HM09

8.3K 317 59
                                    

Sylvia's POV

Ipagdikit ko ang dalawang kamay ko dahil nilalamig na ako dito sa library kakahintay sa dalawa hangang sa bigla nalang may naglapag ng caramel chocolate bar sa mesa at may umupo sa tabi ko.

Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ito. What is she doing here? Parang close pa kami dahil sa ginawa niya, mukang nag tataka pa ang iba kung ano ginagawa ko kasama siya since it's rare na meron itong kasama bukod sa SGA.

"Don't ask, I've been hearing your tummy in the other table and it's distracting my peace."

Nahihiyang tinanggap ko naman yun, it's true I didn't have a breakfast kasi kanina dahil sa pagmamadaling pumasok. And I'm currently living in my own condo right now, umalis ako nung madaling araw matapos mangyare iyon.

"I was there at the party." Dinig kong sabi niya habang sinisimulan kong kagatan yung chocolate.

"Katulad ka rin ba niya na sasabihin mong mali ko?" I sarcastically asked.

Umiling siya. "I heard what they said to Miss Salvador, therefore I can guarantee you that I'm on your side. However, I think I heard something that I shouldn't have. She's your fiancée pala." Hininaan niya ang boses niya pag dating sa dulo. Mukang nakuha naman niya na hindi namin pwedeng ipagsabi ang tunay na lagay namin.

"Ex-fiancée." I corrected her.

Hindi pa naman namin kinakausap ang parents namin, pero for sure meron na siyang ginawa dahil hindi narin siya nagparamdam sakin, ni hindi ko nga siya nakikita bukod lang sa klase.

Pero ang sarap ng binigay ng katabi ko ah, ang bilis ko makakalahati. Nagulat pa ako nang maglapag pa ito ng isa habang nagbabasa ng libro kaya masaya kong tinanggap yun ulit. Syempre masaya pag libre.

"She's too hardheaded, she should have listened to you. I guess you guys broke up because of what happened at that party, I'm also fascinated to know that you're related to Silver." Talking about my sister.

Well, hindi na ako nagulat kung kilala niya rin ang kapatid ko. Since she's all over been in social media and news.

"Wala namang kami." Malumanay kong sambit.

"Then what?" Nagsalubong ang kilay niya. "Typical mutual understanding shits, and talking stage era but still being clingy at each other as fuck?"

Ang pasmado naman ng bibig nito. Kala mo walang naging jowa o kalandiang taglay sa katawan pero mukang tama ako dahil namumula bigla ang pisngi nito nang magkatitigan kami at parang jinu-judge ko talaga siya sa mga tingin ko. Mukang nakuha niya naman ang nasa isip ko, not bad for a child prodigy she can be able to understand quickly.

"Arrange marriage lang. We already knew each other before but we met again because of that set up. You know, business."

Tumango siya at inilagay ang kamay sa mesa at pinagsiklop ito. "So, you're here because you run away from her?"

Feeling close na to ah, akala ko ba galit ito sakin dahil sa pag lalandi ko sa kaibigan niya. Ngayon naman kala mo close kami. Secretary na marites nga naman oh, sabagay sumali kaya ako sa SGA. Balita ko kapag member ka doon madaming chismis na dumadating from every department and faculty.

"Parang nung nakaraan lang gusto mo na ako patayin tas ngayon parang concern ka jan." Umirap ako.

Tumawa naman siya habang napapailing, she then both raised her hand on the air. "I admit, it was wrong for me to judge you early. But when I saw what you did on that event, it struck me that you're entirely different from what they have perceived about you."

I already knew about it anyway. Na para sa iba isa lang akong hamak na babae na kung sino sino kinakama, but it's not like I'm doing it for fun or dahil bored lang ako, o di kaya malandi lang talaga ako. People who aren't sexually active can't comprehend it or hindi lang nila matanggap dahil meron silang ibang kasabihan sa mga ganitong bagay.

Hate Me Until You Can't [PSLU #4] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon