TRIGGER WARNING: THIS CHAPTER HAS SELF-HARM CONTENT (read at your own risk)
Chapter 30 - Geo Lestrange
THIRD PERSON POV
Matapos bitiwan ni Pin ang mga katagang iyon ay kinindatan niya si Fres at iniwan itong nakatingin sa kawalan.
Sa kanyang paglabas sa dining area ay nakasalubong niya si Geo. Isa ito sa mga nagustuhan niya ang ugali dahil napakagalang at napakamapagpakumbaba nito–bagay sa personality ni Pin na isang hambog na lalake na hobby na ang palakihin ang ego. Kaya kahit pa alam niyang kalaban niya ito, nginitian niya ito at binati, "Yo, Geo!"
Hindi niya naman inaasahan ang ginawa ni Geo: nilampasan lang siya ng lalake matapos sadyaing bungguin siya nito sa balikat.
Anong problema no'n?!, inis na sabi ni Pin sa kanyang sarili. Sa sobrang pagka-irita niya ay nilingon niya ito, napatalon siya nang kaunti sa gulat dahil nakatingin pala ito sa kanya.
Geo's eyes were dark and piercing.
"Don't be so cocky. Sa akin mapupunta si Fres, so fuck off, you lowly creature."
Sa sobrang pagkabigla sa sinabi ni Geo ay hindi na naka-rebutt si Pin. He just stared at Geo entering where he exited.
Nabalik lang siya sa ulirat nang dumating na ang mga tauhan ni King Train para sunduin siya at dalhin sa lugar kung nasaan ang mga kasama niya.
Kahit nag-aalala para kay Fres dahil sa sudden change in attitude ni Geo, wala siyang nagawa kundi sumama sa mga tauhan ni King.
"Mag-iingat ka palagi, Evatot."
***
Nahanap ni Geo si Fres sa living room. Nakaupo lamang ito at tila ba malalim ang iniisip. Nang umupo si Geo sa tabi niya ay saka lamang siya nito napansin.
"Hi po." bati nito sa dalaga.
Fres smiled too quickly and went back to her train of thoughts. Halatang napaka-importante ng iniisip nito at ayaw magpa-istorbo. Geo felt intrigued.
"Ano pong iniisip mo? May problema ka po ba?" tanong ni Geo at pilit kinukuha ang atensyon nito.
"Uh... Wala naman, Geo. I just want to be left alone for now... kung okay lang sa'yo." wala sa wisyong wika ni Fres nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang binata.
"Oh... okay po." Geo stood up to leave. Wala pa ring pake si Fres at nakatulala lang sa pader.
Feeling irritated dahil hindi siya pinapansin ng dalaga, Geo just clenched his fists and went out of the room.
Nang mapag-isa na, Fres sighed. Hindi niya alam bakit ang laki ng epekto ng sinabi at ginawa ni Pin sa kanya. May parte sa kanya na nagsisisi dahil ilang araw niyang pinagtaguan ito kaysa pag-usapan ang mga napag-usapan nila.
Posible bang mahal ko si Pin? Sa paraan ng pagmamahal ko kay Chain noon?
Napailing ang dalaga. It's too early to say.
Sa kabilang banda, kararating lang ni Geo sa kusina. Nanginginig pa rin siya dahil sa iritasyong naramdaman sa pambabalewala sa kanya ni Fres.
Ito ang pinaka-ayaw niya—ang mabalewala.
Mula bata pa lamang siya ay lagi siyang nai-echapuwera sa kanyang pamilya. Ito ay sa kadahilanang may labing-isang nakatatandang kapatid siya. Bukod sa siya ang bunso ng pamilya, they say there's nothing really special about him.
Average. He hated the word because to him, it's meaningless—insignificant, even. Walang ambag sa buhay ng kahit na sino, lalo na sa buhay ng isang tulad niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/30328349-288-k461518.jpg)
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
Ficción GeneralUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...