Kakasali ko lang sa isang group sa FESBUK, grupo ng mga artist. Mga magagaling sa Pag-guhit, Pag-pinta, sa madaling salita, mga taong bihasa sa sining.
Nasabi ko sa Kwentong Barbero na mas madalas akong gumuhit kesa sumulat. Oo isa sa mga hilig ko ang mag drawing. Halos lahat ng kwaderno ko nung nag-aaral pa ako eh puro drawing ang laman. Mas marami pa sa notes. Defense Mechanism ko kasi ito sa antok kapag nagsimula ng mag Chant ang guro para magturo. Ngayon palang eh sasabihin ko na hindi ako magaling mag drawing. Ang mga ginuguhit ko lang ay ayon lang sa. dinidikta ng isip ko, gaya ng Cartoons, Anime, Bahay na mukhang tao, tao na mukhang puno, puno na mukhang bundok at hayop na mukhang tao.
Sa pag guhit rin ako nakaka kuha ng pailan ilang papuri bukod sa pagsusulat at kabalbalan. "BAKIT DI KA NAG FINE-ARTS?" yan ang madalas na tanong ng mga taeng nakaka kita saakin kapag nagdadrawing ako. Oo tae talaga yan. Madalas kapag nabuburyo ako sa buhay kung hindi mo ako makikitang nakahiga eh malamang nagddrawing ako. Nasubukan ko ng gumuhit sa papel, pader, kama, lamesa, armchair, scratch paper, papel ng pulboron, murals, palara ng sigarilyo, balat ng tao at papel na pera. Pero ang pinaka masarap na parte ng pag guhit? yung oras at panahon na lumipas at makikita mo padin yung mga sining na nilikha ng mga kamay mo. At pwedeng ipangbalot ng tinapa.
TRIVIA: Ang paborito nating Teenage mutant ninja turtles ay ipinangalan sa mga sikat na Artist ng nagdaang panahon.
Kaya nga ewan ko kung bakit ako napasali sa grupo ng mga Artist. Totoo namangha lang ako sa mga nakikita kong post nila sa araw-araw. Isa lang akong wanna be artist na nakikigulo.
Halimbawa. May magpopost ng mga tanong sa group kasama ng sketch.
"Ano po kaya ang magandang gamiting pang pantay ng skin?"
sasagot ako ng..
-"Papaya soap, pero yung iba nagpapa derma talaga."
"Saan po ba pwede gamitin ang brush, sa shading lang po ba?"
-"Pwede din yan sa buhok."
"Saan po kaya magandang mag sketch bukod sa oslo?"
-"Cocomban"
"Ano po ang ibigsabihin ng Fierce model?"
-"Yan ang tinatawag na Unang modelo, fierce model, pagtapos niyan sicond model tapos third and so on and so fort."
Hindi ako magugulat kung isang araw eh sipain nalang nila ko sa grupo dahil wala naman talaga akong naibibigay na tulong sa mga member nito.
Wala akong balak na maging picasso, donatello, michael angelo, raphael o leonardo. Ang tanging pangarap ko lang sa pag-guhit ay ang makapag pinta sa isang canvass. Yun lang solb na ko.
PAGSASANAY BLG.5
1.Ipaliwanag kung bakit kailangan padin mag maskara ng mga ninja turtles gayong sila lang naman ang mga malalaking pagong na nagsasalita sa lugar nila?
2.Bukod sa Onion paper ano pang papel ang pwedeng isahog sa sinigang?
3.Iguhit ang guro habang nagtuturo gamit ang ilong, ipakita sa mga kaklase at hingin ang opinyon nila sa ginuhit.
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...