HM15

9.3K 315 39
                                    

Sylvia's POV

"Are you sure that this is edible and masarap?" Maarteng tanong ni Elise.

Nandito siya kasama ang ibang professors nakabalik na pala ito after niya umalis kanina, napasinghap pa ang iba dahil sa inasal niya sakin. Miss Veronica even bump her a little using her elbow pero hindi naputol ang titig niya sakin kaya ganoon din ako.

"Actually, hindi ma'am, pero try mo yang kutsara at platito tutal mas mukang edible yan, at malasa." Sarkastikong komento ko pabalik sakanya.

Iling-iling na tumawa ang mga professors. They visited our Cafe dahil nalaman daw nilang pinaguusapan ito ng mga istudyante. The broadcasting organization din kasi keeps on announcing the top stations na nangunguna.

Kaya lalong dumarami ang mga customers. Even outsiders were welcome to enter the university kaya mas madaming guards din ang nagkalat para magbantay. If I'm not mistaken some of them are from the agency na pagmamay-ari ni Miss Venice.

"Ano ba yan Ma'am Elise. Bakit mo naman ginaganyan ang istudyante mo? Magkapatid ba kayo? Mukhang close kayo masyado ha." Pang aasar ng isa sa kasama nila.

Elise rolled her eyes. "Yes, very close. Right, Miss Acozta?"

"Oo naman, sa sobrang close nga natin ay hinihiling kong hindi ka mabulunan o hindi ma-poison sa ginawa naming cake. Ang alam ko kasi ang mga ganyang pagkain ay pawang sa mababait na nilalang lamang, ikaw kasi ma'am ay mukang binabalutan na ng masamang ispirito."

She mouthed, 'I hate you'.

But I replied back with a sarcastic manner in my face, 'I like you too'.

Napahalaklak ako nang bigla itong namula. Her friends still haven't catch her redness cheeks. But I know they are staring on what I'm currently wearing, which made me feel a bit awkward. Hindi ko pa ito tinatanggal, I forgot about it since I was too occupied.

Kinuha ko naman ang ibang order nila kasama na yung kay Miss Veronica, pagkabalik ko sa table nila ay masuyo ko itong inilapag sa bawat harapan nila. I politely bow my head as my way of saying thank you.

"Why do I smell favoritism? Why sakanila you're being too nice and kind? Pag sakin labag sa loob mong pagsilbihan ako? Where's my rights as one of your customers ha?"

Nagpakawala ako ng malamim na paghinga. Relax Sylvia, nasa university kayo at nasa harapan mo ang ibang istudyante at professors. Isa lamang yang chanak na muling sinusukat ang iyong pasensya.

I smiled teasingly before responding, her eyebrow arch, and she slightly tilted her head like a kid waiting for my answer. Okay I admit, she's a little bit cute sa ginawa niya.

"Don't worry, Karen. I will be nice and kind to you starting from now on, like that cake- with more sweetness coming from my mouth, and frosting on top, a little sprinkler of my love and care, and a bite of strawberry using a piece of my heart." Tuloy tuloy kong sambit, kumunot lalo ang noo niya. "Baka you also want my tongue, ma'am?"

Halos mabilaukan ang mga kasama niya sa sinabi ko pati si Miss Veronica napatigil sa pagsubo hangang sa tumawa ito ng malakas. Saka siya napatakip ng bibig nang mapansin niyang napatingin ang lahat sakanya. Pati mga mga kakaklase ko napatigil sa ginagawa. Umawang naman ang labi ni Elise na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko nang ma-realize niya kung anong ibig sabihin nito.

This might be the first time that they saw Miss Veronica this happy where in siya naman kasi ang poker face sakanila bukod sa pinsan niya. Hindi naman ito bago sa paningin ko kasi lagi ko naman nakikita itong nakangiti pag kasama si Portia.

Hate Me Until You Can't [PSLU #4] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon