TAYA!!

210 5 3
                                    

Naidaldal ko nadin sa unang part ang libangan ko noong kabataan ko, maliban sa paghuli ng butete sa kanal at paguuwi ng ibat-ibang klase ng insekto sa bahay.

Sa kalsada o lansangan mo ako madalas makikita nung bata pa ako, tipikal na kabataan ng 90's era. Naglalaro, tumatakbo, nagpapa gulong-gulong, nagtutumbling ooopppsss... Teka. Itong tricks na ito talaga ang hindi ko naging kaya. Lalo na yung larong follow the leader na ang siste eh gagayahin mo yung tricks na tumbling na gagawin ng leader. Hindi ko talaga natutunan nung kabataan ko ang pag tumbling sa damuhan man o lupa, sa kama oo. Yung una ulo. Pero yung kahit simpleng cartwheel lang eh hindi ko talaga kaya. Ewan ko kung bakit hindi binigay yang skill na yan saakin.

Taguan!! Oo naman. Magmula sa Bang -sak at Taguan pung. Hindi ko nga lang alam kung magaling ba akong mag tago o magaling akong maghanap.

Takbuhan. Mataya-taya, Sili-sili, Black 123, Agawan base, Moro-moro, Bente uno, Ubusang lahi kung ano pa mang katawagan sa lahat ng laro na ginagamitan ng bilis sa pag takbo eh sa pagkaka alam ko naman eh nalaro ko. Syempre mawawala ba naman ang peyborit ng lahat na Sak sak puso tulo ang dugo?? Langit-lupa ladies and gentleman. GUMAYA SAKEN........ TANGA!!

Teks, Jolen, Trumpo, Sumpit, Goma, Tansan, Pogs, Tau-tauhan at kung anu-ano pa na pinapa ikot, tinitira, binabato, sino-shoot, pinapatalsik at pinapatama ang sa tingin ko eh isa sa masayang karanasan ko sa buhay. Tsub man o Tsa. Tagilid man o Tumba. Masarap padin tumaya ng pati pato at panabla.

Sharade, Titser-titseran, Bahay-bahayan, Luto-lutuan, Kampi-kampihan, Away-awayan at Bati-batian. Lahat ng larong inuulit at ginagamitan ng personalidad at talino ay hindi din namin pinatawad nung bata kami.

Nakakalungkot lang na halos bakante na ang kalsada para sa mga batang nagteten-twenty at jumping rope.

Napalitan na ng mga kalat at tuyong dahon ang mga bata na nag pipiko at masayang sumisigaw ng "STEP??? NO!!.

Kamakailan lang eh isang nakakalungkot na balita ang napanood ko sa t.v na isang onse anyos na bata ang pinatay ng dahil sa larong dota ng kaniyang kalaro. Isang seryosong usapin na nakaka kilabot isipin na isang bata ang pumatay ng kaniyang kalaro.

Fan din naman ako ng computer games noong kabataan ko. Nintendo, famicom, sega, playstation, pc games, dreamcast, gameboy at brick game. Pero kailanman hindi ko nagawang saktan ang kalaro ko ng dahil sa naubos niya ang pokemon ko o nataasan niya ang score ko sa street Fighter.

Nakaka miss padin ang mga pagsigaw ng "TAYA!!, BOOM!TOKTOK MANI WALANG MAY ARI!! at ayawan

Masasabi ko na masarap padin makipag trash talkan sa kalsada habang nakikipag hagaran taya sa mga kaibigan na hindi nangangailangan ng MANA at HP.

TAKDANG ARALIN BLG.11

1.Maglaro mag isa ng sawsaw suka, i-video ang sarili at ipost sa facebook.

2.Maglaro ng posporo at ipakita sa magulang, ihanda ang sarili sa sermon.

3.Ano sa tatlo ang sa tingin mo ang masarap laruin nung bata ka.

(Agawan Blade)

(Habulang gahasa)

(Batuhang ta*)

KWENTONG BARBERO 2(gupit binata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon