May mga panahon na para ka lang talagang nasa mixing bowl kasama ng patatas, sibuyas, tsinelas, cucumber, patis, blade, papaya, pako, sinulid, tigyawat, sampalok, magic sarap at detergent powder.
Walang patutunguhan. Hinahalo ka lang basta, kasama ng ibat ibang sangkap na di naman akma sa gagawing putahe.
Anak ng kamote Q. Mabuti pa ang kamote at stick nagtatagpo eh. May bonus pang asukal na pula.
Ikaw? Sasakay ka ulit sa bus na punuan kasama ng iba pang sangkap na pilit ding hinahalo sa iba pa.
Papasok ka ulit sa trabaho kasama ng mga punyetang sangkap na pilit mong pakikisamahan.
Uuwi ka sa bahay na parang lantang gulay at mahihimlay sa paborito mong lugar sa mundo.
Nakawala ka sa mixing bowl pansamantala. Pero alam mong babalik ka ulit bukas para ulit makihalo sa kanila. Iikot ulit ang sandok na maghahalo sainyo sa mixing bowl. Mawawalan ka na naman ng kwentang mabuhay. Ikaw. Kasama nila.
.
.
.(Insert sad song)
Takdang aralin
BINABASA MO ANG
KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)
HumorSAPAGKAT KAHIT SINO MANG ANAK NG PONTIO PILATO, HARI MAN O PANGULO. YUYUKO KAPAG INUTOS NG BARBERO. MASAKIT BA SA BANGS? -Smugglaz The 2nd. Dos. Sequel. Part two. Trim. Ang ikalawang banat ng Barbero. Walang pero-pero. Lasapin mo ang mag asawang sam...