Chapter 34 - Kidnapped and Enslaved?
FRES EVANGELIQUE
It's been five hours since we've been tied up and gagged. Matapos kaming ibaba ng limousine sa isang terminal, ilang minuto lang ay may isang malaking van na kumuha sa'min. We were being kidnapped pero wala kaming nagawa dahil napakalakas nila... and of course, marami sila kaya hindi ko kinaya mag-isa. The boys were easily knocked out by them.
Now I get what my daddy wanted me to see. Mahina pa nga talaga ang mga ito. If they were stronger, we could've put up a fight and with luck, probably be able to defeat them. Pero hindi gano'n ang nangyari, it turned out that I was the last man—woman, whatever—standing.
There were twenty men in vendetta masks versus me. Wala na akong nagawa kundi sumuko dahil alam kong magmumukha lang akong tanga kung lalaban pa ako, knowing very well that I will lose... especially kung gagamitin nilang hostage ang mga mokong na kasama ko.
Kaya ngayon, nandito kami sa loob ng van nila. Nakapiring, may nakabusal na tela sa mga bibig, at nakagapos. Hindi ko man lang nga masamaan ng tingin ang mga walang kwentang lalaki na kasama ko para ipakita sa kanila ang pagka-irita ko. Ugh!
Naramdaman kong huminto na ang van. Matapos ng halos limang oras na pag-andar nito at pag-iisip kung saan kami dadalhin, sa wakas ay mukhang nandito na kami!
Finally! Ngalay na ngalay na ako! My badness!
Wala na akong pake kung gawin man kaming hostage o ano, ang mahalaga makatayo na ako at makapag-unat-unat!
"Mmm!" Narinig ko ang boses ni Pin at hula ko ay nagpupumiglas ito ngayon. Sunod naman ding nag-ingay ang iba.
Mainit na kamay na nakabalot sa tingin ko'y gloves ang humawak sa braso ko. Dahan-dahan niya akong hinila palabas at inalalayan na 'wag mauntog ang ulo ko sa sasakyan.
Weird. First time ko ma-kidnap... Ganito na ba talaga ang mga kidnapper ngayon? Gentle na sa mga biktima nila?
Giniya nila kami sa paglalakad. Mga ilang minuto yata kaming naglalakad nang higpitan ng may hawak sa'kin ang pagkakahawak sa braso ko—senyales na huminto ako kaya sinunod ko.
"This should be far enough." Malalim na boses ang dumagundong sa pandinig ko. It's not a voice of someone familiar—aba syempre naman, Fres! Why would you expect na familiar ang mangingidnap sa inyo? I mentally facepalmed. "Tanggalin niyo na ang mga piring nila."
Nasilaw ako sa liwanag nang tanggalin na niya ang piring sa mga mata ko kaya ilang segundo pa bago ko nakita ang lugar kung nasaan ako—kami.
Nasa gitna kami ng isang kagubatan. Hindi ko alam kung sa Pilipinas pa rin ba ito kasi napakaganda ng mga puno at mga halaman dito. Parang paraiso kung titignan. Malayong-malayo sa lugar na kinagisnan ko.
Tumingala ako at nakita ang kulay blue na langit. Napaka-linaw nito, halatang wala masyadong polusyon dito. Nasaan ba kami?
I scanned the room and my eyes landed on the guy in front of me na kanina pa pala ako tinitignan.
"So, you are the King's daughter..." He trailed off, sizing me up. Ginawa ko rin ang ginagawa niyang pagtingin. He was a man in a black business suit. Moreno, matangkad at gwapo kahit pa mukhang nasa forties na ito. "...not bad." he commented.
Napataas ako ng kilay. So anong ibig niyang sabihin do'n? I know I don't have my adoptive parents' looks because, duh, I am just adopted, but I am confident with how I look. Natural na maganda ako, 'yan ang sinasabi ng marami.
"You have no scratches..." Inikutan niya ako, inspecting me like I am one of his specimens kung doktor man siya. "Just a few dirts from the fight, but nevertheless, unscathed..."
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
Fiksi UmumUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...