HM10

9.1K 316 70
                                    

Sylvia's POV

Mabibigat ang paghinga ko nang mailapag ko na ng maayos si Elise sa kama niya, at halos masapo ko nalang ang noo ko nang pumasok siya sa Cafe na ganito ang itsura.

She was dead drunk mapupula pa ang pisngi nito at disheveled ang buhok, bago pa siya sumalampak sa sahig ay mabuti nalang nabitawan ko agad si Sage at nasalo siya kundi sapul talaga ulo niya sa sahig. I thought her anger eyes was meant for me, hindi rin naman ako kasi magu-guilty if ever nakita niya nga ginawa ni Sage. After all, I did nothing wrong. It was a closure that we both needed, anyway.

Ayun pala ay mukang father niya nanaman ang dahilan kung bakit may namumuong galit sa mga mata niya, she kept on mumbling words habang karga ko siya. Maybe she went to see him before getting into this state. My instinct says that they both got into a heated argument again. Minsan narin kasi sila nag away sa mismong harapan ko.

"Ganda mo sana kaso judgmental ka." Mahinang bulong ko habang sinisimulan punusan ang mukha niya gamit ang bimpo.

I also needed to change her top clothes without looking, hindi ko nalang dinamay yung pang ibaba dahil baka masampal na ako nito. I still have this much respect on her even if she can't do the same with me. And maybe, I also have a glimpse on what she had doing for the past few days, baka inaayos nanaman niya ang kompanya nila dito sa pinas at ang kompanya niya sa Australia.

Minsan narin ako naaawa sakanya dahil parang wala narin siyang pakealam sa sarili niya basta maayos lang ang problema. She's too workaholic, she can't even rest even for an hour. Kahit gabi ay nasa meeting ito or may tinatawagan tungkol sa trabaho.

A businesswoman, professor, and architect. Three in one.

"Mabulunan sana at makatapak ng tae yang tatay mo at yung kay Regina. Parehas problematic, kala mo naman kinaka-tatay nila pagiging protective kuno sainyo." They always use it-is-for-your-own-good-method, the patriarchy at his finest. It needs to be upgraded, and fix.

Pagkatapos ko siya bihisan at punasan ay saka ako nag tungo sa kwarto ko para mag bihis. Hindi naman ako kumuha ng damit dito kaya nandito pa ang mga gamit ko since I have separate clothes on my own condo. After I did my routine ay saka narin ako nakatulog agad, everything feels so heavy that I didn't even notice I fell asleep quickly...

Bago ako lumabas para mag breakfast ay naligo muna ako at nag ayos, I immediately notice that there was a food in the dining area kaya agad akong lumapit doon dahil natakam ako bigla sa amoy. Hindi man halata pero marunong siya magluto, though sabi niya lately lang siya nag take ng class. Then I noticed a note beside it and when I grab to read it, my brows furrowed with so much confusion.

"Ano to? I didn't sign up for this." Bulong ko sa sarili habang pinipilit iniintindi ang nakalagay.

9 13 19 15 18 18 25

Is this some kind of sequence? Mahilig ako magbasa ng mga detective stuff pero hindi ako magaling mag decode ng mga ganitong bagay. Ano ba to, umagang umaga puro numbers agad. Inilagay ko nalang yun sa bulsa saka kumain at nang matapos ako hinugasan ko lang iyon at dumeretso narin ako sa school dahil malapit nanaman ako malate.

Ito problema sakin eh, ang lapit lapit na nga ng university sa condo pero ako itong laging late. Nang matapos akong iparada ang motorbike ay nakita ko pang nakasandal si Zianna sa kotse niya at nakapalmulsa na naka suot nanaman ng hoodie.

"I've been waiting for you." She made a pop sound with her lollipop. "The bitch has been trying to find you for 30 minutes, she said that there's someone is waiting for you at the SGA Office, and Portia is already there."

Kumunot naman ang noo ko, sinong bitch? Si Karma? 

"Sino naman nag hihintay sakin? Tsaka bati na pala kayo ni Karma? Ikaw ah." Pangaasar ko na ikinaikot ng mata niya. 

Hate Me Until You Can't [PSLU #4] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon