Chapter 4 - Round One
FRES EVANGELIQUE
Makalipas ang limang minuto mula nang sabihin yun ni Daddy, wala pa ring ni isa sa kanila ang umaatake. Well, I think nagmomoment sila or naghahanap ng tiyempo. Good thing, actually. Hindi naman kasi pwedeng sugod ka lang ng sugod sa gera. Dahil gaano kalakas pa man yang sandata mo, matatalo at matatalo ka rin kung di mo naman gagamitin ang utak mo. Being reckless is a NO-NO for a gangster.
Lahat naman kami ay nagulat nang biglang umatake si Jocco. Habang tumatakbo siya ay may inilabas siyang weapon.
"Tss. His weapon is lame." komento ko. Sawa na ako, lagi ganyan ang ginagamit nilang weapon. Napansin ko namang napatingin sakin si Daddy.
"Don't judge a warrior by his weapon, princess." Daddy reminded me.
"I know, I know." nagfocus nalang ulit ako sa laban.
Inatake ni Jocco gamit ang kanyang espada si Miiko na naka-ninja pose lang dun na parang tanga, his eyes still covered by that bandana.
Seriously. What is this Miiko thinking?
Jocco thrusted his sword at nagulat naman kaming lahat nang hawakan lang ni Miiko yung tip ng sword gamit ang kanyang index finger. It seems like he knew that Jocco was just trying to scare him off and won't really slash him with that sword. Way to go, Jocco. I think you just underestimated your opponent. Big NO-NO rin as a gangster.
"Na-uh-uh." pokerface na wika ni Miiko. At dahil hindi pa nakakarecover mula sa pagkagulat si Jocco ay kinuha ni Miiko ang pagkakataon na yun para atakihin siya.
May kinuha siyang weapon mula sa bulsa niya at laking gulat namin nang makita naming slingshot pala yun. Umusad ako paabante ng konti sa pagkakaupo. This ought to be exciting.
Pero bago pa niya matira at maatake si Jocco ay bumalik na ito sa wisyo at mukhang seryoso na siya dahil sa ekspresyon sa mukha niya.
Nakatitig lang ako kay Miiko dahil I want to know what his next move will be. Tsk. Bakit ko ba kasi siya in-underestimate? Kainis!
Kamuntikan naman akong mahulog sa inuupuan ko nang biglang tinanggal niya ang kanyang bandana at tumingin sakin. Those brown orbs bore through mine. Shit! Bakit ba ang creepy ng taong 'to?
Napalunok naman ako nang bigla niya akong ngitian. Bakit ganun...
BAKIT ANG PUTI NG NGIPIN NIYA?!
"Princess?"
Ano kayang toothpaste ang gamit nito?
"Princess!"
"Ay, toothpaste!" gulat na bulalas ko. Pa'no ba naman, biglang binatukan ako ni Daddy!
"Kanina pa kita tinatawag." pokerface na sabi ni Daddy.
"Bakit ba? Ouch." tanong ko habang hinihimas yung parte ng ulo ko na binatukan niya. Ang sakit! Shet!
"Tapos na ang laban." sabi niya na ikinagulat ko.
"What?!"
"Yep. Si Miiko Castillo ang nanalo." (Daddy)
"Nooooooo!" (Ako)
"Eh?" (Daddy)
Inuntog ko nang paulit-ulit ang noo ko sa arm rest ng upuan ko. Inis! Dahil sa pesteng ngiti na yun, nadistract ako! Sisiguraduhin ko talagang malalaman ko kung anong toothpaste ang gamit niya! Asar!
"Hey, princess. Stop that!" utos ni Daddy. Tumigil naman ako at hinimas ang noo ko. Err.. Bakit ko ba ginawa yun? Ang sakit na tuloy ng ulo ko.
"Wha... How did that Miiko won?" tanong ko kay Daddy habang kinukuha yung binibigay sakin na ice cube ni Adi. Si Lero naman, nag-announce na short break daw muna. Kita niyo na? Wala silang kwentang announcers kasi hindi naman nila ina-announce kung ano yung mga atake kapag naglalabanan.
"He gave that Jocco guy a direct hit on his mouth using that slingshot of his." paliwanag ni Daddy.
Napanganga naman ako sa narinig ko. Natalo si Jocco dahil nabilaukan siya?! Eh. Bwisit pala 'tong si Miiko eh, laughtrip na nga yung suot niya, pati ba naman yung pagpapatumba niya ng kalaban niya, nakakatawa?! Balak ba niyang maging clown?! Bwisit! Sana ginawa nalang niyang brutal ang pagpapatumba sa Jocco na yun.
"Princess. Let's take a break, too?" suhestiyon ni Daddy.
"Yeah... okay." sagot ko, calming down.
***
"Yo, KC! Andito rin pala kayo!" masayang wika ni Daddy kay Master na nakasalubong namin sa dining hall na located sa ilalim ng battle arena.
"Lead Train," sambit ni Master. "Hello."
Napatingin naman ako sa mga kasama niya. Whoa! Andito rin pala sila kuya Hel!
"Hello, mga kuya!" nakangiting bati ko. Namiss ko sila! It's been a long time since the last time I saw them. Masyado yata silang nag-eenjoy sa isla namin. Most of the time, sina Master and his right hand, kuya Ran, lang ang nakikita kong pumupunta rito.
"Yo, Fres!" (Jarren)
"Baby Fres, you've grown!" (L.A)
"Malamang, pre. Alangan namang "you've shortened", diba?" (Sven)
"Ha-ha-ha. Dami kong tawa. Mga lima." (L.A)
"Sira. Tatlo kaya yun! Balik ka ng nursery, pre!" (Sven)
"Mga siraulo." (Hel)
Pfft. Nakakatuwa talaga silang panoorin!
"Tss. Fools." (Trojan)
"Hahahaha! Fres, wag ka tutulad sa kanila ah? Baka maging 'siraulo' at 'fool' ka. Hahaha!" (Lewis)
"Kamusta ka na, Fres?" (Trevan)
"Okay lang naman!" sagot ko. Napatingin naman ako kay Kuya Arion na patuloy lang sa pagkain ng bread crumbs. He just smiled at me.
"Gumanda ka lalo ah." (Kit)
"Tigil-tigilan mo ang anak ko, Kit. Alam mo namang naghahanap na ako ng asawa para dito." (Daddy)
"Tito naman... Hahaha!" (Kit)
Loko-loko talaga 'tong si Kit. Pasalamat siya, best friend ko siya. Hay nako.
"Captain, andito na kami!"
Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na yun at nakita ko si Kuya Ran na may kasamang babae. Oh shit! Si...
"Emina?!"
"Fres?!"
Napatingin ako kay Master. Bakit nandito si Emi? Is it safe for her? I admit I missed her, pero baka mapahamak siya kung wala siya sa isla. But then again, her husband and his gang is here so she'll be fine.
It has been a year since the incident and thankfully, wala pa namang masamang nangyayari sa kanila.
"KC, mind telling me who's this beautiful young lady?" nakangiting tanong ni Daddy habang nakatingin kay Emi.
"Uh. She's Yesha," pagpapakilala ni Master. "My wife."
"Oh!" Daddy exclaimed. "Hello, Yesha. I'm Train. Fres' father. Nice to meet you."
Nginitian din siya ni Emi. "Nice to meet you, too. Tatay po kayo ni Fres? Hindi po obvious."
"Yeah, I know! Haha!" (Daddy)
I rolled my eyes as Master went to my side. Ayan na naman si Daddy sa pagiging FC niya.
"I'm jealous." naka-pout na saad ni Master. Kamuntik na akong matawa sa hitsura niya pero pinigilan ko lang. Baka kasi gilitan niya ako ng leeg eh. Pfft.
"Ha. Don't care." masungit na tugon ko.
Maglalakad nalang ako pabalik sa pwesto ko sa battle arena. Bahala na si Emi na magtanong dun. At bahala na rin si Master na magselos dun! Haha!
Malapit na ako sa pwesto namin ni Daddy kanina nang may bumangga sakin.
"Aray, ano ba! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" inis na usal ko.
"Tss." sabi nito at dire-diretsong nilagpasan ako.
Aba walangya yun ah! Sayang at di ko nakita ang mukha niya! Tch!
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
General FictionUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...