahon natin ngayon ang ganitong sitwasyon, may mangilan ngilan nalang siguro na nagtataas padin ng kilay at hindi pa sila maintindihan. Nakakasama natin sila sa araw-araw, sa trabaho sa sasakyan, sa kalye, sa paglalakad, sa buong pamayanan baka nga isa pa sa mga kamag anak mo ay kabilang sa kanila.
Hindi mo pwedeng itanggi na halos naimpluwensyahan nadin ang pang araw araw nating buhay ng mga idya nila. Halimbawa.
Jokes- maraming magagaling na baklang komedyante ang halos pinaiyak tayo sa tawa at ang ilan pa ngang mga linya nila ay ginagamit na natin bilang pampatawa o pang-aasar sa ilan.
Music- kamakailan lang eh isang pinay international singing sensation ang umaming siya ay isang lesbian na ikinagulat ng madla, napahanga tayo nito sa galing niya sa pag awit at halos sinabayan pa nga natin siya sa pagkanta ng kaniyang hits. Ano nalang yung kumanta ka din ng PAGDATING NG PANAHON.
Fashion- Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na halos lahat ng nasa likod ng fashion trend sa loob at labas ng bansa eh kabilang sa third sex. Baka yang damit na suot mo ngayon eh disenyo ni eloys.
Ang ilan nga sa kanila ay isa ding barbero gaya ko na umaayos ng buhok at itsura natin. Masasabi lang na malaki ang pakinabang natin sa kanila sa pang araw-araw.
Silang kinukutya at nilalait naten ang ilan sa mga dahilan kung bakit tayo umuusad sa buhay, sila ang ilang dahilan kaya tayo tumatawa at natutulog ng may ngiti sa mga labi. Gaya ng panitikan na minsan ay hindi natin maintindihan pero may magandang gamit sa salita. Respeto. Respeto sa kanila at sa mga gusto nilang gawin sa kanilang buhay.
TAKDANG ARALIN BLG.4
Piliin ang tamang sagot ayon sa ibigsabihin ng gay language.
1."PAGODA" na ang lola mo.
(A.Basag B.Pagod C.Gutom)
2."WALEY" na ang ubo ko.
(A.Sikat B.Wakas C.Wala)
3."GANDARA" ang itsura mo ngayon.
(A.Maganda B.Maasim C.Mabaho)
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...