Chapter 6 - Melon Bread
FRES EVANGELIQUE
Maraming bagay sa mundo na hindi mo mabibili o mapapalitan gamit ang kayamanan o pera. Katulad ng kasiyahan, oras, pagmamahal, at tiwala. Lalo na ang buhay.
Kapag may buhay na nawala, hindi mo na iyon maibabalik pa. Kapag nasira na ang tiwala, maraming panahon pa ang igugugol mo para lang maibalik ito. Kapag nawala naman na ang pagmamahal, walang kasiguraduhan ba kung talagang wala na ito o kung babalik pa ito. Sa kasiyahan naman, well, mabilis naman itong nawawala at napapalitan ng sakit. Pain demands to be felt, ika nga.
So, ano ba ang ipinaglalaban ko? Ano nga ba ang ipinaglalaban ko at daig ko pa si Madam Bertud kung maka-hugot?
Simple lang naman.
Ipinaglalaban ko lang naman ang melon bread KO na bigla nalang nawala na parang bula!
Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng pinakamamahal kong melon bread! At sa oras na malaman ko kung sino siya, I WILL KILL HIM AND TAKE OUT ALL HIS INTERNAL ORGANS!
Tapos gagawin kong "organ bread". Tss.
"Princess, bibilhan nalang ulit kita ng melon bread, so stop making a fuss about your lost bread, okay?" medyo naiinis na sabi sakin ni Daddy.
Eh paano kasi, pagkatapos ng 20th round, yung binili kong melon bread, biglang nawala! And yeah, I threw a tantrum. Eh kasi naman...
"Ate, sure kang wala na kayong natitira pang melon bread?" Halos mangiyak-ngiyak na tanong ko kay Ateng nagtitinda ng melon bread. Noooo! This can't be! Canteen, why you do this to me?! Huhuhu!
"Pasensya na, hija, wala na talaga eh." sabi ni Ate.
Nakasimangot nalang tuloy akong naglakad pabalik kina Dad. Kaasar! Minsan na nga lang ulit ako makakakain ng melon bread, tapos... Tapos... Argh!
"Ouch." daing ko nang may makabunggo ako. Pansin ko lang, lately ang daming bumubunggo sakin ah?! Like duh, hindi naman ako poste na pwedeng-pwedeng banggain ah?! Tss. These freaks...
At dahil badtrip ako, kinwelyo ko yung walangyang bumangga sakin at sinamaan ng tingin, "SINO KA BA SA INAAKALA MO PARA HUMARANG SA DINARAANAN KO?! PESTE NA YAN!" sigaw ko sa kanya.
Lalaki pala yung nakabangga ko. Infairness, gwapo siya ah. At maamo siyang tignan despite sa maangas niyang porma. Mala-bad boy kasi ang porma't itsura niya.
Kalmado niya lang akong tinignan at ngumiti. Aba eh loko pala 'tong lalaking 'to eh! Lalong uminit ang dugo ko sa kanya. Sisigawan ko na sana ulit siya nang may bigla siyang hinarang sa mukha ko.
Eh a-ano 'to...?
Nagningning naman ang mga mata ko nang maalaman kong MELON BREAD pala yun! Uwaaaa!
"Hehe. Peace na tayo, Fres. Oh eto, sayo nalang itong melon bread ko. Wala pa 'yang bawas ah!" Lumapad ang ngiti niya habang ako nakatingin lang sa hawak niyang melon bread. "Sorry nga pala. Hehe. Di kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko."
"U-uhm ano, hindi! Okay lang! Hindi rin naman ako tumitingin sa dinaraanan ko kanina eh! Salamat nga pala dito sa melon bread ah? HAHAHAHA! Thanks." Yung totoo, para akong baliw. Tss. Yung melon bread kasi...
"Ako nga pala si Hanj Quieño." nakangiti niyang pagpapakilala habang inaabot sakin yung melon bread. Quieño? Hmm. Familiar.
"Nice to meet you! Ako nga pala si Fres Hanzelle." Todo-ngiti ko sabay kuha nung melon bread. Baka mamaya kasi bawiin niya pa eh. Tss.
"I know. You're the Fres I idolized and loved." tapos nginitian niya na naman ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Basta ang alam ko lang, ang... ang puso ko... Ang lakas tumibok! At namumula pa yata ako. Ugh.
Then he patted my head which made my heart beat louder. Shit naman. Puso, manahimik ka nga! Baka marinig ka ni Hanj!
"I have to go." kinindatan niya ako. "See you later, Fres." paalam niya at nilagpasan ako.
"B-bye... Hanj..." Shiiiit! Bakit ba ako nauutal?! This is so not normal!
At ayun na nga. So kung titignan, parang may sentimental value na sakin yung melon bread (paki-upakan na nga ako. Tss. Sentimental-sentimental value pa akong nalalaman e).
At kaya pala familiar ang surname niya na Quieño, siya pala kasi yung lumaban kanina (4th round). Wahaha! I'm so mean, nakalimutan ko siya. Tss. Whatever, lol.
"Princess?" Nag-aalalang tawag sakin ni Daddy. Tinignan ko lang siya at inirapan. Hmp. Tampo ako sa kanya. Nainis siya sakin kanina eh. Psh.
"Princess, I'm sorry. Daddy is sorry na oh. Can you forgive me? Pleaseee?" panlalambing ni Daddy. Yinakap niya pa ako mula sa likod at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. Hayy. Lumambot ang puso ko.. Pero NO! Hangga't di ko nakukuha ang gusto ko, hindi ako bibigay kay Daddy!
"Apology..." Ngumisi ako. "Not accepted."
"ANOOO?! Princess naman eh.." Nagpout si Daddy. Pinigilan ko namang matawa. Minsan talaga hindi ko alam kung sino samin dito ang magulang o anak eh. Pfft.
"I'll forgive you, Daddy~! In one condition!" nginitian ko naman siya nang pagkatamis-tamis.
"I-I'll do it! Para sa princess ko." Kinilig naman ako dun. Hehe! Now I know kung bakit na-fall si Mommy kay Daddy.
Napangiti naman ako nang malapad nang marinig ko ang sagot ni Daddy. Pinaupo ko muna sa tabi ko si Daddy. Lumapit ako kay Daddy at binulong sa kanya ang kundisyon ko.
***
LERO HANZELLE
"Itutuloy pa raw ba yung games?" tanong sakin ni Adi. Hala ka. Nagtataka na ata yung mga tao. Hanggang ngayon kasi, di pa kami nagreresume. Eh hinihintay lang naman namin ang sign ni Tito eh.
Napatingin ako sa direksyon nila at nakita ko ang nakakakilabot, nakakapanindig-balahibo, at nakakatakot na ngiti ng pinsan kong si Fres habang may binubulong kay Tito. Ang mga ngiting yun... Shet. Panigurado... May masama nanaman siyang binabalak. Tsk tsk tsk.
At... Eto na nga.
Seryosong tumayo si Tito mula sa kinauupuan nilang dalawa ni Fres at lumapit samin. Napalunok ako. Mukhang... Ugh.
"Cancel the next battles. We'll proceed to the 2nd phase of the Grand Pursuit Games." seryoso niyang utos.
"A-ano naman po yun?" tanong ni Adi.
"The second phase of the Grand Pursuit Games will be called..
Hunt In The City."
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
General FictionUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...