Sylvia's POV
"Any more questions?" Tanong ni Elise sa buong klase.
Walang nagtangka na magtaas ng kamay dahil masyadong natatakot ang bawat isa samin na kahit pati pag hinga namin ay sapilitan pa naming ginagawa ngayon upang pigilan para hindi niya kami marinig. Paano kasi, pagpasok niya kanina ay naabutan niyang naglalaro ang mga kakaklase naming lalake yung bola na gawa sa gamit na papel. Ginawa nilang parang basketball yun kaya nagpasa-pasahan sila.
At saktong lumanding yun mismo sa mukha ni Elise pagpasok niya kaya damay kaming lahat. At syempre makapal din ang mukha ko ngayon dahil medyo close na kami. Lalo na yung nangyare sa gabi na yun.
I raised my hand to catch her attention. Labag man sa loob niya pero tinawag niya parin ang pangalan ko dahil ako lang ang tanging nag taas ng kamay. Not even Zianna or Portia dared to swallow their confidence. I bit my lower lips to restrain myself from smiling.
"So, bakit kailangan ma'am pag-aralan ang X kung past naman na? Hindi ba dapat hindi na hanapin ang mga bagay na hindi na binabalikan?" Walang kwentang tanong ko. A small smile curved upon my lips na imbis na matuwa siya ay sinamaan niya ako ng tingin.
Nakarinig pa ako ng hagikgik sa mga kakaklase ko na pati sila Portia ay biglang napayuko para magpigil.
Buntong hininga siyang nagpipigil ng inis. "How is it relevant to our discussion, Miss Acozta?"
"Hmm, kasi may X na nakalagay sa white board so I assumed that it somehow connected?" I don't even know if I'm making sense o gusto ko lang talaga siyang pagtripan.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan at napalunok nang biglang kumurba sa labi niya ang pag ngiti. Ipinatong niya pa ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng mesa at kita parin dito na naka crossed legs siya as if she's interrogating me.
"How would you know the value of X if you're not going to go through the formulas that was used to indicate and solve the entire equation? A value that is not yet known... that's how we describe it, Miss Acozta. Unless you want to leave it behind just like what you did with your ex."
Tila nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nakarinig ako ng ingay sa mga kakaklase ko na para bang gustong palakpakan na si Elise. Pero syempre hindi ako papatalo sakanya kaya nakaisip agad ako ng kalokohan na pwedeng ipang bato sakanya. Kung akala niya ay madadala niya ako sa smart ass niya, pwes hindi ako titibag.
I smiled to tease her more and formed a smirked on my lips. "Calculator, ayun ang gagamitin ma'am para malaman ang value ng X."
Ang ending imbis na sagutin niya ako pabalik ay napapikit siya ng mariin para pakalmahin ang sarili at tuluyan akong pinalabas. At kanina ko pa yun hinihiling kaya naglakad ako ng matiwasay papuntang cafeteria. I was even whistling comfortably, ewan ko ba mas lalong gusto ko siyang asarin dahil may pilit din akong iniiwasan na maramdaman.
This might be some kind of human error, ayaw kong maramdaman na para bang nabigla lang ako sa sitwasyon namin nung gabi na yun.
Na baka nadala lang din ako sa bukso ng damdamin na tinatawag nila. I just can't conclude things easily without investigating my own self- knowing that I never felt like this before.
"Is it true?" Karma took the sit in front of me and placed her foods above the table.
I swallowed the liquid form that came from my drink. "Ang alin?"
"That you were once an orphan." Napatigil ako sa pag inom at madiin siyang tinignan.
"You were there, why are you even asking?" Asik ko pabalik sakanya.
BINABASA MO ANG
Hate Me Until You Can't [PSLU #4] [GL]
Romance[A story of Sylvia Celeste Acozta.] #4 The broken part of not being able to hold on like you used to is the signal of your relationship slowly fading away as well as your feelings. But how can you be able to survive the unrequited love? How long wil...